She reached his hand. Pagkaabot niya ay agad na hinawakan ni Jack iyon nang mahigpit.

At iyon lang pala. Iyon lang pala ang kailangan niya. Just one touch from him so she won't feel scared, anymore.

Napangiti si Blair at kinalimutan muna ang mga isipin. She'll confirm her condition first before telling anything to Jack. Ayaw niyang madamay ito sa hindi pa naman siguradong sitwasyon. She does not want to cause him the "tulala" and bothered moments she had.

Blair can do this. Blair will find a way to undoubtedly confirm her condition. Sa ngayon, kailangan niya munang ibalik ang sigla at enjoy-in ang relasyon nila ni Jack habang nag-iisip siya ng paraan.

Kaya naman sa mga sumunod na araw, bumalik sa normal si Blair para hindi na masyado mag-alala si Jack.

Nasa isip niya pa rin na baka buntis siya kaya maingat na lang siya. Pero patuloy pa rin siya sa paghahanap ng paraan kung paanong makakauha ng PT o makapunta sa doktor nang palihim. She's also wishing that she's not really pregnant...

Pero palabo nang palabo ang wish niya. Lalo na nang hindi dumating ang monthly period niya.

"Christeena Blair, are you listening?"

Bumaling siya sa ina. It's a Saturday night. Umuwi siya sa bahay nito at sabay silang nagdi-dinner ngayon. "Yes, Mama?"

Napabuga ito ng hangin. "I said, do you still want a grand party for your sixteenth birthday? Tatlong araw na lang at hindi ka sumasagot sa mga tawag ko nitong nakaraang linggo."

Umiling lang siya at itinutok ang mga mata sa pagkain. "I don't want a party already, Mama. Wala naman akong masyadong friends na pupunta. I mean, I only have Jack and Summer. I think I'll just treat them na lang on my birthday."

"Don't you want to spend your birthday with me?" maingat na tanong ng Mama niya. Parang may halong paawa ang tanong.

Pero hindi na lang 'yon pinansin ni Blair. Nagpatuloy siya sa pagkain.

"You gained weight," komento ng Mama niya, out of nowhere. "I told you to watch your diet, right?"

Kusa siyang napahinto sa pagsubo. "S-Sorry, Mama... Madami kasing ginagawa sa school, I think I'm—" Napatigil siya sa pagsasalita nang parang may kumuyom sa sikmura niya at ang lahat ng laman niyon ay umakyat sa lalamunan niya...

"Blair!"

Napatayo siya at tumakbo sa kusina. Napatabi ang mga katulong na nasa lababo. Blair started to vomit everything---everything that she ate.

Hanggang sa wala na siyang maisuka, ngunit patuloy siya sa pagduduwal kahit laway na lang.

"Baby, what's happening to you?" Nasa likod na pala ang Mama niya. Hindi niya napansing sinundan siya. "Did you eat something bad?"

Sasagot sana siya pero may umakyat ulit mula sa lalamunan niya hanggang sa bibig. At inilabas niyang lahat iyon sa lababo. Parang nanlalabo na rin ang paningin niya.

"Blair, what's happening?" Parang natataranta na ang Mama niya. Sinimulan na nitong singhalan ang isang katulong para kumuha ng tubig at ng gamot.

Kahit nanghihina, binuksan niya ang gripo. Nagmumumog at naghilamos si Blair. Nawala na nang kaunti ang pagkahilo, pero pumipitik ang sentido niya.

"I want to rest..." mahinang sabi niya.

Agad siyang inalalayan ng Mama niya hanggang sa makaakyat sa kuwarto niya. Then one maid entered, holding a tray of one glass of water and medicine tablets.

Mabilis na umiling si Blair nang inabutan siya ng Mama niya ng gamot. Humiga siya, nagkumot hanggang leeg at pumikit. "I don't need to drink any medicine, Mama... I'll just s-sleep..."

Good Riddance (DS #2)Where stories live. Discover now