Tumango-tango si Summer pero hindi pa rin siya inaalisan ng titig.

"Let's continue asking each other. Ahm..." Tumingin siya sa sarili niyang notebook. "What is—"

Pero dumating na ang teacher nila at tumayo ang buong klase para bumati. After the morning greeting, pinakuha na agad sila ng papel para sa quiz.

Itinago nila ang mga notebook at nag-umpisa sa pagkuha ng quiz. And as expected, kahit may kaunting nasagot, bagsak si Blair.

She didn't care, though. Iniisip niya pa rin ang tungkol sa kondisyon niya. She can't... she can't do this alone...

By lunch time, sa canteen lang sila kumain ni Summer. Abala pa kasi si Jack kasama ang team nito sa pagbuo ng school magazine. Sa buong araw sa eskuwela, hindi sila nagkausap. Pero nagkakasalubong-salubong sila minsan sa hallway.

Napapayuko na lang si Blair sa tuwing nagkakasalubong sila o kaya ay sinasadya niyang tumingin sa ibang direksyon. Unang beses siyang nakaramdam nang hiya na salubungin ang mga mata ni Jack.

Pagkadating nang uwian, hindi niya na hinanap si Jack. Umuwi nang diretso si Blair sa apartment at natulala na lang ulit. She felt... alone. She does not know what to do. She does not want to tell anyone. She felt like her "pregnancy" would create chaos or what. She does not know!

Sa kabilang parte ng puso niya, gusto niya sanang maging masaya. Kasi magkaka-baby na siya... Sila ni Jack! They are a family now! But how...

Nakagat niya ang ibabang labi. Think, Blair, think. You're not that smart, but you can find a way. Think, think, think...

"Blair? Are you home? Blair?"

Literal na napatalon siya mula sa kinatatayuan. Kumatok pa ulit si Jack sa pinto.

"Blair?"

Napalunok siya. Ayaw niyang buksan ang pinto. It's the first time that Blair's not excited to see Jack.

"Blair?" pagkatok ulit nito. Malumanay ang boses. "H-Hindi pa tayo nakakapag-usap ngayong araw... Y-You won't even glance at me earlier... Ahm, n-nagtatampo ka ba sa'kin? Kasi hindi ako nakatawag kagabi?"

Hindi pa din umiimik si Blair. Nakatitig lang siya sa pinto.

"I'm sorry, Blair... Madaming ginawa kahapon para ma-finalize na lahat ang content sa magazine bago iyon ipa-print. Pagkauwi ko, nakatulog na agad ako sa sobrang pagod. I'm sorry, Blair..."

Bakit salita pa rin nang salita si Jack? Ganoon ito kasigurado na nasa loob siya ng apartment?

"Blair?" katok ulit ni Jack. "Blair, please answer. I'm worried about you. Sabi ni Summer, ang tamlay mo daw buong araw... I know you're not sick... Ahm... M-May ginawa na naman ba si Tita Bridge? O ang P-Papa mo? Did they upset you, again?"

Napalunok siya. He knows her very well...

"Blair?" pagkatok pa rin ni Jack.

Sa huli, ikinilos ni Blair ang mga paa at inabot ang doorknob ng pinto. When she opened the door, Jack was patiently standing there. Mukhang walang kabalak-balak umalis.

"Why are you so sure that I'm here?" she asked, plain curious.

Napakurap ito. "I... I can feel you..." Parang nahihiyang napayuko ito. "I don't know... I just know when you're around, when you're close to me..."

For the first time that day, Blair was able to smile. "You have that power?" she teased.

Nagkibit-balikat ito, dahan-dahang nag-angat ng tingin. "N-Nagtatampo ka ba s-sa'kin?"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon