The Future Of Our Paradise

Magsimula sa umpisa
                                    

"Don't worry about Avi, she's just asleep because of shocked. She'll be fine". Sambit ni Trinity dahil nakita niya namang walang sugat o tama si Avi. Ayon naman pala eh! Akala ko naman dalawa ang itatakbo namin, kapag nagka taon? Mukhang mapapa-amin kaming lahat.





"Ano Prims? Okay ka pa?". Tanong ko.




"E-Eros, a-akin n-na n-nga yung b-baril. G-Gusto rin ata ni J-Jared eh". Sagot niya naman sa tanong ko. Napaka naman neto, nag tatanong lang ako eh! Hmp! Ang sasama talaga ng tao dito! Ayoko na nga, nag tatampo na ako.




Nag salubong tuloy ang dalawang kilay ko, nag pasya akong lumayo ng kaunti dahil baka nga barilin niya rin ako. Ayoko na ulit maoperahan, hindi naman masakit dahil may anistisya pero kapag tapos non? Doon mo mararamdaman yung sakit. Idagdag pa na magiging peklat yon kapag gumaling, hindi pa ako ikinakasal! Hanggang halik pa nga lang ako eh!





Isinakay na namin si Primo sa sasakyan, kawawa naman ang kotse ko. Kakalinis lang nito eh, kaylangan ko nanaman siyang ipalinis at kaylangan ko nanamang mag bayad. Hindi ba nila alam na mahal yung bayad dito? Kahit pa may sariling mga car wash boy sa loob ng Cielo, may bayad pa rin yon! Hindi yon libre kahit na mga agent kami na nagta trabaho doon.






Bago pa kami umalis, kinuha ni Trinity yung Hydrogen Peroxide para siguraduhin na walang bakas ng dugo na naiwan mula kay Prims. Siyempre, mamaya may buhay pa sa mga to tapos nag hihintay lang na maka alis kami. Kapag naka kuha sila ng sample ng dugo ni Primo edi malalaman na nila ang tunay niyang pagkatao, kapag nang yari yon? Patay lahat ng mga taong naka paligid sa kaniya.





"Mauna na kayong umalis, ako na ang bahala dito". Malamig na aniya ni Trinity. Hindi na kami pwedeng mag tagal dahil nag aagaw buhay si Primo, wala ako sa mood na umatend ng lamay ngayon. Nag luluksa pa ang puso ko, hindi pa nakaka move on to kaya pwede tama na muna ang patayan? Ospital lang muna.





"Primo, kapag natulog ka? Sasabihin ko kay Thor na pwede na niyang halikan si Aurora. Huwag ka muna matutulog, malapit na tayo eh". Paalala ko sa kaniya. Si Eros ang may hawak kay Avi habang yung kambal naman ang umaalalay sa tama ni Primo.





"K-Kapag n-naka l-ligtas ako, h-humanda ka s-sa'kin". Natatawa niya pang sagot. Yan ang kilala kong Primo, malapit nang mamatay pero gago pa rin.




"Nandito na tayo, wait tatawagan ko lang yung mga nurse atsaka doktor para agad kang masikaso". Natutuwa kong sambit. Patawa-tawa lang ako pero kinakabahan na talaga ako ngayon, natatakot ako... Aminin ko man o hindi pero iyon ang totoo kong nararamdaman sa mga oras na ito.




Noong sumabog ang gusali kung nasaan kami, nakita ko nanamang umiiyak si Abigail. Siguro isa yon sa mga pinaka malalang iyak niya, palaging may luha sa mga mata niya pero hindi lahat ay nakikita yon. Alam ko ang nakaraan ng bawat isa pero bilang respeto, hindi ako nag tatanong o nag sasalita tungkol doon. Nalalaman ko dahil kay Vice Commander, ako kase palagi ang kasama niya noon.




Tinawagan ko ang kilala kong doktor, si Dra. Chloe Bartolome. GS (General Surgery) doctor ang kaylangan namin dahil sa tagiliran tinamaan si Primo, sigurado naman akong hindi siya tinamaan sa lungs o puso. Kailan pa bumaba ang lungs at heart? Hindi naman ako nainform.





Dra. Bartolome: Hello? Jared?





Ako: Dra. patulong naman oh, kaylangan namin ng doktor ngayon.





Dra. Bartolome: Kung sa puso ang tama niyan, hindi ako ang kaylangan ninyo atsaka sino bang may problema? Ikaw?






Ako: Yung anak ni tita Adrianna ang may problema, seryoso ako Dra.! May tama siya ng bala ng baril sa tagiliran.





Under The Twilight Sky (KOV #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon