CHAPTER 37

4.1K 64 9
                                    

Sorry sa late ud! Lutang ako these past few days and pinalagpas ko lang birthday ko.

Happy reading!

Chapter 37

JERACE'S POV

Lumabas na ako ng office at dumiretso na sa labas. Pumasok ako sa kitchen at kumuha ng apron doon.

"Naku, ma'am! Nagulat naman ako sa inyo." Napahawak sa dibdib niya si Selene. Nilalagyan niya ng design ang cake.

Tumawa ako. "Tigilan mo na nga ang pagkakape, Sel."

"Ang hirap itigil, ma'am. Lalo na't kayo pa ang nagawa." Lumingon siya sa akin. "Sobrang sarap!"

"Sus magkano kailangan mo?"

Humagalpak siya ng tawa. "Grabe naman kayo, ma'am sa'kin!"

Tumawa lamang ako at lumapit na sa kaniyang ginagawa. Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan at maya-maya naman ang pasok ng iba ko pang empleyado para kumuha at maghatid ng order at kung anu-ano pa.

"Ma'am!"

Halos mabitawan ko ang bitbit na bagong baked cookies. Napatingin ako kay Lina na nanlalaki ang mga mata at pawang kinikilig pa.

"Oh? Problema mo?" Binaba ko sa table ang tray at tiningnan siya.

"Si Sir pogi nasa labas!" Tili niya at nakisali na rin si Selene at ang dalawa pa naming kasama.

Tumango ako at hinubad agad ang apron. Inabot ko 'yon kay Selene na nakangisi na sa akin.

"Sana all, Ma'am."

Tumawa ako. "Sagutin mo na kasi si Tingloy!" Pang-aasar ko sa kaniyang manliligaw na araw-araw dumadalaw dito.

Ngumiwi siya. "Ay ayoko nga roon."

"Ang choosy mo ah!" Kinurot ko s'ya kaya sabay kaming tumawa. "Oh ikaw na muna bahala diyan"

"Yes, Ma'am! Go lang kayo!"

Lumabas na ako ng kitchen habang inaayos ang buhok. May mangilan-ngilan na agad na customers at puro mga nagkakape. Sa bagay, maaga pa.

Natagpuan ko agad siya. Ngumiti ako nang magtama ang paningin namin. Seryoso siyang tumitig sa akin habang palapit ako.

"Hi, Good morning!" I smiled as a sat down. Hindi ko na hinintay na tumayo pa siya dahil natulala na sa akin. Char.

"Hey.." ngumiti siya at inilahad ang coffee sa harapan ko.

"Oh? Naka order ka na pala." Kinuha ko agad 'yon at sumimsim. "So bakit nandito ka?"

Ngumiwi siya sa akin at natigil ang akmang pag-inom.

"Agang-aga ganiyan bungad mo, Je."

"Why? Nagtanong lang eh! Seryoso mo naman, Lou." Tumawa ako nang makitang ismidan niya ako.

"It's Louie, Jerace. "

"Ang cute kaya!"

"No." Sumimsim na siya sa kape niya at tumitig sa akin.

Nginusuan ko siya. "Kakaiba na mga titig mo ah."

He chuckled. "Ang ganda eh."

Nailing na lamang ako ngunit nangingiti.

Hindi ko alam kung kailan kami naging ganito ka close ni Louie. Anak siya nina Tita Carla at Tito Luhan. Ni hindi ko nga siya nakikita noon eh. Sa abroad raw pala siya nag-aaral.

Aksidente lamang ang pagkikita namin noong nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Nag-aabang ako ng masasakyan dahil hindi raw ako masusundo ni Mang Fred, sinugod sa hospital si Jayren at desperado na akong makauwi noon.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now