CHAPTER 35

4.4K 59 9
                                    

R-18.

Kalma kayo mga beh! Wala pang pasukang mangyayari! Haha!

Chapter 35

JERACE'S POV

"Ready na ba? Nasaan ang balloons roon?"

Halos maghisterya na ako. Tumawa si Chenny at lumapit sa akin.

"Kalma, Jerace! Nagmumukha kang matanda diyan sa itsura mo eh!"

Agad ko siyang sinita. "Huwag ka ngang maingay!" Tumingin ako sa itaas at natawa naman si Axel sa akin na nakabantay sa taas ng hagdanan.

"Ay, Jerace! Sana lang matuwa si Drain rito ah! Dahil kung hindi sayang ang gising ko!" Lumapit sa akin si April na nag-aalis pa ng tape sa mga daliri.

Inirapan ko siya. "Pag 'yon ay nagising dahil sa kaingayan niyo, lagot kayo sa akin."

"Grabe ah? Kami pa?" Si Chenny na humihikab pa.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Napahinga ako ng malalim nang makitang 5:14 am pa lamang. Ngayon ang birthday ni Drain. October 25 ngayon at 21 na ang mahal kong boyfriend.

Yiiieee! Ba 'yan!

Kanina pa kami dito sa bahay nila Drain, mga three am yata. Nakausap ko na sina Tita Erin at Tito Drake sa plano ko kagabi pa. Pumayag naman sila dahil hindi naman raw alanganin ang oras. Sa gabi pa kasi ang birthday party ni Drain.

Nahiya pa nga ako dahil nabulabog agad namin sila. Ayos lang naman raw para makapaghanda na sila sa kakailanganin sa gaganapin mamaya.

Lumabas mula sa kitchen sina Rex at Reggie.

"Whoa? Ayos na pala eh!" Si Reggie habang nakatingin sa mga nakasabit sa living room nila.

Ngumuso ako at pinagmasdan rin 'yon. Dinikit ko ang mga pictures namin ni Drain sa dulo ng mahabang tali. May mga pictures rin naman siya na solo at syempre ako. Meron rin silang magbabarkada. Pinalibutan rin namin ng maraming lobo at may mabubuo roon na salita.

Happy 21st birthday my baby!

Iyan ang nakasulat. Natawa pa nga ako nang napuno ng asaran ang buong bahay nila. Tawa pa ng tawa sila Tita Erin at Tito Drake. Buti na lang, hindi nagising si Drain.

"Effort ah!" Si Rex at tumabi kay April na inismidan siya.

"Syempre!" Tumawa ako.

"Tsk! Mukhang anniversary ninyo eh!" Epal ni April. "Punong-puno ng pictures niyo oh!"

"Alangan namang picture mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh bakit hindi?"

"Huwag na!"

Tumawa si Reggie at tumingin kay April. "Hayaan mo, April. Pag nagbirthday ka, ganiyan rin gagawin ko!"

"Asa pa ako!"

"Pag nag monthsarry tayo, puno 'yon ng pictures mo." Banat ni Rex na nakangisi pa kay April.

Natahimik ang babae at inirapan siya.
"Tigilan mo nga ako, Rex!" Tumawa kami. "Sa burol mo, ganiyan ang gagawin ko!"

"Hoy! Ang sama mo!"

Nagtawanan kami dahil sa sinabi nang walanghiyang si April.

Natigil lang kami nang mabilis na tumakbo pababa si Axel.

"Gising na! Hey! Gising na! Palabas na!" Sigaw niya.

"Oh my gosh!" Agad akong nataranta at hindi alam ang gagawin.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora