CHAPTER 14

3.8K 73 3
                                    

Chapter 14

JERACE'S POV

Halos hindi pa rin ako makahinga habang hawak ng mariin ang cellphone. Hinawakan ko ang puso ko at sobrang bilis ng tibok nito!

Shit! Huwag kang umalpas!

"Anong itsura 'yan?"

Nilingon ko si April na takang nakatingin sa akin. Tapos na yata siya sa cellphone at sa akin na ang buong atensyon.

"April."

"Oh?" Kumunot ang noo niya.

Ngumiti ako ng sobrang laki at tumili ng matindi!

" Hala? Ayos ka lang?" She panicked!

I laughed. "S-Si Drain!"

"Oh, si Drain?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"He texted me! Oh my gosh! April!"

Hindi ako magkaintindihan sa sobrang kilig na nararamdaman. Kanina, halos ikawalang gana ko ang nangyari tapos ngayon? Sa simpleng ganoon niya lang? Hulog na naman ako, punyeta!

"Ano? Baka nireplyan ka? Diba tinext mo?"

I rolled my eyes. " Ganoon na rin 'yun!" Kinagat ko ang labi ko. "Tumawag pa siya kanina! Nag-aalala siya sa akin!"

Bumuntong hininga siya at umupo para magpantay ang tingin namin. Nagtaka ako nang makitang nag-aalala ang mga tingin niya.

"Je? Masyado bang masakit ang sinabi niya sa'yo at nag-iilusyon ka na?"

My eyes widened! Ano raw?

"Je, hindi niya 'yun gagawin. Ayos ka lang ba talaga?" Hinawakan pa niya ang noo ko!

Tinabig ko ang kamay niya at umirap.

"What the hell, April! Hindi ako nag-iilusyon 'no! Tinext niya talaga ako at tumawag pa siya nang hindi ako nagreply!" Kumunot ang noo niya. Inis akong bumuga ng hangin. "Hindi ka naniniwala?"

Umiling siya nang paulit-ulit.

"My gosh!" Inis kong dinukdok ang cellphone sa mukha niya. "Ayan! Tingnan mo!"

Kinuha niya 'yun sa akin at nag browse ng mga text ni Drain. Pinanood ko ang unti-unting paglaki ng mga mata niya. Tumingin siya sa akin at talagang hindi makapaniwala!

"See?" Mayabang kong f-in-lip ang buhok.

"Langya! Tunay 'to? Number niya 'to?"

" Psh! Of course! Anong tingin mo sa'kin?"

"Babaeng obsessed kay Drain." Sagot niya at ibinalik sa akin ang cellphone.

Ngumuso ako at kinuha 'yun.

"Ang sama mo talaga!"

"Hindi ka gusto niyan. Guilty lang siya sa mga sinabi niya sa'yo. Kaya huwag ng umasa ah?" Tumayo siya at tinaas ang kilay.

Umirap lang ako at itinago na ang cellphone sa bag.

"Ikaw, panira ka!" Tumayo ako at hinatak ng konti ang buhok niya.

" Aray! " Reklamo niya at lumayo sa akin.

"Psh! Ano bang surprise mo? Bilisan mo at nang makauwi na ako!"

" Ay galit ka? Ha? Galit?" Sinugod niya pa ang mukha sa akin.

Tinarayan ko lang at inayos na ang sarili saka ang bag. Tumunog ang cellphone niya at agad siyang tumili!

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon