CHAPTER 15

4.3K 78 11
                                    

Chapter 15

JERACE'S POV

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Hindi makapaniwalang nakatingin ako kay Drain na ngayon ay seryoso ang mga mata at nakatuon sa akin.

A-Ano nga uli 'yung sabi niya?

Tumawa si Reggie. "What?" Tumingin siya sa'kin.

Binitawan na ni Drain ang kamay niya kanina pa.

"You have a boyfriend, Maj?" Gulat na tanong ni Reggie. Titig na titig sa akin.

Bumaling si Drain sa kaniya. "Maj?" He raised a brow.

I bit my lower lip and stared at him nervously.

"Maj? Ah! Tawag ko 'yun sa kaniya! Cute no?" Reggie put his arms on my shoulder. Hinigit niya pa ako at ginulo ang buhok ko. "May boyfriend ka na pala ah? Bakit hindi ko alam?"

"A-Ah..." Hindi ako makabuo ng salita!
Tumikhim ako. "He's not my b-boyfriend." Mahinang sambit ko.

Tumingin ako kay Drain at nang nakitang dumilim lalo ang tingin niya ay mabilis akong nag-iwas ng tingin!

Shit! Ang puso ko!

Tumaas ang kilay ni Reggie at ngumisi sa akin. "Talaga? Hm, buti naman. Lagot ka sa akin, Maj..pag mayroon."

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Hindi ako mapakali. Lalo na nang lumipat ang mga mata ko kay Drain at nasa balikat ko na ang tingin niya.

"M-Mauna na kami.." paalam ko.

Kumunot ang noo niya at umayos ng tayo. "Where are you going?"

Tumawa si Reggie. "May pupuntahan lang, konting bonding."

"I'm not asking you. "Supladong ani Drain sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko. Napaubo si Reggie at nagulat rin. Humalakhak ulit si Axel. Tila ba libang na libang sa pinapanood.

"Nagpaalam ka ba?" He looked at me.

"Hindi naman na kailangan. H-Hindi naman sila magagalit."

"Ihahatid na kita. Kasabay mo ako lagi, kaya baka magtaka si Mang Fred at hindi kita kasabay ngayon. " He said while looking at me intently.

Hindi ako nakasagot! Napatitig sa akin si Reggie at tumaas ang kilay. Palihim akong kinurot ni April na agad ko namang tinabig. Huminga ako ng malalim.

"Maj?" Si Reggie na pinandidilatan ako.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi alam kung sasama ba kina Reggie o kay Drain na lang. Nababaliw na ako! Akala ko ba ayaw niya na akong makita? Eh bakit may paganito?

"Maj, tara na." Mariing ani Reggie.

Drain's jaw clenched. "Babe, let's go. "

Literal na nalaglag ang panga ko! Mabilis akong napatingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. Natigilan rin si Reggie at April. Lalong humalakhak si Axel at napailing.

"May paganoon? Hanep." Bulong-bulong niya sa likod ni Drain.

Napariin ang kurot ni April at lumapit sa akin. "Babe raw oh. Sana all."hagikhik niya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Huhuhu! Jusme ka, Drain!

Nakatitig na siya sa akin. Kinurot ko ang kamay ko para magising at makapagsalita. Ngunit walang kahit anong lumalabas sa bibig ko!

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now