CHAPTER 41

5K 79 13
                                    

Chapter 41

JERACE'S POV

I put my red lipstick on my lips and then fixed my hair again.

Paulit-ulit na ako sa katitingin sa aking sarili. Bagay na bagay sa akin ang napili kong dress. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Bahagya kong kinulot ang baba noon.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko maitatanggi na labis ang kaba ko sa party na 'to. Para bang may mangyayaring hindi maganda.

Kung noon,tuwang-tuwa ako kapag aattend kami nila Mommy ng ganito. Lalo pa at kasama ang mga Anderson kaya hindi na ako mapakali sa pag-aayos pa lang. Pero syempre, mukhang nagbago na 'yon ngayon.

"Honey?" I looked at my door when someone knocked on it.

"Yes?" The door opens. It's my mom.

Napatitig siya sa akin at nangunot ang noo ko nang mapatakip siya sa bibig niya.

"You looked so gorgeous, Honey!" Tuwang-tuwa aniya.

Natawa ako. Ang OA pa rin ni Mommy!

"Syempre, mana sa inyo."

Natigilan siya roon. Ito ulit ang unang beses na sinabi ko 'to sa kaniya.

"Oh god." Agad siyang lumapit sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. " Ang ganda ganda ng anak k-ko.."

"Mom." I sighed. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

Ngumiti siya at inayos ang buhok ko. "Ganitong-ganito ka noon. Tuwang-tuwa ka pag may party tayong pupuntahan. Ang tagal-tagal mong mag-ayos. Iyon pala may dahilan. At siya 'yon."

"Mommy.."

"I'm sorry honey. Kami ang dahilan kung bakit nangyari 'yon sa inyo. Nakita ko kung paano ka nahirapan. At patawarin mo kami, anak." Mahinang aniya.

Napayuko ako nang bumukas ang mga luha sa mga mata ko.

"At least..napatunayan ko kung hanggang saan ang pagmamahal niya sa akin, M-Mom." Tumingin ako sa kaniya. "At hindi 'yon malalim. "

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Pinapaniwalaan natin kung ano 'yong nakikita ng mga mata natin. Pero bulag tayo sa kung anong nararamdam ng ating puso. Kasi takot. Takot na baka maulit ulit. Takot na baka maiwan ulit. Takot na baka..masaktan ulit." Hinaplos niya 'yon. "At 'yan ang nararamdaman mo ngayon. Kahit pilit mong sinasabi na masaya ka na ngayon..iba ang nakikita ko, Jerace. "

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Sumakit ang lalamunan ko. Mukhang masisira yata ang make up ko.

"Nagkita na kayo diba?" Gulat kong binalik ang mga mata sa kaniya. "Sinabi niya sa akin."

"W-What?" Si Drain?!

Ngumiti si Mommy. "Hm! Sa akin siya unang nakipagkita no'ng makabalik siya last month."

I blinked twice. "B-Bakit?"

Tumawa siya. "Nag-usap? Saka ko na sasabihin pag okay ka na." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Huwag mong pakainin ng puro sama ng loob ang utak at puso mo, Honey. Hear his side too. "

Napaawang ang mga labi ko. May alam siya na sila lang dalawa!

"Tell me, Mom. Ano 'yon?"

Parang bata siyang umiling sa akin. "Naispoil na nga kita eh! Tama na. " Niyakap niya ako. "Ingat ka roon. Balitaan mo ako ah? Hindi ka naman pababayaan ni Carla at ng ex mo." Humalakhak siya.

Ngumuso ako. "Ang daya."

Mukhang matagal ng nakuha ni Drain si Mommy ah. Sanaol.

"Hi!" Inalalayan niya ako papasok ng kotse.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon