CHAPTER 17

3.9K 76 13
                                    

Chapter 17

JERACE'S POV

"Dalian natin. Nagtext na si Reggie, nasa labas raw siya ng cafeteria." Sambit ni April habang inaayos ang gamit niya.

Medyo overtime na 'yong teacher namin sa English kaya nagmamadali kami ngayon.

"Ano, ayos na?" Humarap siya sa'kin.

Tumango ako at sinukbit na ang bag saka naunang lumabas ng classroom. Nakasunod lamang siya habang abala sa cellphone. Hindi ko na siya kinulit dahil sa naiisip ko.

Kasabay naming maglunch si Reggie. Gusto niya pa nga na siya na ang pumunta sa building namin kaso syempre hindi ako pumayag. Hindi ko masusulyapan si Drain.

Magagalit kaya siya sa akin?

Diba sabi niya, huwag nang pupunta?

Teka, hindi naman siya ang pupuntahan ko ah?

Oo, tama tama! At mukhang mabait na siya sa akin. Natatakot akong masira ko na naman 'yon dahil sa kaharutan ko.

Ilang lakaran pa at nakarating na rin kami. Natanaw ko agad si Reggie na umayos ng tayo at kumaway nang makita kami. Ngumiti ako at tumakbo para makalapit.

"Rej!" Sigaw ko habang kumakaway.

Tumawa siya at inilahad ang dalawang braso. Yumakap naman agad ako nang makalapit. Rinig ko ang reklamo ni April.

"Isang taong hindi nagkita? PDA kayo!" Aniya nang makalapit at inis na nagpahid ng mukha. "Grabe! Ang init!"

Tumawa lang si Reggie at ginulo ang buhok ni April na agad siyang inambaan ng suntok. Naiinis iyan pag ginugulo ang buhok niya.

Humarap sa akin si Reggie. "Kumusta?"

"Ayos lang! Medyo overtime si Ma'am English." Tumawa ako.

Ngumiti siya at may kinuha sa bulsa niya. "Tingala." Utos niya.

Nangunot ang noo ko ngunit tumingala na rin. Hawak niya ang panyo at harsh na pinunasan ang mukha ko!

"Aray! Ugh! Sayang powder ko!" Reklamo ko at lumayo sa kaniya.

Tumawa siya ngunit lumapit pa rin at inabot ang mukha ko. "Arte. Ang pawis mo oh." Pinunasan niya 'yon kaya hinayaan ko na lang.

"Ako rin! Tagaktak pawis ko, Rej." Ngumuso si April at inilapit ang mukha kay Reggie.

Tumawa si Reggie at inilahad sa kaniya ang panyo.

"Oh, magpunas ka. "

Umirap si April. " Daya! May favoritism na nagaganap dito!"

"Tampo. Halika na." Ginulo ulit ni Reggie ang buhok niya kaya naman mabilis siyang nasiko ni April.

Tumawa ako ngunit natigilan lang nang nahagip ng tingin ko si Axel na nakasandal sa may pinto at nakangisi sa amin.

"Hi, Ax!" Bati ko.

Tumango siya. "Yo, Jerace!" Tiningnan niya si Reggie. "May tagapunas ka ah? Sweet." Ngisi niya saka nagsimulang maglakad papasok.

Nangunot ang noo ko ngunit napatigil nang mapansin na kanina pa yata siya diyan. Pinapanood niya kami?

"A-Ah hehe. Ginagawa mo doon?" Asiwa akong ngumiti.

Sumunod kami sa kaniya. Katabi niya ako at nasa likod ko ang dalawa na nagbabangayan na yata.

"May tiningnan lang."kibit-balikat niya.

"Sino?"

Ngumisi siya. " Hindi mapakali 'yon e. Pinaabangan na sa akin."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Magsasalita na sana ako ngunit mabilis niyang natapik ang balikat ko at lumapit na sa table nila. Sinundan ko siya ng tingin muntik pa akong mabuwal nang mahagip ng mga mata ko ang table nila Drain hindi kalayuan kina Axel. Diretsyo sa akin ang mga mata niya.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon