CHAPTER 4

3.7K 73 2
                                    

JERACE'S POV

"Hello, everyone!" Bati ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Napalingon sa 'kin ang ilang kasambahay at ngumiti agad.

"Hello po, Ma'am! Ang aga niyo ah?" Si Chenny. Ang kaclose ko sa lahat ng kasambahay namin. Siya kasi ang pinakabata sa kanila dahil seventeen years old lang siya.

Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang bag ko. Maganda talaga si Chenny. Maputi, balingkinitan at matangos ang ilong. Mahaba ang kulay brown niyang buhok at kung magdadamit siya ng gaya ng akin ay hindi mo aakalaing kasambahay siya.

Mas mukha pa itong tao sa 'kin eh! My gosh!

"Ma'am, tara na at magmerienda muna kayo."

Ma'am ang tawag niya sa 'kin pag maraming tao pero kapag kami na lang at kausap ko siya sa mga bagay-bagay ay pangalan ko na ang gamit niya. 'Yon rin kasi ang sinabi ko. Dahil gusto ko pantay kami ng tingin sa isat-isa. Pero minsan ayoko na tawagin niya akong Ma'am. Feeling ko ang tanda ko.

I smiled at her. "Sige! Sabay na tayo. Magpapalit lang ako." Tumango siya at nagpaalam na pupunta na ng kusina.

Tumango lang ako at umakyat na sa taas para makapagpalit. Nakasalubong ko si Manang Berna. Ang mayordoma namin. Nagulat siya nang nakita ako.

"Nandito ka na pala!"

Ngumiti ako. "Opo! Magpapalit lang po ako at bababa na!"

"Oh s'ya bilisan mo. Tapos na yata ang mga iyon sa pagluluto."

"Sige po, Manang!" Kumaway pa ako at tumakbo na papasok sa kuwarto.

Mabilis ang ginawa kong pagligo saka nagsuot ng pambahay. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at hinayaan iyong basa. Tumingin pa ako sa salamin at nagmukha akong fresh!

Ganda ko kahit walang make-up!

Sinuot ko na ang tsinelas at bumaba. Wala pa sina Mommy at Daddy. Mamaya pa yata sila sa dinner dadating. Naamoy ko ang mabangong luto nila. Ano kaya 'yon?

Pumasok ako sa kitchen. Nagulat sila pare-pareho. Ngumiti ako at sinilip ang niluluto nila.

"Ma'am, doon na lang po kayo sa dining room." Natataranta at nahihiyang ani Ate Rox.

"Ayos lang po." Tiningnan ko ang kulay brown na niluluto nila. "Ano po 'yan?"

Ngumiti ito. "Banana cue po. Masarap po ito! Pinaluto na rin ni Manang para raw po matikman niyo."

Nagningning ang mga mata ko. Ito 'yong nakita ko noong minsan na mapadaan ako sa isang bilihan. Gustong-gusto ko noon kaso hindi ako nakabili! At ngayon, matitikman ko na!

"Sige po! Roon na ako." Paalam ko saka lumabas at umupo sa upuan.

Ilang sandali pa lumabas si Chenny, bitbit ang dalawang pinggan. Tumayo ako at tiningnan iyon. Nilapag niya ang banana cue at sandwiches sa harap ko. Umalis ulit siya at pagkabalik ay may bitbit ng pitcher na may juice.

"Upo ka na. Dali!" Excited na sambit ko. Natawa siya at nailing sa 'kin.

Umupo siya sa harap ko at kumuha na rin ng para sa kaniya. Kumuha agad ako at nilantakan iyon.

"Kaunti lang ang kainin mo, mabigat iyan sa tiyan." Paalala niya. I just nodded.

"Wow! Ang sarap ah." Tumatango-tangong sabi ko.

"Kumusta na kayo ni Sir Drain?"

Napatingin ako sa kaniya at ngumisi. Hindi ko nililihim ang pagkakagusto kay Drain sa kaniya. Lahat sinasabi ko pag nagkakausap kami. Magaling siyang magpayo kaya masarap kausap.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now