CHAPTER 38

4.6K 75 8
                                    

Hi! Thank you sa mga comments niyo! Huhu! I really appreciated it! Binabasa ko po 'yon!

Hi sa'yo! @queenautumnmckenzie (Di kita mamention ng ayos.Sowyyy!) At kay JM1408  thank you sa inyo! Hi sa mga silent readers diyan! Chour.

Chapter 38

JERACE'S POV

Umuwi ako ng bahay na medyo padilim na. Baka maya-maya lang ay tumawag na si April at pag hindi nakuntento ay puntahan pa ako.

Sinalubong ako ni Mommy at Jayren. Tipid lang akong ngumiti at hinalikan sila parehas sa noo. Wala si Daddy, at hindi ko alam kung nasaan.

Umakyat agad ako sa kwarto ko para maligo at makapagbihis ng damit. Nakapameywang kong binuksan ang closet at tiningnan kung ano ang maaaring suotin.

Kinuha ko ang fitted dress na kulay black. May slit siya sa may hita at sleeveless. Tinapat ko 'yon sa katawan ko habang nakatingin sa salamin.

"Ganda! Mainggit ka, April." Tumawa ako.

Mabilis akong umupo sa harap ng malaking mirror ko saka inayusan ang sarili. Nilapatan ko ng tamang shade ng lipstick ang labi ko at umawra sa salamin.

Ngayon na lang ulit ako makakapag bar! I'm so excited!

Pinuyod ko ang buhok mahabang buhok at nag iwan lamang ng kaunting hibla sa magkabilang gilid. Tiningnan ko ang sarili at napangiti na lamang.

Ang ganda ko pa rin.

Sinuot ko na ang dress. Pares nito ang silver na pumps at naglagay na rin ako ng mga accessories sa katawan saka nag spray ng perfume. Bitbit ko ang purse habang nakatitig sa sariling reflection.

Ako pa rin naman 'to. Ang Jerace na nakilala noon. But now, she's more fearless, independent and strong enough to face any challenges that life would throw on her.

I'm still that Jerace years ago but now I've learned a lesson.

I took a deep breath to calm myself down.

Bumaba ako at naabutan ko si Mommy na nakatingin na agad sa akin. Napansin niya ang ayos ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Where are you going, honey? Date?" She asked.

I just shrugged my shoulders. "Hmm? Date with my best friend."

Natawa siya at tumango. "Text me okay? Take care."

"I will, Mom." Humalik ako sa pisngi niya saka lumabas na ng bahay.

Pagpasok ko pa lamang ng sasakyan ko ay syang pagtunog ng cellphone ko. Tiningnan ko iyon at sinagot.

"Yeah. I'm on my way. " Sagot ko agad.

Tumawa siya. "On my way? Hindi mo nga alam kung saan eh."

Napapikit ako at isinuot ang susi.

"Okay. Saan?"

"Dito sa lang sa BGC. Alam mo na 'yon." Sagot niya. May narinig pa akong music sa background.

"Nandiyan ka na?"

"Of course! Kaya bilisan mo!" Tumawa siya at may kinausap.

May kasama kami?

"Sinong mga kasama natin? April?" Tanong ko.

"Yes? Ah yeah! Mga katrabaho ko lang. Napadaan lang Jerace, don't worry. "

"Oh okay. I'll be there in a few." Ani ko saka binaba ang tawag. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at busy sa mga kausap.

Ini-start ko ang kotse saka nagmaneho palabas ng bahay. Sinunod ko ang sinabi niya at pumunta  kung nasaan siya ngayon.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now