CHAPTER 7

3.4K 64 1
                                    

Chapter 7

JERACE'S POV

Tahimik kaming nakasakay sa likod. Panay ang sulyap ko sa kaniya ngunit nanatili ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana. I sighed.

Galit ba siya sa'kin? Huhu

Kami lang dalawa at si Mang Gara ang sakay nitong sasakyan nila. May kotse rin si Axel at doon siya sumakay. Nagpaalam lang siya saglit at nauna na, kaya super awkward tuloy para sa'ming dalawa.

I cleared my throat. "May assignment ka?" I tried to start a conversation with him.

Hindi siya sumagot. Napaisip ako ng maaari pang itanong.

"Nakakain ka ba kanina ng maayos?" Ingat na ingat ako sa pagsasalita.

Nang sabihin ko iyon ay mabilis siyang lumingon sa'kin, nagulat naman ako.

"Bakit?" Takang ani ko dahil nakatitig lang siya sa'kin.

"Isa pa 'yan." Tumalim ang tingin niya. "Matagal mo nang ginagawa 'yon?"

"Ang alin?" Kunot-noong tanong ko.

"Going in our cafeteria every lunch?"

Nasamid ako ng laway ko. Dapat pala hindi na 'yon ang tinanong ko! Shet ang engot ko talaga!

"Ah, ano..hindi naman..kanina lang.." tumaas ang kilay niya, hindi naniniwala. "ulit..hehe." dugtong ko.

Napailing siya at bumaling ulit sa labas ng bintana. Sinilip ko kung anong maganda roon e narito naman ako.

"Tigilan mo na."

"Ha?" Bigla kasi siyang nagsalita. Tumingin siya sa'kin.

"Yong pagpunta roon."

Natahimik naman ako at medyo nalungkot. Napansin niya 'yon kaya ngumiti agad ako.

"Bakit naman? Ayaw mo ba? Hindi naman ako lumalapit e." Gusto kong batukan ang sarili dahil mukha akong nagmamakaawa.

Huminga siya ng malalim. "Masyadong malayo ang building namin. Tirik ang araw at tinatakbo mo pa ang field. So just stay in your building and eat your lunch instead of going in ours." Seryosong aniya.

Tumango na lamang ako at pinagmasdan ang guwapo niyang mukha alo na pag nagsusungit ang baby ko. Ayiee!

"Are you listening?" Inis na tanong niya kaya taranta akong tumango.

"Of course, Drain!" I smiled cutely at him.

Umiling lang siya at hindi na nagsalita. Gustuhin ko mang magbukas ng panibagong topic ngunit naisip ko na hindi pa pala kami ayos. Baka galit pa siya sa'kin at kinausap lang ako about roon sa pagpunta ko tuwing lunch. Napanguso ako nang maalalang hindi na ako puwedeng pumunta.

Paano na lang pag nandoon pa ulit 'yong Ash? At hawakan na siya sa ibang parte? Paano pag hindi na gulay ang ibigay ni Drain sa babae? Paano pag 'yung heart niya na?

Uwaah! Ikennnat!

Baka kaya ayaw niya akong papuntahin para hindi ko makita kung ano man ang gagawin nila sa likuran ko! Mga ahas! Manloloko!

Teka, manloloko agad?

Ikaw nga, assuming!

Sumasabat na naman ang utak ko ah! Nakakainis na.

Tiningnan ko siya at nakapikit na siya ngayon. Natigilan tuloy ako at napatitig pa sa kaniya. Grabe, heaven ang itsura niya pag nakapikit. Yung tipong mapapaluhod ka na lang at magbibigay galang dahil mukha siyang anghel.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now