CHAPTER 10

4K 75 3
                                    

Chapter 10

JERACE'S POV

Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay. Naiinis ako! Hindi man lang ako nilingon ni Drain nung nagpaalam ako para bumaba. Buti kinausap naman ako ni Mang Gara.

" Hoy! Bakit ngayon ka lang?" Tumakbo agad palapit sa'kin si Chenny at kinuha ang bag ko. " Tatawagan na sana kita kasi ang tagal mong umuwi."

Iginiya niya ako sa dining room. Pinaupo agad at inabutan ng tubig. Hindi naman ako nagsalita at malungkot na uminom.

" Nandito na po si Jerace!" Sigaw niya at pumunta sa kitchen. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang merienda.

Pinatong niya 'yun sa harap ko at pinagmasdan ako.

" Ayos ka lang ba?"

"Malungkot ako!" I pouted. "Hindi lang basta malungkot. Masakit! Masakit dito!" Tinuro ko ang dibdib ko. Para akong bata na nagsusumbong sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya at umupo sa harap ko. " Bakit? Anong nangyari? Bakit masakit 'yan? Hinawakan ba 'yan ni Sir Drain? Ano?!" She sounded mad!

" What?! Of course not!" Tanggi ko agad. " Baliw! Edi sana hindi ako malungkot! Magiging masaya pa ako kung hinawakan nga niya!"

Nakahinga siya ng malalim bago ako sinamaan ng tingin.

" Gaano man kaguwapo si Sir, hindi ka papayag na magpahawak! Saka na pag kasal ka na." Ngumisi siya. " Iyon ay kung aabot kayo roon."

Inirapan ko siya at kumuha ng brownies. Kinagatan ko 'yun at malumanay na nginuya.

"Ano ngang nangyari? Bakit masakit 'yan?" Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig bago ininom.

"Boyfriend ko na siya." I sighed.

Napasigaw ako nang maibuga niya ang tubig sa'kin at umubo! My gosh!

"W-What?!" Hindi siya matigil sa pag-ubo kaya hinahampas niya na ang dibdib bago kumuha ng tubig at uminom ulit.

" Ew! Kadiri ka,Chenny!" Reklamo ko habang nakatingin sa uniform ko!

" Sorry naman! Maka eww ka! Ako naman naglalaba niyan!" She handed me a box of tissue.

Pinunasan ko ang uniform ko at inirapan siya.

" Kadiri ka!"

Humalakhak siya. "Huwag ka kasing magbibiro! Nagugulat ako e!"

Umayos siya ng upo at pinunasan ang bibig. Tumingin ulit siya at nang makitang seryoso ako ay nanlaki na ang mga mata niya.

" Jerace...?"

" Psh! Boyfriend ko na nga siya!"

" Hala! Paano? Anong ginawa mo?"

Ngumuso ako. "Wala."

" Sus! Anong wala! Anong ginawa mo ah?" Pinandilatan niya ako ng mga mata.

"Wala nga. Matagal na siyang nanliligaw, ngayon ko lang s-sinagot." Shit!

Inilingan niya ako at tinuro pa.

" Sige! Maglokohan tayo! Nililigawan rin ako ni Axel at may gusto rin siya sa'kin."

Hindi ako nakapagsalita. Ngumuso ako at kumain na lang ulit.

"Sabihin mo na." Buntong hininga niya.

" Fine!" I rolled my eyes. "Pinilit ko siya.."

"Hala siya! Ano ba 'yan, Jerace!" Gulat siyang tumayo at nameywang.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now