CHAPTER 26

3.3K 65 4
                                    

Chapter 26

JERACE'S POV

Umalis na rin naman si Rej pagkatapos nang pag-uusap namin. Sinabi niyang sa Wednesday pa ang game nila at inaya niya kaming manood. Bonding raw kami kapag maluwag na lahat ng mga gawain.

"Loko talaga 'yon! Hindi na lang bumili, nanghingi pa!" Pagsusungit ni April habang inaayos ang mga chocolates na iba-iba ang hugis.

Natawa naman ako. Buraot talaga si Reggie kahit na mayaman naman. Tinikman niya kasi halos lahat ng chocolates na tinda namin, kaya ayun inis na inis si April.

"Oh diba? Nagbalik na talaga siya." Ani ko.

"Ang guwapo pala no'n!"

Napatingin ako kay Chenny na tumigil sa pag-aayos ng mga palamuti. Kumagat pa siya sa hawak niyang stick na may nakatusok na marshmallow. Napangiwi ako.

"Saan mo nakuha 'yan?" Turo ko sa hawak niya.

Ngumisi siya. "Dito oh." Inginuso niya ang kabilang booth na nagtitinda ng mga ganoon. "Nagandahan raw sa akin kaya ako binigyan."

Natawa si April. "Abangan mo na ang dami ng matatanggap mo na ganiyan."

"Of course! Sa ganda kong 'to?" Hinawi niya ang buhok. "Oh balik tayo! Ang guwapo ni Reggie ah!"

"Psh! Unlimited, Chenny?" Singit ko.

"Yup! Pogi talaga ang kaibigan namin na 'yon. Busted nga lang siya ng iba diyan." Kita ko ang pagnguso sa akin ni April.

Napapikit na lamang ako at isinabit na ang panghuling disenyo. Pinagpagan ko ang mga kamay saka hinablot ang stick na hawak ni Chenny. Mabilis siyang ngumuso ngunit binigay naman.

"Binusted mo 'yon?" Baling niya sa akin. Ngumuso ako. "Ba 'yan, Jerace! Hirap na hirap ako magkajowa, tapos ikaw?"

"Oh bakit na naman?" Binalik ko ang wala ng laman na stick. "Saka, anong binusted? Hindi naman 'yon n-nanligaw no."

Kinabahan pa ako at baka may makarinig sa akin at makaabot kay Drain. Marami pa namang mga epal dito at mga fansclub nila Ash na handa kaming sirain masunod lang ang mga shiniship nila! Kaimbyerna!

Ngumiwi si April at tumingin sa akin.

"Ay gusto mo pang ligawan ka?"

"What? I didn't say that!"

Tumayo siya at sinarado na ang panghuling grapon. " Hindi na nanligaw, kasi wala ng pag-asa."

Sumama ang tingin sa akin ni Chenny.
Inirapan ko agad siya.

"Anong tingin na 'yan? Psh! Magkaibigan kami, hindi ko maimagine. Saka, may Drain ako no! Alam niyo 'yan. Anong gusto niyong gawin ko ah? Ipagsabay sila? Of course not! I'm not like that!" Depensa ko sa sarili.

Tumawa si Chenny na agad sinundan ni April. Napangiwi ako at ang sarap-sarap nilang hampasin ng upuan ngayon.

Napatingin sa amin ang ibang mga babae na nag-aayos rin. Nangunot ang noo ko nang magbulungan sila. I just rolled my eyes at them!

Mga chismosa!

"Lakas ng boses mo!" Tumawa na naman si April. "Sige ka, harangin ka noong mga galit na fans nina Ash!"

"Psh! Edi harangin nila!"

"Ay tapang?" Tumawa si Chenny. "Sige lang, pagbalik mo dito puro kalmot na 'yang mukha mo."

"Eh kung mauna ka na?" Inamba ko sa kaniya ang mga kamay ko kaya agad siyang tumakbo.

"Seryoso mo naman! Joke lang ih!" Tumawa siya at nagtago pa sa likod ni April na nakangisi na rin.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now