CHAPTER 9

3.2K 62 8
                                    

Chapter 9

JERACE'S POV

"Alam mo kung ganiyan ka lang rin, huwag mo ng ituloy." Bored na sambit ni April.

Kanina pa kami lumabas. Kasama ko siya ngayon sa isang bench malapit sa may puno at nakaupo. Hindi pa siya umuuwi dahil hihintayin raw niya muna akong makapunta sa building nila Drain.

" I'm nervous, duh!" Pagtataray ko sa kaniya.

"Mali 'to e! Pipilitin mo siya, Jerace? Nag-iisip ka pa ba?" Lumingon siya sa'kin, nakakunot ang noo.

"Hindi ko kaya na mapunta siya sa iba. Mababaliw ako, April!"

" Psh! Baliw ka na nga, anong kaibahan?"

" Kaibigan ba talaga kita?" Iritadong ani ko.

"Yes! I'll support you for everything, but not this one Jerace!"

Umirap ako at hindi na siya pinansin. "Okay. Kung ayaw mo, okay lang."

"Hindi naman sa ganoon." She defended.

Tumayo ako at kinuha na ang bag. Taranta siyang tumingin sa'kin.

"Sige na. Umuwi ka na. Pupunta na ako." I bit my lower lip.

She sighed. "May surprise pa naman ako e. "

Nanlaki ang mga mata ko at naalala 'yun.

" What is it?"

Kinuha niya ang cellphone at may pinindot. May katext yata. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

" Bukas na lang ng umaga. Sige na, puntahan mo na."

Gulat akong napatitig sa kaniya.

" Really? Is it okay to you now?"

" No choice e! Psh! At syempre, hindi ka rin naman titigil. " She looked away.

Ngumiti ako at niyakap siya! Aww!

"Thank you, AJ! Don't worry, pag nagkita tayo bukas. He's my boyfriend na!"

" Fine! Ewan ko lang sa'yo ah! Pag nasaktan ka, bahala ka diyan." Inalis niya ang yakap ko at tinulak na ako para makaalis.

"Okay lang! Hindi ako masasaktan!" Taas noo akong ngumiti sa kaniya.

She laughed. " Sige na! Good luck, Jerace! Fighting!"

" Gaga! Thanks! Take care!" Kumaway pa ako saka tumakbo papunta sa building nila.

Ilang minuto rin ang ginugol ko roon bago nakarating. Nilingon ko ang room nila, may mga naglalabasan at tamang tama ang dating ko!

Gaya dati, dumiretsyo ako sa washroom at nag-retouch muna. I put a liptint on my lips and cheeks! Inanggulo ko pa ang mukha ko bago nag-spray ng perfume.

Perfect!

Taas-noo akong lumabas ng washroom at naglakad palapit sa room nina Drain. Sinilip ko muna ang loob at nangunot agad ang noo ko nang makita ko si Drain katabi 'yung si Ash na naman!

May sinasabi sa kaniya si Ash bahagya pang natatawa. At tumaas ang kilay ko nang tumawa nga si Drain. Pinagmasdan ko ang mukha niya. He looked so happy. I felt a bit of jealous to Ash. Hindi ko kasi napapatawa nang ganiyan si Drain. I took a deep breath and shook my head.

Stop it, Jerace! Why are you thinking that?

Bahagya akong napaatras at parang nakalimutan ko ang plano ko. May gusto ba siya kay Ash? Paano? Bakit?
Tumalikod ako at handa ng umalis ngunit may nakakita sa'kin na kaklase niya! Ugh!

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now