CHAPTER 1

6.6K 96 0
                                    

JERACE'S POV

Naalala ko pa kung paano ko siya unang nakita. Birthday iyon ni Tita Erin. Dahil magkaibigan ang mga magulang namin, syempre invited kami.

" Jerace, Darling?" Kumatok si Mommy sa kwarto ko. Binuksan niya iyon at hinanap ako. Ngumiti siya at lumapit sakin. " Aww, you're so gorgeous!"

Proud akong ngumiti. " Syempre, mana sa inyo!"

Katelyn Genieva Walkins. She is my beautiful mother. Sabi nila, namana ko ang hugis ng kaniyang mukha na bilugan. Kay Daddy ko naman raw nakuha ang aking mga mata at ilong. Maganda ako. Marami ngang nanliligaw sakin eh. Pero, 14 years old pa lang ako. Hihi, di pa pwede.

Umikot ako sa harap ni Mommy. Nakangiti niya akong pinanood. Bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking pinakamamahal ko.

" Dad! Look at me! " Sigaw ko agad. Lumingon sa kaniya si My at sinalubong ito. "Am I beautiful?"

Sabay silang lumapit sakin. Lumuhod si Daddy sakin at kiniss ako sa pisngi.

" Yes. You are, baby."

Jaydrick Matthew Walkins. He's my beloved father. Lahat ng gusto ko ay binibigay niya sakin. Hindi ako kailanman nanlimos ng pagmamahal sa kanila, dahil sobra-sobra ang pinaparamdam at binibigay nila sakin. At wala na akong mahihiling pa kundi palagi silang ligtas sa kanilang ginagawa.

" Let's go? Late na yata tayo." Si Daddy. Hinawakan niya agad ako sa kamay at hinapit ang baywang ni My.

Maraming tao nang makapasok kami sa tahanan ng mga Anderson. Enggrande ang celebration ni Tita Erin. Kilala ko na ang mag-asawa. Madalas akong isama ni Mommy kapag magkikita-kita sila. Ngunit hindi ko pa nakikita ang anak nila.

"Kate!!" Malakas na sigaw ni Tita Erin ang nagpalingon sa amin sa kaniya.

Natawa si Mommy at sinalubong ito. Nasa likod ni Tita Erin si Tito Drake mahigpit ang hawak sa baywang.

" Happy birthday, Erin!" Bati ni Mommy at nagbeso sila.

" Thank you! Buti, nakapunta kayo!"

Ngumiti si Mommy. " Oo naman! Palalampasin ba namin ito?" Lumapit si Mommy kay Tito Drake at bumeso rin.

" Jay! " Si Tita Erin at bumeso kay Daddy. Nagyakap naman ang dalawang lalaki.

Lumingon si Mommy sakin. Ngumiti naman ako at tumingin kay Tita Erin.

" Happy birthday, Tita!" Inabot ko ang gift. Malapad na ngumiti ang babae at kiniss ako sa pisngi.

" Aww! Thank you, Jerace!" Ngumiti lang ako. " Tara dito tayo. Nandito na sina Abby at Carla." Sambit pa niya.

Sumunod naman kami sa mga table doon. Nagsitayuan ang mga tao roon nang mamataan kami. Kilala ko sila. Mga kaibigan din sila nila Mommy at Daddy.

Marami pa ang nangyari noong gabing iyon. Naiinip na ako sa pinag-uusapan nila na hindi naman ako makarelate. Nilingon ako ni Mommy.

" Do you want to go outside?"

Tumango agad ako. Ngumiti siya, nilingon si Daddy at may sinabi roon. Pinagpapaalam yata ako. Daddy just nodded and looked at me.

"Wag kang lalayo, okay?" Aniya.

Tumango ako at tumayo na. Tiningnan pa ako ni Mom hanggang sa makalayo. Ngumiti ako at kumaway.

Masaya kong pinapanood ang mga taong nagkakasiyahan. May mga busy sa pagkain at kung anu-ano pa. Nilingon ko ang ibang palapag ng bahay. Ang ganda! Mukhang maraming kwarto.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon