CHAPTER 16

4.1K 74 4
                                    

Chapter 16

JERACE'S POV

Wala sa sarili kong pinaglalaruan ang mga damo gamit ang paa ko. Nakaupo ako sa bench na lagi kong inuupuan tuwing umaga.

"Ang tagal naman no'n." Wika ni April. Katabi ko siya at hinihintay namin si Reggie.

May sinabi pa siya ngunit hindi ko na naintindihan dahil sa mga gumugulo sa isip ko.

Naalala ko ang napag-usapan namin ni Drain kagabi.

Oo kagabi. My gosh!

Nang matapos sa dinner at kaunting kumustahan kina Mommy at Daddy ay pumasok na ako sa kwarto para maglinis ng katawan at matulog.

Katatapos ko lang maglinis at nakaupo na ako sa kama. Tapos na akong gumawa ng assignments kasama si Chenny kanina.

Tiningnan ko ang cellphone ko nang makitang umilaw 'yon.

Kinuha ko 'yon at tiningnan.

April Jane Ledesma:

Hoy!

Nangunot ang noo ko sa chat niya. Hindi ko 'yon pinansin at pinindot ang back.

Ngunit nagchat ulit siya.

April Jane Ledesma:

Seener ka na ah? Porque, tinawag kang babe! HAHAHAH.

Ngumuso ako at agad kinilig. Naalala ko ulit. Ano ba 'yan!

Jerace Marielle Walkins:

Gaga! HAHAHAH!


:Makakatulog ka kaya niyan? Yay!

•Idk! Kinikilig pa rin ako.


:Ang rupok! Nakalimutan mo na 'yung ginawa sa'yo nung lunch no?

•Syempre! Sabihin ba namang boyfriend ko siya! At may cs na agad kami! HAHAHAH!


:Sana all na lang! Kayo na nga!

Tumatawa ako habang kausap si April. Nagsend pa siya ng picture niya na tila nandidiri sa'kin. Tinawanan ko lamang 'yon. Natigilan lang nang may lumabas na pangalan sa phone ko!

Drain Ely Anderson:

Good evening.

Nanlaki ang mga mata ko at ch-in-eck pa kung siya nga ang nagchat sa akin!

Nangangatal akong nagtipa ng reply sa kaniya. Paulit-ulit pa akong nagkamali at hindi maintindihan bakit namawis ang kamay ko!

Jerace Marielle Walkins:

Hi! Good evening rin!
Nakakain ka na?

:Yeah. Hbu?

Nakagat ko ang labi ko. At least tinanong ako diba?

•Tapos na rin.
Anong ginagawa mo?


: Nothing. Ikaw? Why are you online? Waiting for someone's message?

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig dahil first time niyang magchat ng ganito kahaba! Jusme!

•HA? TEKA. BAKIT? HINDI AH!


:Then why are you online?

•Kausap ko si April. Wait, sinong someone naman?

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now