CHAPTER 20

4.6K 81 3
                                    

Chapter 20

JERACE'S POV

Ending? Ayun talo kami!

Paano ba naman kasi natulala ako at nalimutan kong gumalaw nang tumigil ang music!

"Oh akala ko kayo ang mananalo?" Humalakhak si Axel habang pabalik kami sa table. "Handa na sana akong sambahin ka, Drain!"

"It's okay. Natulala partner ko e." Nilingon ako ni Drain at umangat ang gilid ng labi niya.

Ngumuso naman ako at pilit na binabalik sa dati ang tibok ng puso.

"Kita ko 'yon." Kinurot ako ni Chenny na katabi ko na pala. "Hot ni Drain."

"Psh! May Axel ka na ah."

"Oh hot lang naman sabi ko ah."

Sinalubong kami noon nina Mommy at nila Tita Carla.

Hinampas ni Tita Erin si Drain nang nakalapit. "Mom?" Kumunot ang noo nito.

"Ano 'yon? Bakit ganoon ang sayaw mo?"ngumuso ang ina.

Nagkibit-balikat si Drain at ngumisi. "Why? What's wrong?"

"Sus! Ganiyan rin naman siya sumayaw noong nagpahabol kay Drake!" Tudya ni Tita Carla.

Sinamaan siya ng tingin ni Tita Erin kaya nagtawanan na naman sila. Lumapit si Tito Drake at pinulupot Ang braso sa baywang nito.

"Baby, it's okay. Malaki na si Drain." Natatawang anito.

Lumipat sa akin ang mga mata ni Tita Erin. Napalunok ako. "Inaakit niya si Jerace. Pulang-pula tuloy ang bata." Nguso niya.

Nalaglag ang panga ko at napahawak sa pisngi. Tumaas ang kilay ni Drain saka ako nilingon. Nagtawanan sila habang nakangisi sa akin si Mommy.

Alam nga pala niya! Huhu

"Nako! Hayaan mo na, Erin. Bagay kaya sila right?" Si Mommy na kumindat pa sa akin.

Tumawa si Tita Carla. "Oo nga. Parehas magaganda ang lahi."

"Mas bata nga lang ang Jerace ko." Si Tita Abby.

"Oh ano naman? Mas bata ka rin naman sa akin?" Si Tito Darren na nakatingin na sa amin.

Nailang tuloy ako. Bakit sa amin napunta ang usapan ngayon?

"Psh! Masyado pang bata si Jerace. Huwag niyo siyang ipressure! Kayo talaga!" Lumapit si Tita Erin kay Drain. "At isa pa may nililigawan 'tong Drainy ko."

Natahimik ako at napayuko. Sumabog ang kantiyawan ng mga lalaki kay Drain. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin. Inaalu ako. Hinawakan naman ako ni Chenny sa siko.

"Ano nga bang pangalan no'n?" Si Tita Abby.

Ngumisi si Tito Drake. "I guess it's..Ashley?"

"Yes! Si Ash!" Si Tita Erin na pumalakpak pa.

So dinala na niya si Ash sa kanila? Kailan? Nililigawan niya na talaga? Eh bakit ang landi niya kanina?

"Mom..stop it." Mariing ani Drain. Napatingin ako sa kaniya at na sa akin ang kaniyang mga mata.

"Bakit? Sinagot ka na ba?"

Suminghap si Tita Carla at pumunta sa tabi ni Drain saka ito inakbayan.

"Alam mo, Drain. Nakita ko na iyang Ash na 'yan. At ayaw ko sa kaniya. Masyado siyang ..alam niyo 'yun? Parang maarte."

"Judgemental mo, Carla ah!"

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now