CHAPTER 30

4.2K 61 1
                                    

Chapter 30

JERACE'S POV

"Si Drain!" Ngumiti ako nang matanaw ang sasakyan niya na palapit sa amin.

Kinurot ako ni Chenny. "Masyado ka namang excited."

"Psh! Excited talaga ako!" Umirap ako.

Tumawa si Mang Fred at lumabas para pagbuksan ako. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya. Tumigil ang sasakyan ni Drain sa harap ng sasakyan namin. Bumukas 'yon at nangiti agad ako nang una niyang hanapin ang mga mata ko.

"Hi Drain!" Bati ko at lumapit na sa kaniya. Nakasabit sa balikat ang sling bag ko.

Ngumiti siya at hindi na hinintay ang paglapit ko. Siya na mismo ang lumapit ngunit nangunot ang noo niya nang pasadahan ako ng tingin.

"Damn." Bulong niya ngunit narinig ko naman.

Ngumuso ako. Umiwas siya ng tingin ngunit hinawakan agad ako sa baywang.

Lumapit si Mang Fred na nakangiti na sa amin. "Paano, Sir Drain? Kayo na ang bahala kay Ma'am."

"Opo, Mang Fred. Ako na ang bahala. Salamat po." Magalang na aniya.

Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan s'ya. Kausap niya pa si Mang Fred.

"Ingat po kayo kung ganoon." Si Mang Fred. "Happy birthday, Ma'am Jerace."

Hindi ako nakasagot. Napansin ni Drain ang tingin ko sa kaniya kaya sinilip niya ako at natawa nang makitang tulala ako sa kaniya.

"Mang Fred is talking to you."

Napakurap-kurap ako at mabilis na lumingon kay Mang Fred na nakangisi na.

"A-Ah. Sige po, Mang Fred. Salamat!"

Tumawa ito at tumango. Nasapo pa ni Chenny ang noo na nakababa na pala mula sa sasakyan namin.

Ilang sandali pa silang nag-usap hanggang sa umalis na si Mang Fred at may pupuntahan raw muna para hindi halata ang gagawin namin. Nagpasalamat ako at malaki talaga ang tulong niya.

"Tara na." Si Drain na iginiya na ako sa sasakyan niya.

Ngumiti ako at humilig sa dibdib niya. "Excited na ako!"

"Kala mo sila lang dalawa." Si Chenny na nakabuntot na sa amin.

Nangunot ang noo ni Drain at napalingon kay Chenny na akma nang sasakay sa likod.

"Chen, hindi ka diyan sasakay."

"Ha? Eh?" Taka siyang tumingin kay Drain. "Teka, saan ako sasakay? Ayaw ko sa bubong ah!"

Natawa si Drain at nagkibit-balikat. "Parating na 'yon."

"Ano?"

Napalingon agad kami nang may matanaw na sasakyan at agad tumigil sa harapan namin. Katabi ng sasakyan ni Drain.

Napangisi ako at inantay ang pagbaba ng taong 'yon.

Bumaba ang bintana at ngumiti agad siya. "Hi guys! What's up?"

Nanlaki ang mga mata ni Chenny. "Anong ginagawa mo rito?"

"May date tayo. Kaya tara na, babe!" Humalakhak si Axel at tumingin sa akin. "Oh, happy birthday Jerace!"

I smiled. "Thank you, Ax!" Tiningnan ko si Chenny na nakanguso na. "Sige na. Yieee! Ingat kayo!"

Inirapan niya ako at lumapit sa akin. "Ang utak niyo ah. Ayaw niyo ng may tagabantay."

Tumawa ako ngunit kinurot niya ako sa may braso. "Hawakan mo cellphone mo! I'll text you!"

"Oo na! Ang sakit ah!" Tinulak ko na siya palapit sa nakalabas na si Axel.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now