CHAPTER 19

3.8K 82 7
                                    

Chapter 19

JERACE'S POV

Napatitig ako sa kaniya. Nanatili rin sa akin ang kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi. Ano raw?

Bakit parang nabibingi ako?

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"A-Akala mo rin?" Halos bulong na lamang iyon. "A-Anong ibig mong sabihin?"

Tinitigan niya ako. Mula sa aking mga mata pababa sa aking ilong hanggang sa aking mga labi. Nahigit ko ang hininga ko. Hahalikan niya ba ako?

Ngunit ang lahat ng mga naisip ko ay taliwas sa kaniyang ginawa.

Iniwas niya ang tingin sa akin at tumingala sa kalangitan. Bumuntong hininga siya. Tila napakalaki ng kaniyang problema. Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya tinuloy iyon.

Nilingon niya ako at ang suot ko. "Halika na. Lumalamig na."

Bumagsak ang mga balikat ko. Hindi ko alam pero dismayado ako.

"D-Drain.." bulong ko.

Hindi niya ako pinansin at tumayo na lamang. Inabot niya ang kamay sa akin ngunit iniwas ko ang tingin roon.

Bakit ganiyan siya? Ugali niya talaga iyan eh. Ang iparamdam sa akin na hindi ako ganito ka halaga!

Bakit ba luging-lugi ka?

Pumikit ako ng mariin. Iniisip ko kasi na sasabihin niyang gusto niya na rin ako, na kahit papaano may nararamdaman rin siya sa akin. Kahit katiting na lang, ako na ang bahala.

Tumayo akong mag-isa. Hindi ko inabot ang kamay niya. Bahagya ko pang pinagpagan ang suot kong dress at inayos ang buhok.

"Tara na?" Kaswal akong lumingon at ngumiti sa kaniya.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Tinitimbang ang reaksyon ko. Ngumiti ako. Bakit ko hahayaang maging malungkot? At sa harap niya talaga? Ayoko nga!

Ayusin mo sarili mo, Jerace!

"Ah! Nga pala." Nilabas ko ang cellphone ko nang may maalala. Pinakita ko iyon sa kaniya.

Nangunot ang noo niya. "Cellphone?"

Inirapan ko siya at hinila palapit sa akin. Hindi naman siya nagreklamo at sinunod ang gusto ko.

"Picture tayo!"

Nang sabihin ko iyon ay mabilis siyang humiwalay at umiling.

"Ayoko."

"Bakit? Dali na. Isa lang!"

"Ayoko, Jerace."

Tumalikod na siya sa akin. Mabilis naman akong humabol.

"Bakit ayaw mo? Isa lang! Para picture lang eh!" Pamimilit ko pa.

Hindi siya nagsalita at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Ganoon rin naman ako.

"Drain! Please? Isa lang!"

"Ayaw."

Natawa ako. "Bakit ayaw?" Ginaya ko ang boses niya.

"Tsk."

"Dali na! Drain?"

Natigil lamang ako nang makita ko si Axel na tila may hinanap. Ngumuso ako nang mapansin na ang guwapo niya rin ngayon.

"Okay. Edi wag! Kay Axel na nga lang!" Sambit ko at inunahan siya sa paglalakad.

Hindi ko na nilingon si Drain. Sumigaw ako at kumaway kay Axel na nagulat sa akin.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora