CHAPTER 31

3.4K 60 2
                                    

Chapter 31

JERACE'S POV

"Saan nga pala 'yong beach na pinuntahan natin?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Kanina pa kami nabyahe pabalik ng Maynila. Ang dami na kasing texts ni Chenny pati na rin si Mommy na kailangan ko nang umuwi. Natawa pa ako nang mabasa ang panghuling text ni Chen.

From: Chenny

Hoy, ano na? Bakit hindi ka nagrereply? Baka gusto mo pang tawagan kita? Wala akong pantawag dahil 10 pesos lang 'tong load ko! Umayos ka, Jerace ah! Intayin ka namin sa labas ng village. Ingat!

Siraulo talagang babae.

Tiningnan ko ang oras at 4:25 pm na. Ang alam ko ay 5 pm ang dating ng mga bisita. Sinabi ko 'yon kay Drain. Kaya ngayon ay malapit na kami.

"Calatagan, Batangas." Simpleng sagot niya na may kaunting sulyap sa akin dahil tutok sa daan.

I nodded. "Wow! Ililista ko rin 'yan!"

"Hmm? Ililista?"

"Ah, 'yong mga pupuntahan ko. At syempre 'yong napuntahan ko kasama ka."

Ngumiti siya. "Sabay ulit tayong babalik roon."

Napangiti naman ako at tumango. Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarating na rin kami. Nakatulog pa ako ng kaunti. Nakakahiya nga kay Drain dahil hindi pa siya nakakapagpahinga. Pero ako, nakailang tulog na.

"Ano, enjoy na enjoy ba?" Pinandilatan ako ng mga mata ni Chenny nang salubungin namin siya.

Ngumisi ako at hinigpitan ang hawak sa sling bag. "Yup! Kuwento ko sa'yo, later!"

"Hala, kilig na kilig." Dinuro niya ang mukha ko. Tumawa naman ako at hinarap si Drain na kausap si Mang Fred.

"Salamat po, Mang Fred." Rinig kong pagtatapos niya.

"Wala 'yon, Sir Drain. Bakit hindi ka na magpakilala kay Sir Jay? Tiyak na magugustuhan ka no'n para sa anak niya." Sumulyap sa akin si Mang Fred.

Pabebe naman akong napangiti kaya nakurot na naman ako ni Chenny.

"Ah.." nakamot ni Drain ang batok. "Hahayaan ko po na si Jerace ang magdesisyon riyan. "

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. My gosh, Drainy ko!

"Ah! O sya. Paano, mauna na kami? Marami pang iuutos sa akin si Sir. Kita na lang tayo mamaya, Sir Drain." Paalam ni Mang Fred.

Tumango agad si Drain. "Sige po! Salamat."

Lumapit na kami ni Chenny. Pumasok na si Mang Fred saka ang babae ngunit nanatili muna ako sa labas. Humarap ako kay Drain na nakangiti na sa akin.

"Mauna na ako. See you later." Aniya.

Tumango ako. "Sige. Ingat sa pagmamaneho." Ngumiti ako. "Thank you for this day, Drain. I'm so happy."

He smiled. Ginulo niya ang buhok ko. "You're welcome." Tumingin siya sa sasakyan namin. "Sige na. Mag-aayos ka pa."

Natawa ako at tumango. "Sige! Babye, baby!"

Nakita ko ang pagpula ng tainga niya. Kinagat niya pang-ibabang labi bago tumango sa akin. Tumawa ako at tumalikod na.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay nakangisi na agad si Chenny sa akin.

"Kinikilig ako! Ba 'yan!" Aniya.

"Bakit hindi ka ba kinikilig kay Ax?" Tumawa ako at tumabi na sa kaniya.

Umirap siya. "Panira naman 'to."

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon