CHAPTER 22

3.7K 61 0
                                    

Chapter 22

JERACE'S POV

Tinotoo niya nga ang sinabi niya.

Nag-ayos agad kami ni April ng gamit nang magpaalam ang teacher namin sa English.

Napatigil siya at napatingin sa labas ng classroom.

"Oh my gussshh!"

Taka ko siyang tiningnan. "Bakit?"

Ngumisi siya at inginuso ang labas.

"Gaga ka! Nandiyan na ang babe mo!"

Mabilis akong napalingon kung saan siya nakatingin at agad nanlaki ang mga mata ko. Kita ko si Drain na nakasandal sa railings habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at ang mas matindi ay diretsyo sa akin ang kaniyang mga mata.

Napalunok ako. Tumaas ang isang kilay niya nang mapansin ang gulat ko. Dahan-dahan akong ngumiti at kumaway. Tumango siya at ngumisi sa akin.

Ang guwapo niya sa ayos na 'yon!

"Asus. Ampabibi!" Kinurot ako ni April sa tagiliran.

"Ano ba!" Suway ko at inirapan siya.

Tumawa ang lukaret at sinenyasan akong magmadali na. Ngumuso ako at minadali na ang pag-aayos ng gamit. Palihim kong sinulyapan ang sarili sa salamin at ayos pa naman ang itsura ko.

Pero hindi na ako fresh! Ang bilis niya kasi!

"April. "Tawag ko nang isukbit niya ang bag. Lumingon siya sa akin. "Maganda pa ba ako?"

Tumawa siya at sumulyap sa labas.

"Hindi na! Tingnan mo ang haggard mo! Mahiya ka naman ang fresh ng jowable mo."

Inis ko siyang tiningnan at dali-daling nagtago sa pader kung saan hindi kami makikita ni Drain. Mabilis kong kinuha ang powder at liptint at naglagay no'n sa mukha. Humalakhak si April habang pinapanood ako.

"Grabe. Naniniwala nga!"

Hindi ko siya pinansin at kinuha na lang ang pamango saka nag spray no'n. Halos ipaligo ko sa katawan.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko 'yong tiningnan.

From: Ma'h baby Drainy ❤️

It's okay, I still like you even though you looked like a witch. Stop hiding yourself, Jerace.

Napapikit ako nang mabasa ang text niya. Kinilig ako kahit may kasamang lait 'yon. Buwisit! Malala na talaga ako.

"Tara na. Hinahanap ka na oh!"

Lumabas ako habang inaayos ang bag. Nagtama ang paningin namin kaya umayos siya ng tayo at ngumisi sa akin.

"Let's go?"

Tumango lang ako. Nasa likod namin si April na panay ang kurot sa akin. Diretsyo lang ang tingin ni Drain sa daan samantalang pasulyap-sulyap naman ako sa kaniya.

"Maaga ba kayong lumabas?" Tanong ko.

"Hmm." Tango niya.

"Ahh. Edi kanina ka pa roon?"

"Hindi naman. Sakto lang para makita kitang magrecite." Lumingon siya sa akin at kumindat.

Nag-init ang pisngi ko at inalala ang klase kanina. Tinawag ako at buti na lang epal ako kaya alam ko ang isasagot! Kung nagkataon na lutang ako at walang naisagot, nakakahiya!

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now