PROLOGUE

10.2K 130 4
                                    

Inabangan ko ang pagbaba niya sa kanilang kotse. Sumimangot ang lalaki nang halikan siya ni Tita Erin. Tumawa lang ang kaniyang Daddy na nanonood sa kanila.

"Drainy! Galingan mo ah!" Sambit pa ng ina.

"Mom! It's Drain." He corrected his mother.

Ngumuso si Tita Erin. "Ayaw ko. Drainy pa rin kita." Lumingon siya sa asawa. "Red, ang laki na ng anak natin."

Umiling si Tito Drake at inakbayan siya. "You want a new baby, then? Hmm?"

Hinampas siya nito. "Ikaw, napakagaling mo riyan!" Tumawa ang asawa. Lumingon si Tita Erin sa anak na tamad na nanonood sa kanila.

"Oh sya.. Take care ah? Kami ba ang susundo o si Manong Gara na?"

"Si Manong Gara na po." Sagot ni Drain.

Huminga ako ng malalim at inayos ang suot na uniform. Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan at lumapit sa kanila.

"Good morning, Tita Erin and Tito Drake!" Saka ako bonggang ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ni Tita Erin. "Gosh! Jerace! Good morning!" Bineso niya ako.

Ganoon din ang ginawa ko kay Tito Drake na hawak na agad ang baywang ni Tita.

"Hello po!" Lumingon ako kay Drain na lalong tinamad sa presensya ko.

"Hi, Drain!" Matamis ang bating ani ko.

Tiningnan niya lang ako at tumango. Napanguso ako. Ang sungit niya talaga.

"Kumusta ang Mommy at Daddy mo?" Si Tita Erin.

Ngumiti ako. "They are fine, Tita. Actually papunta po ulit sila ng ibang bansa this week po."

Ngumiti si Tita. "Aww, gusto ko tuloy makabonding si Kate." Aniya at tumingin sa asawa. Ngumiti lang ito at tumango.

"Mom, Dad una na po ako. Bye." nataranta ako nang magpaalam si Drain.

"Oh? Okay, Drainy! Babye! Mommy loves you!" Sigaw pa ni Tita Erin. Tumawa lang si Tito Drake at hinila na siya. "Ang sungit ng anak mo, Red."

"Ah, mauna na rin po ako! Tito, Tita!" Paalam ko at hindi na hinintay ang sasabihin nila.

Agad akong tumakbo para makasabay si Drain.

"Uy, Drain. Sabay tayo ah?" Hinihingal na sambit ko at pilit na hinahabol ang malalaking hakbang niya.

"Tsk, nasabay ka na nga e."

Ngumiti ako. "Ang sungit mo."

"Ang pangit mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Maganda kaya ako!"

"In your dreams, I guess." Aniya at binilisan ang paglalakad.

Inis akong sumunod at tiningnan siya. "Hindi talaga kita magets. Ang taray-taray mo sa'kin! "

"Dahil lagi kang nakabuntot sa'kin."

"Isn't obvious? Drain, I like you!"

Hindi siya nagsalita. Tiningnan ko siya at nakatiim ang bagang niya.

"D-Drain?"

"Tsk."

"Ayaw mo ba maniwala?" Hindi siya umimik. "Gusto nga kita! Ano ba, Drain!" Inis na sigaw ko.

Tumigil siya sa paglalakad at tamad na inis na rin na tumingin sa'kin. Napalunok ako. Galit ba siya?

"Fine! You like me! So what's the matter? Do I need to like you back?" Galit na aniya. Napaatras naman ako. "Jerace, I respect your feelings. If you like me, then okay! But you should respect me too, I don't have any obligations to you. "

Napayuko ako. Ninamnam ang bawat sinabi niya.

"Your feelings will fade soon." Dagdag pa niya.

Tiningnan ko siya. "How are you so sure?"

"I just know." Kibit-balikat niya at saka ako tinalikuran.

Napanguso ako at inis siyang tiningnan. Anong sinabi niya? Mawawala rin itong nararamdaman ko? Ha! Sana nga!

Tumalikod ako at pumunta na sa classroom. Hindi talaga doon ang daan, ngunit dahil sa kaniya! Sumabay ako!

Mawawala rin ito! Ha! Tama!

Ngunit natigilan ako.

Yumuko ako at tiningnan ang mga daliri. Ayaw ko.

Gusto ko talaga siya. Iisipin ko pa lang na hindi ko na siya lalapitan ay parang nanghihina na ako. Hindi puwede.

Nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. Kailangan hindi ako sumuko. Kung gusto ko talaga siya, gagawa ako ng paraan. Lahat gagawin ko! Makuha lang kita!

Aha! Magugustuhan mo rin ako, Drain Ely! Humanda ka!





____
Aimeesshh25

Thanks!

Warning: Ready ka ba sa ganitong istorya? Nakakairita raw ito, kaya baka ma-hb ka lang, okie?

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon