EPILOGUE

8.5K 122 25
                                    

Hi there everyone! Thank you for supporting the story of Jerace and Drain! I really appreciate it! I love you, my readers!

WARNING: R-18

EPILOGUE

JERACE'S POV

Abala ako sa pag-aayos ng susuotin nang marinig ko ang tawag ni Manang sa akin. Nangunot ang noo ko at tiningnan ang pinto. Rinig ko pa ang paglalakad niya pabalik sa baba. Agad naman ang pagbaba ko sa hagdanan at muntikan pang matalisod.

"Daha-dahan hija!" Sigaw ni Manang Lourdes sa akin nang makitang napa slide ako.

Tumawa ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "I'm fine, Manang. Relax."

"Hay naku naman. Pag napilayan ka, lagot ako roon sa isa."

I just laughed at her. "I am okay. Dont mind him."

"Ay s'ya tara na. Kanina ka pa hinahanap ni Kate."

Tumango lamang ako at sumunod na sa kaniya sa kitchen namin. Naabutan ko roon na halos magkagulo na ang lahat sa pagluluto ng sari-saring putahe. Nakita ko si mommy na panay ang tikim sa mga pagkain. Kumukunot ang noo niya pag may nalalasahang kakaiba.

"Pakidagdagan pa ng pepper. Kulang pa." Tumango ang sinabihan niya no'n. Lumingon siya sa kabila. "Pakuluin mo pa 'yan, Mari."

Nangiti ako nang makitang hands on siya. Naghahanda kasi kami dahil ngayon ang first birthday ng aming unica hija. Nilingon ko si manang na may kausap ng mga kasambahay at inaayos ang aming living room para sa mamaya.

Kanina pa rin naman akong nag-aayos. Actually, halos hindi ako nakatulog kagabi sa pag-iisip kung magiging ayos ba mamaya. Handa na naman ang mga susuotin namin kaso ewan, gusto ko pa ring ayusin ng ayusin. Kinakabahan ako.

"Oh, honey?"

I looked at my mom. Nakatingin na siya sa akin. "What are you doing here?" Kumunot ang noo niya. "Sinabi kong magpahinga ka. At ayusin mo na lang muna ang mga susuotin niyo mamaya."

Ngumuso ako. "Mom, tapos ko na 'yon gawin. Gusto kong tumulong." Lumapit ako sa kaniya ngunit pinandilatan niya ako ng mga mata. Napaatras ako.

"Ako na dito. Doon ka muna sa living room, honey. " Luminga siya. "Asan na ba 'yang asawa mo? Nagkukulit ka na naman."

Lalo pa akong ngumuso. Luminga-linga pa talaga siya hanggang sa may mainit na kamay ang humawak sa baywang ko. Napatalon ako sa gulat at agad nilingon 'yon.

"Baby!" Sigaw ko at kumapit sa batok niya.

He chuckled at my reaction but he help me to reach the back of his neck.

Humawak siya sa baywang ko at tinaas ako. Napatili ako sa ginawa niya. Batid kong napatigil sa mga ginagawa ang mga nagluluto roon. Siguro pati na rin si mommy.

"What are you doing here? I told you to take a nap, did I?" Dinungaw niya ako.

Ngumuso ako. Hindi pa man ako nakakapagsalita, tumikhim na si mommy.

"Hay naku, Drain. Sinabi ko na 'yan sa kaniya. Ayaw makinig. Matigas ang ulo niyang asawa mo."

Lumingon ako kay mommy na nangingiti sa amin. Nagsibalikan sa mga ginagawa nila ang nahuli kong mga nakatingin rin sa amin. Humagikhik ako. Mainggit kayo please.

Drain raised a brow and looked at me. "Is that true? Ayaw mo bang magpahinga?"

"Ayaw ko. "I pouted my lips. "Kanina pa ako sa kwarto eh. I wanted to help."

Tinitigan niya pa ako. Lalo akong nagpaawa. Sandali siyang pumikit at nang magmulat ay hinawi ang buhok ko saka ako hinalikan sa noo. I smiled.

"Alright. Let's go." Lumingon pa siya kay mommy at may sinenyas bago ako hinila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now