CHAPTER 18

4.1K 74 9
                                    

Chapter 18

JERACE'S POV

Tiningnan ko ang kabuuan sa salamin. Bahagya kong inanggulo ang itsura at nagpacute pa.

"Ganda ko, 'no ba yan!" Puri ko sa sarili.

Magpopose pa sana ako kung hindi lang tumunog ang cellphone ko. Nilingon ko 'yon at kinuha sa ibabaw ng kama.

"Yes hello?" Inayos ko ang strap ng dress habang hawak ang cellphone.

"Hoy! Papunta ka na?"

Kahit hindi ko tingnan, alam ko nang si April ang kausap. Boses pa lamang.

"Yup. Iniintay ko na lamang sina Mom."

"Ah. O sige, balitaan mo na lang ako."

Tumango ako. "Alright."

"Magpost ka ng maraming pictures ah!" Paalala niya pa.

Tumawa ako. "Oo na! Isesend ko pa sa'yo ang iba, kung gusto mo."

"Iyan! Oo sige! For sure naroon si Drain." Humagikhik si April.

Ngumiti rin ako at tumingin sa salamin. "Talaga! Hindi siya puwedeng mawala sa birthday ng Tito niya."

"Anong plano?"

"Plano?"

"Sus! Kunyare ka pa! Aakitin mo 'yon, alam ko!"

Ngumuso ako. "Grabe naman. Hindi ah!"

"Patingin ng tanggi?"

Tumawa ako at bahagyang nailing.

"Baliw ka, April!" Kinagat ko ang labi. "Hindi ko aakitin no, landi lang."

Tumawa ang Gaga at may narinig akong kalabog. Nangunot ang noo ko.

"Uy! Ayos ka lang?"

"Aray ko! Leche ka, Jerace! Tawang-tawa ako, nalaglag tuloy ako."

Nasapo ko ang noo.

"Kasalanan ko? Isisisi mo pa ang katangahan mo sa akin."

"Sige ha. Send ka ng picture niyong dalawa. Kapag hindi, lilibre mo ako!"

"Mukha ka ng libre! Yaman-yaman niyo!"

"Hindi ah!" Tanggi agad niya.

"Patingin ng tanggi?" Panggagaya ko kaya agad siyang tumawa.

"Lol! Dali na! Picture lang eh! Weak ka?"

"Oo na. Paano pag nagawa ko? Anong ibibigay mo sa akin?" Nameywang ako, inaantay ang sagot niya.

Natahimik siya sandali at maya-maya ay tumawa. "May sasabihin akong sikreto."

"Ano 'yon?"

"Sikreto nga diba? "

"Psh! Fine! Ano, deal?"

"Deal!" Saka siya humalakhak.

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Chenny na bihis na bihis na rin sa kaniyang dress na kulay blue na may pa slit sa hita. Ngumiwi siya sa akin at tinuro ang suot niya. Tumawa ako.

"O sige na, babye! Update na lang kita." Paalam ko kay April at hindi na siya pinagsalita. Binabaan ko na agad.

"Wala ka bang ibang dress diyan?" Kunot-noong tanong niya habang palapit sa akin.

Umiling ako. "Ayoko! Bagay iyan sayo no. At binili talaga ni Mommy iyan para sayo."

"Naiilang akong suotin. Hindi ako sanay."nguso niya kaya tumawa ako.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now