CHAPTER 25

4K 63 6
                                    

Sorry na sa late ud! Happy reading mga beh!

Chapter 25

JERACE'S POV

Anong araw ngayon?

Mondaayyyy!

It's foundation day!!!! Uwah!

"Anong oras ang punta mo? Para maabangan agad kita." Si April sa kabilang linya.

Natawa ako. "Teka lang hmm mga eight nandiyan na ako."

"Siguraduhin mo lang ah? Baka iyang eight mo maging nine!"

"Gaga! Oo nga! I'm eating, Ape!"

"Tsk! Tigilan mo nga iyang tawag sa akin! Ang pangit!" Reklamo ni April. Agad akong tumawa. "Nakakainis iyang jowable mo ah!"

"What's wrong? Ang cute kaya ng ape!"

"Tsk! Planet of the apes? Eww! Kadiri talaga!"

Uminom ako ng tubig habang tumatawa. Baka mamatay ako dito kay April. Tumaas ang kilay ni Chenny sa akin. Nginitian ko siya.

"Kumain ka muna. " Aniya.

"Wait lang." Sumenyas pa ako.

"Oh basta, text mo ako pag otw ka na ah?" Si April nang ibalik ko ang cellphone sa tainga.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Yeah! I will. Sige na. Bye, Ape!"

"Punyeta! Nandidilim na paningin ko sa'yo, Jerace ah!" Sigaw niya kaya lalo akong tumawa.

"Oh?" Gulat kong inalis ang cellphone nang makitang binabaan niya ako.

Galit na talaga siya. Haha!

"Kumain ka na baka malate ka."

"Opo, Ma'am Chenny!" Biro ko.

Masyado kasi siyang seryoso ngayon. Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw ang sungit-sungit niya. Para siyang iyong matatanda naming kasambahay.

"Liligo ka pa, kaya bilisan mo." Aniya pa at nagpatuloy na sa pagkain.

Ngumuso ako at kumain na rin. Panay ang sulyap ko sa kaniya kaya panay rin ang taas niya ng kilay sa akin.

"Say it."

"Ha?"

Uminom siya ng tubig at tumingin sa akin. "Kung may sasabihin ka, just say it."

Kumunot na talaga ang noo ko at bumuntong hininga.

"Anong problema mo? Bakit ang sungit mo?" Hindi ko na napigilan at natanong ko na.

Hindi man lang nagbago ang itsura niya at pirmi lang na nakatingin sa akin.

"Wala. Just finish your food, Jerace. "

"Teka nga!" Tumayo ako at humalukipkip. "Anong nangyayari sa'yo?"

"Wala. Anong ibig mong sabihin?"

Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at uminom ng tubig. Napangisi ako.

"Ayaw mo sabihin?" Hindi siya nagsalita. Bumuntong hininga ako. "Okay, akala ko pa naman kasi kaibigan talaga tayo. Lahat ng nangyayari sa akin, sinasabi ko sayo...kasi? Kaibigan kita--"

"Nag-away kami! Psh!" Biglang bulalas niya at ngumuso.

Pinigilan kong huwag matawa at baka mabato ako nito ng pinggan. Natatawa talaga ako kasi nagpapakamature siya kanina sa harap ko, e hindi naman bagay.

"Ah, kaya ganiyan ang asta mo?" Tumaas ang kilay ko. "Ano bang nangyari?"

"Mahabang kuwento. Tapusin mo muna iyan at maligo ka na." Nakanguso pa rin siya.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon