CHAPTER 23

3.8K 69 3
                                    

Happy reading mga beh!

Chapter 23

JERACE'S POV

Parang kailan lang nang nakasabay ko siyang maglunch. Kahit isang buwan na ang nakalilipas ay tila ba laging bago ang pakiramdam sa akin. Sa tuwing nagtetext or nagchachat siya ay hindi magkamayaw ang mga bulate sa tiyan ko. Kinikilig ako. At kung panaginip man 'to, ayoko ng magising no!

"May practice kami ngayon. Dali na, nood kayo!" Ani Reggie.

Kanina pa siya nangungulit niyan. Sunod-sunod siya ng sunod sa amin kahit dito sa building namin. Wala yata ang teacher nila kaya 'to nakakagala eh.

"Tsk. Ang kulit mo, Reggie ah!" Binalingan siya ni April. Napatingin na rin ako. "Anong oras ba ang tapos?"

Ngumiti si Rej. "Mga 6 ng hapon. Mabilis lang naman 'yon."

"Siguraduhin mong makakahulog ka ng bola! Kung hindi, uupakan talaga kita! May test pa naman kami."

Tumawa si Rej. "Oo ba! Puwede kayong umuwi ng mas maaga para makapag-aral pa kayo."

Nangunot ang noo ni April. "Okay! Mas ayos 'yan. " napatingin siya sa akin. "Ano? Payag ka?"

Lumipat ang tingin sa akin ni Rej at nagpacute. Lumapit agad siya sa akin saka kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad.

"Papayag 'yan. Diba?"

I sighed. "Okay. Sige na. Ayusin mo lang laro mo ah?"

Tumawa ito. " Oo naman! Ako pa!"

"Sige na. Papasok na kami."

Tumango siya at binitawan ako. Nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti ako.

"Alis na. Malelate ka niyan."

"Wala pa si Teacher." Nguso niya.

"Asus! Papacute ka lang kay Je eh!"si April.

Inirapan siya ni Rej. "Ang pangit mo, Aj. Tigilan mo ako."

"Ay wao? Ako talaga? Excuse me!"

Natawa ako kaya napatingin sa akin si Rej. Saka siya ngumuso. "Pinopormahan ka pa rin nung Liam?"

Nagulat ako sa tinanong niya. Ang tagal na noon eh. Ang huling kita ko sa kaniya ay nang pumunta ako sa cafeteria nila Drain nung nakaraan. Nagkangitian lang kami at nagkumustahan. Iyon lang. Hindi na siya nadikit sa akin eh. Nakakapagtaka nga.

"Tsk! Takot lang no'n kay Drain." Si April at umakbay sa akin. "Hot pa naman magselos ang jowa mo."

"Jowa? Si Drain?" Kunot-noong tanong ni Rej at tumingin agad sa akin.

Ngumuso ako. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya. Pero sa dami ng chismosa dito, imposibleng hindi niya alam. Eh ano nga ba kami? Hindi pa rin kami nagkakalinawan sa kung anong meron sa amin. Ayoko siyang tanungin dahil baka masira pa. Masaya naman ako sa samahan namin ngayon.

"Hindi mo alam? Weh?" Si April na isinugod pa ang mukha sa kaibigan.

"Tsk! May naririnig na ako, pero syempre malay ko ba!"

" Kung ano man 'yong naririnig mo..tama 'yon!"

Natahimik si Rej at mariing napatingin sa akin. Nangunot ang noo ko.

"Boyfriend mo na siya?" Biglang seryosong aniya.

Natahimik rin si April at dahan-dahang inalis ang akbay sa akin. Nagtataka siyang napatingin dito bago sa akin.

" Uhm.." kinagat ko ang labi ko. "Parang? Uhm..oo boyfriend ko na.." litong sagot ko.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit parang hindi ka sigurado?"

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon