CHAPTER 6

3.3K 70 1
                                    

Chapter 6

JERACE'S POV

Nakangiti agad ako nang magpaalam ang huling guro namin para sa araw na ito.

" Good bye, class! See you tomorrow. " Ani Sir Castro habang inaayos ang mga ginamit.

" Good bye, Sir!" Masayang sagot ko, inunahan na ang mga kaklase. Takang ngumiti sa'kin si Sir Castro saka tumango at lumabas.

Natatawang lumapit sa'kin si April, tinapik pa ako. " Hanep. Inspired ah?"

" Syempre, tinext at tinawagan niya ako!" Mayabang pa akong ngumiti.

" Kase nahuli niya tayo."

" Eh kahit na. Dapat kung wala siyang pake sa'kin, hindi na siya magtetext. "

"Tinext ka niya kase gusto niya na tayong umalis."

Inis ko siyang tiningnan. " Pero bakit tumawag pa siya?" Sinukbit ko ang bag ko. " That means..na may pake siya sa'kin at pinapahalagahan niya ako."

" Ay sige lang! Paasahin mo pa ang sarili mo. Sarap 'yan." Ngiwi ni April. Tinarayan ko lang siya at lumabas na ng room. " Hoy teka! Sabay tayo pababa!"

Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo na sa paglalakad. Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinext si Mang Fred.

To: Mang Fred

Hello po! Hindi po ako magpapasundo. Sasabay na lang po ako kay Drain, thanks!

Sinend ko 'yon at tinago sa bulsa. Mabilis na nakasunod sa'kin si April na katabi ko na agad.

" Sasabay ka ulit sa kaniya?"

" Hmm!" Masayang tango ko.

" Psh! Iba ka talaga."

" Syempre, ako pa! "

" Jerace.." mabilis ko siyang nilingon at pinigilan.

" Ops! Kung hahadlangan mo na naman kami! Please! Wag na. Hayaan mo na ako, April."

Tumaas ang kilay niya. " Ay grabe! Ano ako, kontrabida dito?"

" Mukha e."

" Gaga ka! Pinapaalalahanan lang kita"

" No need. Alam ko ang ginagawa ko." Kibit balikat ko.

" Ay talaga lang ah? Wag kang lalapit-lapit sa'kin pag nasaktan ka."

" O sige ba! Wag ka ring lalapit sa'kin pag nagpapalibre ka." Saka ko binilisan ang paglalakad.

Nanlaki ang mga mata niya. " Joke lang! Eto naman."

" Tsk! You're so galing talaga!" Sambit ko pa at naglakad na lamang.

Bumubulong-bulong pa siya habang naglalakad kami pababa. Hindi ko na lamang pinansin at baka may kausap na hindi nakikita. Nang makababa kami at maghihiwalay na ng landas( na gusto ko naman) hinarap ko siya.

" O pano? Text mo na lang ako pag nakauwi ka na." Ani ko.

" Sige! Ikaw rin! " Tinaas niya pa ang parehong kamay. " Good luck! Sana mahulog na si Drain sa'yo!"

Ngumiti ako ng bongga." Yan! Kung ganiyan ka ba naman lagi eh. Baka matuwa pa ako sa'yo."

Ngumiwi siya. " Sige na! Babye!"

Kumaway pa ako saglit. At nang makitang tumalikod na siya saka ako humarap at tinanaw ang building ng baby ko.

" Papunta na ako diyan, baby!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now