CHAPTER 34

3.8K 63 6
                                    

Wag po'ng malilito ah? Flashback 'to! Thank you!

Chapter 34

JERACE'S POV

Nagkaayos kami ni Drain pagkatapos ng gabing 'yon. Handa na akong pakinggan siya. Ngayon lamang ako natauhan.

"Hmm, iba na ang ngiti mo ah." Tinitigan ako ni April. "Kumikislap ang mga ngipin mo!"

Tumawa ako. "Luh! Hindi naman! OA mo!"

"Oh! Edi happy ka na?"

Ngumiti ako at niyakap ang dalawang libro. Paakyat na kami sa building namin ni April. Isang linggo na ang nakakalipas mula noong birthday ko.

"Yup!" Kinikilig na sambit ko.

Inirapan niya ako. "Asus! Sinasabi ko na eh! Kung hindi ka pa idadaan sa dahas ay walang mangyayari!"

Natawa ako at naalala ang nangyari bago kami magkaayos ni Drain.

"Hoy! Tama na 'yang kaiinom mo!" Inagaw ni Chenny sa akin ang baso.

Ngumuso ako. "Hindi pa naman ako lasing eh!"

"Tsk! Mag-uusap kayo ngayon kaya dapat hindi ka lasing!"

Tumango si April at tumayo na. Medyo talab na ang isang 'to

"Ito na ang iniintay nating comeback, Chenny!"

Napailing ako.

Tumawa si Chenny. "Gaga ka!"

Nilibot ko ang tingin ko sa garden namin na wala ng bisita. Kami na lamang ang natira. Hindi ko nga alam kung anong oras na. Ang tanda ko lamang ay nagpaalam sina Mommy at Daddy na aakyat na sa taas dahil masama ang pakiramdam ni Mommy.

Hindi ko namalayan na nakaalis na pala ang lahat.

Puro mga kasambahay na lamang ang naroon. Nag-aayos ng mga table at kalat.

"Wala na pala sila." Wala sa sariling sambit ko.

"Sila? Sino? Sina Drain ba?" Tumawa siya at may tinuro. "Ayun pa sila oh! Hindi pa rin naalis!"

Mabilis akong napalingon sa gawi nila. Medyo naliyo pa ako sa ginawa.

Nagtatawanan pa ang apat na lalaki. Kita ko na ang pamumula ng mukha ni Axel at Reggie. Mga lasing na.

Napatitig ako kay Drain na tipid na ngumingiti at tatango sa pinsan niya.

"Ang guwapo niya.."

"Hala?!" Nagulantang ako sa lakas ng boses ni April.

"Ano ba!"

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakaturo sa akin.

"Wala! Inlab ka pa rin no? Pucha, Jerace! Ikalma mo sarili mo! Baka mahalikan mo 'yan!" Humalakhak siya.

Nag-init ang pisngi ko nang nakisali na rin si Chenny na kanina ay abala sa pag-aayos ng mga table.

Napatingin ako sa mga lalaki at halos masamid ako nang makitang nakatingin na sa akin si Drain.

Shit!

"Inlab pa 'to! Wala na! Sayang ang isang taon!"

"M-Manahimik ka na nga, April!" Pilit ko siyang pinapaupo.

Batid kong nakatingin pa rin si Drain kaya nahiya ako sa kilos ko. Ayos pa ba ang itsura ko?

Ano bang iniisip ko?!

"Sus! Walang mangyayari pag tatahimik lang!" Inayos niya ang dress at pinasadahan ng mga daliri ang buhok. Namumula na rin 'to. "Watch me, Jerace! Ngayong gabi, magaganap ang comeback niyo!"

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now