CHAPTER 45

5.8K 100 9
                                    

Lezgooo! This would be the last chapter of The Unwanted Girlfriend.

Chapter 45

DRAIN'S POV

Hindi ko alam kung kailan ko siya nagustuhan. Kung saan at paano, ay wala akong ideya. Basta ang alam ko lang, ginusto ko siya at minahal sa aking sariling paraan.

Palagi na siyang nakabuntot sa akin noong siya ay grade nine. Hindi ko naman pinapansin dahil hindi ako interesado sa kaniya.

Isa lang naman ang gusto ko noon.

At 'yon si Ash. Kapantay ko siya sa lahat. Gusto ko ang personality niya. Matured kumbaga.

Ngunit, hindi ko alam bakit nawawala siya sa isip ko kapag nandiyan na ang batang Walkins. Pilit niya talagang dinidistract ang isip ko.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na nagkita at magkakilala na kami. Ni hindi ko nga matandaan kung saan ko siya unang nakita.

Wala kasi akong pakialam sa mga taong nakakasalamuha ko. Nakikisama na lamang ako dahil 'yon ang gusto ni mama. Ayaw ko siyang biguin. Ayaw ko siyang masaktan ulit. Kaya lahat ng gusto niya, ginagawa ko talaga.

Hanggang sa aksidente ko siyang napansin. Pinipilit ko talaga na magkunwari na hindi ko siya nakikita. Kaso nang umulan yata ng kakulitan, lumabas siya ng bahay at sinalo lahat.

Tsk, that girl.

Sunod-sunod na ang pangungulit niya sa akin nang tumuntong siya ng grade ten. Tuwing umaga, nakaabang agad siya para sabayan ako, minsan pa nga hinahatid niya ako. Tuwing lunch namin, akala niya yata hindi ko siya napapansin sa isang sulok, kasama ang kaibigan niya habang parang tangang nakamasid sa akin. Pinilit ko ang sarili kong balewalain siya lalo na at mas bata siya sa akin.

"What?" Inis ko siyang nilingon, isang umaga. Kanina pa siya nagsasalita, naririndi ako.

She was stunned. Nagulat siya sa tono ko.

"Will you please, shut up your mouth?"
Salubong ang kilay na ani ko.

"D-Drain.."

Damn. Napapikit ako. Hindi ko alam bakit nagkakaroon na ng epekto ang pagtawag niya sa akin.

"Pumasok ka na."

She pouted! "Ayaw ko. Ihahatid pa kita eh."

Parang gusto kong sapuhin ang noo. Bumuntong hininga ako at tinitigan siya. Agad siyang nailang, ngunit pilit rin akong tinitigan. Tumaas ang kilay ko.

"Bakit ba gustong-gusto mo akong ihatid?"

Napakurap-kurap siya. Lihim akong natawa sa itsura niya. She's so cute.

Tumingala siya at kinagat ang pang-ibabang labi saka ngumuso.

"B-Baka makasalubong mo si Ash. Mahirap na. Baka icrushback mo siya." Mahinang aniya.

Nagulat ako. Hindi ko na napigilan at humalakhak na ako. Damn! Naiisip niya 'yan? Why would I do that? Eh hindi ko na nga gusto 'yong tao.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita akong tumawa. Natigilan ako nang makitang unti-unti siyang ngumiti.

"Ang guwapo mo pag natawa, Drain." Ngumiti siya.

I blinked twice. Umayos ako ng tayo. Ramdam ko ang pag-init ng tainga ko.

Shit. The nerve of this girl.

"Mauna na ako. Huwag mo na akong ihatid. Baka nangangalay na 'yong kaibigan mo roon." Nilingon ko ang kaibigan niyang agad nagtago sa puno. Napangisi ako. "I'll go now." Saka ako tumalikod.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now