CHAPTER 44

5.2K 86 9
                                    

Warning: R-18.

Happy reading!

Chapter 44

JERACE'S POV

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Drain habang inaalalayan ako pasakay ng kotse niya.

Ngumiti siya sa akin at nagkibit-balikat. "Basta."

Amp. Basta? Ano kaya raw 'yon?

Napairap ako at hindi na lamang nagsalita. Kaninang pagkagising ko, inutusan niya na agad ako na maligo at mag-ayos. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod.

"I love you." Aniya pa bago sinarado ang pinto sa front seat.

Nakagat ko ang dila at pinanood siyang umikot papunta sa driver seat. Pumasok siya at ako agad ang tiningnan.

Ba 'yan! Bakit ba ako kilig na kilig?

"Seatbelt baby."

"A-Ah..yeah." taranta kong kinabit ang seatbelt. Rinig ko ang tawa niya.

"Calm down. I'm not gonna eat you." He chuckled.

Napamaang ako at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Napahinga ako ng malalim at napahawak sa mukha ko.

Bakit iba ang naisip ko sa sinabi niya? Malumot na ba ang isip ko?

Oh my gosh.

Taka siyang tumingin sa akin. "Why are you blushing?"

Shit! Buwisit ka talaga.

"Ahm. Wala." Ngumiti ako.

Nagpigil siya ng tawa at ini-start na ang kotse saka tumingin sa una.

Paulit-ulit naman akong huminga ng malalim. Tiningnan ko ang purse ko at kinuha ang cellphone roon. Buhayin ko na kaya? Apat na araw na kami rito. Kumusta kaya 'yong cafe? Sina April at Chen? Sina Mommy?

"Bubuksan mo?"

I looked at him. "Sana. Kumusta na kaya sila?"

Ngumiti siya. "They are fine. Don't mind them." He looked at me. "Makikita mo rin sila."

"Oh? Okay." Binalik ko ulit ang cellphone roon. Tumingin ako sa labas at pinanood ang mga nadadaanan.

Pagkatapos kaya nito, anong sunod na mangyayari sa amin? Ganito pa rin kaya kami? Paano kung..hindi na?

Sumulyap ako kay Drain. Nakakunot ang noo niya habang nagmamaneho. Nang mapansin niya ang tingin ko, agaran ang lingon niya sa akin.

He smiled at me. "Yes? Why are you staring at me?"

Natunaw ang puso ko sa ngiting 'yon.

Kahit anong mangyari, ipaglalaban ko siya. Hindi ko na kaya ang magsakripisyo ulit.

"Nothing. I just realized, how much I love you." And then I smiled.

Kitang-kita ko ang pagkakagulat niya sa sinabi ko. His face turned red.

"Baby I'm driving." Mahinang aniya, umiiwas ng tingin.

Tumawa ako. "Yeah I know. Masama bang sabihin 'yon?"

Huminga siya ng malalim at sumulyap sa akin. "I didn't say that." Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. "I can't concentrate. "

"Sa una ka kasi tumingin! Bakit kasi sa akin?" Ngumuso ako, nagpipigil ng tawa.

"You're teasing me!" Akusa niya, tumingin siya sa una.

Nanlaki ang mga mata ko. Hanep rin, Drain ah?

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon