CHAPTER 28

3.6K 61 0
                                    

Chapter 28

JERACE'S POV

"Ano ba kasing nangyari?!"

"Tsk! April! Huwag ka ngang maingay!" Rinig ko ang boses ni Chenny.

Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang lambot at ginhawa sa likod ko kaya alam kong nakahiga ako sa kama.

"Nasaan na ba si Drain? Ba iyan! Naguguluhan na ako ah!" Ramdam kong may humawak sa kamay ko. "Kanina lang nagpaalam pa 'tong mag-aattendance lang, tas ngayon sleeping beauty na ang peg nito?!"

Batid kong si April iyon.

Bumuntong hininga si Chenny. "Nasa labas si Drain, kausap si Axel. Nasabi na nila sa Dean ang nangyari. Ipatatawag ang parents noong dalawa. Saka pati na rin yata sina Ma'am and Sir pero kapag bumuti na ang pakiramdam ni Jerace." May humawak rin sa kabilang kamay ko.

Nagtaka naman ako. Nasabi na agad? Sinong nagsabi? Si Drain ba?

"Dapat pala hindi ako umalis, hindi sana nangyari 'to."

"Tsk! Ang landi mo rin kasi, Chen." Gusto kong kurutin si April. Ang bunganga talaga. "Uy! Pero maiba nga, kayo na ba ah?" Nagtunog chismosa siya.

"Ikaw! Napakabad mo magsalita!" Rinig ko ang reklamo ni April. Baka nagpapatayan na sila.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at tiningnan sila. Nilibot ko muna ang tingin at nakahinga ng maluwag nang mapansin na nasa aking kwarto ako.

Anong?!

Nagulat ako nang makitang hawak ni Chenny ang buhok ni April.

"Aray! Chen, bitaw!"

"Tsk! Chismosa mo!"

"Landi mo!"

"Abat!"

"T-Tama na nga iyan." Mahina kong suway sa kanila.

Agaran silang napatigil at sabay na tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Chenny.

"Jerace! Uwahhh!" Tumakbo siya palapit sa akin.

"Hala! Je!" Ganoon rin si April.

Akmang yayakapin nila ako nang itaas ko ang dalawang kamay.

"Diyan lang kayo. Baka hindi ako makahinga! " Pigil ko agad. Katakot-takot pa naman yumakap ang dalawang ito.

Ngumuso si Chenny. Umupo siya sa kama sa tabi ko.

"Sorry, Jerace. "Huminga siya ng malalim. Nangunot ang noo ko. "Bakit kasi hindi ka nagpasama? Iyan! Nakaya-kaya ka no'ng tatlo! Tsk! Humanda sila sa akin pag nakita ko 'yon!" Bumaling siya kay April. "Bakit kasi hindi mo sinamahan ah?"

Nanlaki ang mga mata ni April. "Ay wao? Teka lang ah. Kasalanan ko pa? Eh ikaw bakit kasi lumandi ka muna?"

Palihim ko na lamang na nasapo ang noo. Hindi ko alam kung kailan sila naging ganito ka close sa isat-isa. Grabe na kung magbatuhan ng mga salita. Buti na lang walang balat-sibuyas sa amin.

"Aba! Hindi nga sabi! So kasalanan ko rin na hinila ako ni Ax ah?"

"May pa Ax ka na ngayon?"

"Wag mong ibahin ang usapan! Ikaw ang kasama niya kaya sana sinamahan mo!" Si Chenny na nakataas ang kilay.

Napahawak sa dibdib si April. Dahan-dahan siyang sumulyap sa akin saka ngumuso.

"Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?"

Napangisi ako. Siraulo talaga! Hilig niya talagang kumuha ng mga unforgettable lines sa mga movie kapag wala na siyang masabi.

"Sinasabi mo!" Si Chenny na natawa na rin.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now