CHAPTER 40

5.2K 85 5
                                    

Chapter 40

JERACE'S POV

Kinuha ko ang susi sa sling bag at akma na sanang lalabas ng bahay nang makita ko si Mommy na masayang nakikipaglaro sa anim na taon kong kapatid.

"Do you want this baby? Susubuan kita."

Ngumuso ito. "Mom. I'm not a baby."

Tumawa si Mommy. "But you still are. Look at your arms. It's so small!"

"Mom!" He hissed.

Bahagya akong napangiti. Gustuhin ko man na sabihin kay Mommy ang nangyaring pagkikita namin ni Drain, ngunit ayokong maalala niya na naman ang nangyari noon.

She looks so happy and contented. I don't want to destroy it.

"Ate!" Hindi ko namalayan na palapit na pala sa akin si Jayren.

Ngumiti ako at bahagyang lumuhod. "Yes, Jayjay?"

Ngumiti siya. Gustong-gusto niya ang tawag ko sa kaniya.

"Where are you going? Are you not gonna join us?" Kunot-noong tanong niya.

Napatingin ako kay Mommy na pinapanood kami.

"Hindi na. I'm full." Ginulo ko ang buhok niya. "May work ako so be a good boy huh?"

"Yes, Ate!" Nagtaka ako nang bahagya siyang tumingkayad. "Tss. I'm gonna kiss you."

Natawa ako. Suplado. Nilapit ko ang pisngi sa kaniya. Mabilis naman siyang humalik at lumayo sa akin.

"I love you, Jayjay."

"I love you, Ate. Take care." Seryosong aniya saka ako sinenyasan na lumabas na ng bahay.

Napanguso ako at tumayo na. Tumango ako kay Mommy na nakangiti habang pinagmamasdan ako.

"I'll go now, Mom." Paalam ko saka tumalikod na.

Lumabas ako ng bahay at dumiretso na sa sasakyan ko. Nakita ko pa si Mang Fred na nagkakape sa may garden.

"Paalis ka na, Hija?" Tumayo siya.

"Opo." Ngumiti ako.

Tumango siya. "Ingat ka."

"Salamat, Mang Fred." Ngumiti pa ako saka binuksan ang pinto at pumasok.

Sa loob ng ilang taon masasabi kong naging malapit ako sa dati lang na driver ko. Siya ang tumayong tatay ko. At lubos akong nagpapasalamat sa kaniya.

Nilingon ko pa si Mang Fred na nakatingin sa gawi ko.

'Salamat po.'

Nagmaneho na ako papunta sa cafe. Ngayong araw namin napag-usapan ni April na maglilibot sa mall para maghanap ng susuotin. Sinabi kong magkita na lamang kami sa cafe.

Bumaba ako ng sasakyan. Inayos ko ang sarili saka dire-diretsong pumasok sa loob. May mga customers na agad pagkapasok ko.

Nilibot ko ang tingin at wala pa si April.

"Hi, Ma'am! Good morning!" Bati ni Selene.

Nangunot ang noo ko. "Ang saya mo ah? Dumalaw si Tingloy?"

Natawa ako nang sumama ang mukha niya.

"Hindi, Ma'am. Masama bang bumati?"

Nagkibit-balikat na lamang ako at pumasok na sa kitchen. Ilang sandali kong chineck ang mga ingredients at mga bagong gawang cake saka ako lumabas at tumungo sa counter.

Na sana hindi ko na lang ginawa.

Napatingin sa akin silang dalawa. Si Selene habang nanlalaki ang mga mata na pawang kinikilig na naman at si Drain na seryosong nakatingin lamang. Palihim akong bumuga ng hangin.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now