CHAPTER 29

3.2K 66 5
                                    

Sorry na sa late ud. Masyadong nahaling sa panonood hehe. Kdrama pa more! Btw, happy reading mga beh!

Chapter 29

JERACE'S POV

Nangunot ang noo ko nang makarinig ng nagbubulungan. Umiba ako ng pwesto at dahan-dahan ang ginawa kong pagmulat.

Bakit nakapatay ang ilaw?

Pilit kong inabot ang lampshade sa may side table at binuhay 'yon. Nakita ko pa ang cellphone na umilaw kaya kinuha ko 'yon.

2 missed calls from Ma'h baby Drainy ❤️

3 unread messages from Ma'h baby Drainy ❤️

Nangiti agad ako ngunit nangunot ang noo ko kung bakit ang aga ng tawag at texts niya.

Binuksan ko 'yon.

From: Ma'h baby Drainy ❤️

Hi baby! Good morning! And happy birthday!

Wish you all the best! Enjoy your day!

I love you! Happy birthday baby.

Napanguso ako at parang naiiyak na. Birthday ko na ba? Huhuhu! Grabe ang ganda ng umaga ko!

"Happy birthday to you. Happy birthday to you..."

Napakurap-kurap ako nang marinig ang ibat-ibang boses na pamilyar sa akin. Agad akong tumingin sa harapan ko at nakita ko sila Mommy at Daddy na may hawak na cake.

Gosh! Kanina pa sila diyan?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at natahimik habang pinapanood sila.

"Happy birthday, happy birthday.." ngumiti si Mommy. "Happy birthday to you.." pagtatapos niya sa kanta.

Napapikit pa ako ng isang mata nang bumuhay ang ilaw. Nakita ko agad si Chenny na nakangisi sa akin habang nakaturo sa cellphone ko.

"Happy birthday, honey. "Unang lumapit sa akin si Mommy. Inabot niya ang cake kay Daddy na nakangiti sa akin.

"Thank you, Mom!" Ani ko nang halikan niya at yakapin.

"Ang laki laki mo na." She murmured.

Natawa ako nang humarap siya sa akin at ngumuso. Tumingin siya kay Daddy na nakatayo na sa likod niya.

"Jay, ang laki na ng Jerace natin."

Natawa si Daddy. "Of course. Tumatanda tayo eh. But she's still my baby Marielle." Lumapit sa akin si Daddy at hinalikan ako sa noo. "Happy birthday, baby. I love you."

"Thank you, Dad. I love you too." Nakangusong sagot ko, pinipigilan ang pag-iyak.

"Blow your candle anak." Aniya at inilapit ang cake.

Tumayo si Mommy at tumabi na rin kay Daddy. Lumapit na rin si Chenny habang nakangiti sa akin.

Ngumuso ako at tumingin sa cake. Dahan-dahan akong tumayo at pumikit.

Sana maging masaya lahat ng tao sa paligid ko, pati ako syempre!

Akmang hihipan ko na ang kandila nang may maisip pang wish. Pumikit ulit ako at ngumisi.

Sana magkiss na kami ni Drain kahit hindi pa ako eighteen. Hihihi.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hinipan na ang kandila. Binuksan ko ang mga mata nang pumalakpak si Mommy habang nakangiti si Daddy. Si Chenny naman ay umirap pa sa akin at nabasa ko pa ang sinabi niya.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now