Chapter 38

11.3K 134 21
                                    

Buti pa si Lovie tulog na, for fuck's sake! It's already two in the morning and my mind wouldn't let me sleep.

Kanina pa nakasubsob ang mukha ko sa unan at pinipilit ang sarili. Hindi ko na nga alam kung dahil ba 'to sa maingay na air conditioner o dahil sa tuwing pumipikit ako ay pumapasok sa isip ko si Mark. I kept on reminiscing my old and happy memories with Mark.

It feels weird and I hate it!

Tumingin ulit ako sa tulog na tulog at nakanganga pang si Lovie tapos dahan-dahan akong umalis sa kama. Hindi ko na rin binuksan ang ilaw, baka kasi lalo pa siyang maistorbo.

May maliit na balkonahe ang condo unit ni Lovie na maganda ang view. Pumunta ako doon para tumambay dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga kayang maalis sa isip ko ang lalaking 'yon.

Pagdating ko sa balcony ay hinawakan ko ng mahigpit ang railings. I sighed while watching the view from up here. This condo is on the fifth floor of the building kaya halos kita ang kalahati ng lungsod.

The starynight sky with a full moon complimented the myriad and dazzling lights of the city. Napangiti ako ng bahagya, medyo ngayon lang na nag-sink in sa akin na nakauwi na talaga ako dito sa Pilipinas.

The the tranquil atmosphere and the cold breeze that touched my skin made me feel a bit nostalgic. It reminded me of the nights when I was younger. Ganitong-ganito sa pakiramdam ang hangin noon kapag nasa labas pa kami ni Mark sa gabi at nagde-date.

  “Fuck!” I hissed then face palmed.

Bakit naisip ko na naman siya?

Habang pinagagalitan ko ang sarili ay biglang narinig kong tumunog ang ringtone ng cellphone ko na naroon sa sala. Napahawak ako sa dibdib dahil kinabahan ako bigla.

My mind kind of assumed already that he's the one who was calling.

I hurried to my phone, halos magkandarapa pa ako dahil nakatingkayad ako tumakbo para hindi magkaroon ng tunog ang bawat pagyapak ko.

“Ano na namang kailangan mo?” Tanong ko habang naglalakad na pabalik sa balcony.

    “Manager... hindi ako makatulog,” his raspy voice was a bit muffled hearing from the speakers of my phone.

Parang may dumaloy tuloy na kuryente sa buong katawan ko. Why does his voice have a certain effect on my body like this?

    “Oh, anong gagawin ko?” I raised my brow.

I heard him sigh, “Hindi ako makatulog kakaisip sa'yo.”

I wanted to curse when he said that. Siya rin naman kasi ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. “Kasalanan ko?”

“Hindi kita sinisisi, gusto lang kitang makausap dahil nagbabakasakali ako na 'yon ang paraan para tumigil 'to.”

      “Mark,” hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Mula no'ng makita ko ang letrato mo, palagi na kitang napapaginipan.” He sounded so confused.

“Baka naman coincidence lang?”

   “Hindi ko alam pero mas lumala pa 'to nung nakilala kita, ngayon naman palagi ka nang nasa isip ko.”

Don't tell me that he's...

    “Parang may nagsasabi sa akin na matagal na kitang kilala. Pagkatapos buo na ang araw ko makasama lang kita.”

A tear escaped from my eye and I was tempted to tell him the truth because of what he said, but I remembered the pain that I've been through because if him.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon