Chapter 37

10K 120 15
                                    


  “So you're working with him?” Usisa ni Nathan habang nagmamaneho papunta sa kakainan namin.

“Uh-huh, unluckily.” I nodded then pursed my lips.

      “Ayos lang sa'yo na makasama siya?”

Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit nga ba parang ayos lang sa akin na nakakatrabaho ko si Mark? Bakit natitiis kong maging malapit sa tanong nanakit sa akin noon?

“Siguro kasi... hindi naman niya ako na aalala.”

       “Pero na aalala mo siya. Napatawad mo na?”

Hindi ko alam. Paano ko ba masasabing napatawad ko na si Mark? Kasi kung ang ibig sabihin ng pagpapatawad ay paglimot sa sakit, malamang ay hindi pa rin.

“Huwag na natin siyang pag-usapan.” Tumingin ako sa kalsada.

  “I'm sorry, curious lang. Akala ko kasi napatawad mo na kaagad 'yon, akala ko nakalimutan mo na niloko at pinaglaruan ka niya noong high school. Pasensiya ka na rin at wala akong nagawa no'ng una, gustong-gusto ko na talagang sabihin sa'yo ang totoo noon pero hindi talaga nagpapatinag si Mark. Gusto ka niyang mapaalis sa school para lang makabalik siya bilang vocalist ng Zone Zero.”

   Ang sakit pa rin sa dibdib na marinig iyon pero mas masakit sa tainga dahil naikwento niya na sa akin ito na pang ilang beses na.

“Ewan ko ba sa kapatid kong iyon, gustong-gusto ka niya talagang masaktan at paiyakin. Pero nandito lang ako...”

Napakuyom ang kamao ko dahil sa pagpapaalala niya ng lahat ng iyon, mukhang mali pala ang desisyon ko na rito sa kotse niya sumakay. How can he be so fucking insensitive? Isang pagpapaalala niya pa talaga sa past, bababaan ko na 'to.

Nang hindi na ako nagrereact sa mga kinukuwento niya ay nanahimik na rin naman siya. Mabuti naman 'yon dahil naiirita na ako.

Pagtigil noong sasakyan ay bumaba na kaagad ako, natanaw ko agad ang mustang ni Mark. Talagang sumunod pa siya, akala ko naman ay mahihiya na siya.

Pagbaba niya sa kotse ay nagmamadali siyang lumapit sa akin, naunahan pa nga niya si Nathan na bumaba.

     “Tara na?” si Mark.

Tumango si Nathan at nauna nang lumakad papasok sa restaurant, sumunod nalang ako at si Mark naman ay sumabay sa akin.

     “Hindi naman masarap ang pagkain dito,” bulong niya sa akin.

I scoffed, “Edi huwag ka nang sumama.”

     “Gutom na ako, e'.” Humawak pa siya sa tiyan niya.

Natawa tuloy ako ng bahagya imbes na mainis dahil sa kakulitan niya. What the hell is happening to me?

Pagpasok namin sa loob ay nagtinginan kaagad ang lahat kay Mark kahit siguro ang iba ay hindi niya fan. Attractive din naman kasi siya at matangkad kaya agaw atensyon talaga kapag dumaan siya.

Sa table ay tumabi sa akin si Mark at sa harapan namin si Nathan, inabot kaagad sa akin ni Mark ang menu pero nagtuturo siya.

     "Heto medyo masarap 'to tsaka eto.” Tinuro niya 'yong pancit at chicken.

“Ikaw na kaya ang mag-order? Parang mas marunong ka pa e.” Ibinalik ko sa kaniya ang menu.

      “Nagsu-suggest lang naman ako para hindi ka magsisi,” aniya at binigay ulit sa akin ang menu.

“Ang kulit mo naman kasi.”

        “Sorry na manager.”

Sasagot pa sana ako kaso biglang tumikhim si Nathaniel kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya. Ngayon ko lang napagtanto na baka na-out of place siya sa aming dalawa ni Mark.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon