Chapter 28

10.4K 124 3
                                    


    "Sorry, hanggang ngayon ginugulo ka pa rin nila." sabi ni Mark habang naglalakad kami palabas sa school building.

Mabilis ang bawat paghakbang niya kaya medyo nahihirapan akong sumabay, mahaba rin kasi ang mga biyas niya.

  "It's alright, ag totoo  wala rin naman akong pakialam sa iniisip nila. Sa'yo lang ako nag-alala, I just tought that you're going to believe those rumors. Mabuti na lang naiintindihan mo ako–"

      "May tiwala ako sa'yo."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya at hinawakan ang kamay niya. Tiningala siya ko siya para pagmasdan, medyo nauuna siyang maglakad sa akin ngayon kaya hindi niya iyon pansin. My smile faded when I noticed that he had a weak smile on his face and he looked worried.

"May problema ka?" I asked. Kagaya ng pagtatanong niya sa tuwing napapansin niyang may bagay na gumugulo sa isip ko.

    He shrugged his broad shoulders. "Ako? W-Wala naman, ihahatid pala kita sa inyo kaya sabihin mo nalang kay Manong Fred na huwag ka nang sunduin."

Umiling ako sa hangin. Hindi ako naniniwalang wala siyang problema, masyadong obvious 'yon sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. He's too secretive about his feelings. I wonder what it is that bothers him at bakit hindi niya kayang sabihin sa akin?

   "You know you can tell me your problems right?"

Nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong-hininga at pinisil lang ang kamay ko. Hindi ko na naman siya pinilit na magkwento, sasabihin rin naman siguro niya 'yon kapag handa na siya.

   Hinatid lang niya ako at hindi na tumuloy sa loob, hapon na rin kasi at may mga projects pa siya. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay gusto ko na agad lumabas doon dahil sa nakita ko sa sala. My father was sitting on our white couch facing my mother, it seems like they are waiting for me to come home. Nang mapansin naman ako ni Mama ay tumayo siya at sinalubong ako ng ngiti, napairap ako at dire-direstong lumakad papunta sa hagdanan. 

"Akyat na ako, Ma."

   "Anak, please... kahit ilang minuto lang?"

Pumikit ako at suminghap, napilitan na akong humarap sa ama ko. Umupo ako doon sa couch na kaharap ng kaniyang inuupuan. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. The fine lines and wrinkles on his face are more visible than the last time I saw him. Sa ilang taon ba naman kasi na wala siya sa buhay ko, e? Ngayon lang ulit kami naging malapit ng ganito at parang nawawalan ako ng lakas dahil dito. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko iyon ibinalik, hindi ko 'yon kayang gawin.

    "Kumusta ka na? Dalaga ka na, may boyfriend ka na ba?" He was enthusiastic.

"Ano bang kailangan mo?" diretsang tanong ko.

       "Miracle," saway ni Mama, siguro dahil medyo nakaka-offend and naging tono ko.

 Nakatayo si Mama ngayon sa likod nitong couch na inuupuan ko at hawak ang balikat ko, nakatulong naman ito para kumalma ako kahit kaunti.

    "Gusto ko lang... bumawi–"

"Bumawi? Bakit ngayon?" I asked calmly kahit gusto ko na siyang sumbatan. I thought I can forgive him, without him giving an apology, but the scars that he left in my memory... suddenly felt like fresh wounds.

     "Bakit ngayon mo lang 'yan naisip?" Hindi siya makasagot sa simpleng tanong ko kaya napangiti ako ng mapait. 

"Are you guilty?"

    "Nagsisisi ako na pinabayaan kita noon. Hindi ko man lang naisip na kailangan mo rin ng ama na gagabay sa'yo, dapat sinuportahan pa rin kita kahit naging magulo ang paghihiwalay namin ng Mama mo. Patawarin mo ako, anak."

   "A-Ano bang gusto mo?" I was taken aback. I felt a lump in my throat and I wanted to get it out so badly that my eyes started to well up. 

    "Kapatawaran mo lang, kahit iyon na lang siguro? Hindi ko na ipipilit ang sarili ko na payagan mo akong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko kung hindi mo gusto. Nandito ako ngayon para humingi ng tawad at ipaalam sa'yo na pinagsisihan ko lahat."

"P-Papa..." I felt my tears running down my cheeks. Ngayon ko nalang ulit nabanggit ang salitang iyon. My chest felt somewhat lighter, but it was not enough for me to forget everything that he had done. And forgiving him means that I need trust him again, and I don't know if I can do that because he was the same person who gave me this trust issues. The first man in my life who broke my trust.

    "Hindi ko alam kung paano..." I felt a sharp pain in my chest. Unti-unti ko na rin na naramdaman ang paninikip ng dibdib ko at mukhang napansin iyon ni Mama. Naguluhan rin ang ama ko dahil bahagya na itong natataranta.

     "Miracle!!"

Nagmulat ako ng mata na nasa kuwarto na ako, nakatayo sa may pintuan si Mama at kausap ang family Doctor namin habang si Papa naman ay narito sa may higaan ko at nakaupo sa silya. Guilt and worry was written all over his face. I breathed air through my nose and rolled my eyes because I find it pathetic and funny.

"I'm sorry, hindi ko alam."

      "I know, because you were absent habang lumalaki ako."

Kulang na nga lang yata ay ang makalimutan niya ang pangalan ko. It is almost like we're strangers because of the way he avoided his responsibilities as my father.

    “Issa! May kausap ba ako?”

Napakurap ako at tumingin kay Lovie, narito kami ngayon sa bookstore at namimili ng libro na kailangan para sa subject namin. Minsan ay napatutulala nalang ako sa isang tabi sa tuwing na aalala ko 'yong araw na nakapag usap kami ni Papa.

Its been three days since that happened. Wala akong ibang pinagsabihan kasi hindi ko rin naman alam kung paano iyong ikukuwento sa iba.

Bumuntong hininga ako ng malalim.

   “Kanina ka pa lutang d'yan ah?” si Lovie ulit iyon.

“Sorry, baka puyat lang.” I shrugged my shoulders, pagkatapos ay nauna ng pumila sa cashier.

       “Oh my gosh...” bulaslas ni Lovie pagdating niya sa may likod ko.

Lumingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Bigla kong nanghina dahil sa nakita ko. It was Sabrina and she is with our father, mukhang namimili rin sila ng libro.

Ang saya-saya nila, our father was cracking jokes at tawang-tawa naman do'n si Sabrina. I felt the bitterness inside me.

    “Miss? Three hun–”

“Ako nalang magbabayad.” Pagpiprisinta ni Lovie at umunahan na sa akin para bayaran 'yung mga libro.

Ako naman ay nakatingin lang kila Sabrina, torturing myself while watching how happy they are. I'm fucking jealous.

Natigilan si Papa sa pagtawa nang mapatingin siya sa akin, nawala ang bakas ng ngiti sa mukha niya kaya naman napatingin rin sa akin si Sabrina.

She smiled.

'Yong ngiting nang-iinggit pa kaya lalong uminit ang ulo ko. Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko sa nagbadyang luha dahil sa inis at galit. I almost wanted to go near her and pull her hair but I just chose to run away.

Narinig ko pang tinawag ako ni Lovie pero wala na akong pakialam. I wanted to go far from them, I want to go far away from the people who keeps on breaking my heart.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon