Wakas

15.4K 180 29
                                    

   “I don't know, Mark.”

Lumuhod siya sa harapan ko. Napalinga ako sa paligid dahil kasabay noon ang pag-singhap at pagtili ng iba. Inuudyukan nila ako na pagbigyan si Mark.

   “Alam kong marami pa akong kailangang  malaman at maalala pero ang naiintindihan ko lang ngayon ay ayaw kitang mawala. Hindi ko kayang magkunwari na kaya kong lumayo kung 'yon ang hihilingin mo.”

Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko at hinalikan ang likod noon.

  “Susundin ko ang lahat ng hihilingin mo, h'wag lang ang paglayo sa'yo.”

  Nag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa umaangat na luha doon galing sa aking dibdib. The whole place is starting to get blurry because of these tears.

   “Mark...” Hindi ko na alam kung takot o saya ba itong nararamdaman ko.

     Hinila ko siya para makatayo at niyakap siya nang mahigpit. I cried on his chest, “Hindi ko alam kung natatakot ako...”

   After that incident ay bumalik ako sa U.S. to clear my mind, and he followed. He was determined to hear my yes, niligawan niya ulit ako.

  Sinasamahan niya ako sa tuwing namimili ako sa groceries at kahit may pupuntahan lang. Hinihintay niya rin akong matapos sa trabaho ko. Ako ang manager ng isang branch ng make up store ni Mama dito, sabi ko noon ayoko... pero dito rin pala ang bagsak ko.

    Parang sa kanya, sinabi ko ay hindi ko alam pero ngayon ay binigyan ko na siya ng pagkakataon. Kasi pareho kaming binigyan ng pangalawang pagkakataon, pareho kami na binigyan ng pangalawang buhay.

Kaya wala naman sigurong masama kung bigyan rin namin ng pagkakataon na mabuhay ang pag-ibig namin.

     “Salamat, hindi ko na sasayangin 'to.” aniya at hinalikan ang aking noo.

“Dapat lang!”

   Nang maging kami, after six months lang ay tumira na kami sa iisang apartment. We we're living like a married couple, singsing na lang ang kulang.

  After two years ay bumalik na rin kami sa Pilipinas. Nagpahanda siya ng home coming party namin noon and we celebrated it in a yacht, sabi ko nga ay parang hindi na naman kailangan pa nu'n.

'Yon pala may plano pala ang isang ito.

    Narito kaming lahat sa may deck at hinila ako ni Mark sa may harapan. Biglang may sunud-sunod na nagpaputok ng fireworks na hugis puso sa langit kaya nakatanaw lang ako roon.

Pagkatapos noon ay lumuhod si Mark kaya sa kaniya naman ako nagbaling ng tingin. Nagsalubong ang kilay ko at nanlamig bigla noong inilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang isang maliit at pulang box.

    “Miracle...”

Hindi pa man siya nakakapagtanong ay parang gusto ko na kaagad na sagutin 'yon ng "Yes" at isuot ang singsing sa sarili kong daliri.

“Miracle, will you marry me?”

       “Yes! Yes, Daniel!”

Nagpalakpakan ang pamilya namin at muling nagpaputok ng fireworks doon sa islang na pinanggalingan namin. Isinuot niya ang singsing sa akin, pagkatapos tumayo siya at hinawakan ang mukha ko para bigyan ng isang masuyong halik.

     “Thank you so much.” Niyakap niya ako at ipinatong ang baba niya sa tuktok ng ulo ko. I smiled bevause I can hear his heart beat.

Tatlong taon na rin ang lumipas simula noong tumira kami ni Mark dito sa binili niyang beach resort. Tahimik ang buhay namin dito at wala nang mga intriga pa sa kaniya. We got married here and I am now pregnant with twins.

Naalala na rin ni Mark ang lahat, ipinaliwanag niya sa akin kung ano talaga ang nangyari. Inamin niya noong una raw ay naiinis siya sa akin at kay Nathaniel kaya siya pumayag na akitin ako. He was even confident kaya ipinusta niya ang pagiging vocalist ng papasikat na banda nila noon.

Ngayon ay natatawa nalang ako sa tuwing naririnig ko ang word na "aakitin", ginagawa ko pa 'yong pang asar sa kaniya. Kaya kapag may tao o bisita kami na nagsabi noon ay titingin na ako sa kaniya ng makahulugan at magpipigil nang tawa.

Pero 'di naman siya nagpapatalo dahil naakit naman daw niya ako, iniyakan ko pa nga raw siya noon at totoong hulog na hulog ako sa kaniya. Ang kapal ha?

E siya nga, inamin niya talaga na nahulog daw siya sa akin kaya napagpasyahan daw niya na umalis na talaga sa banda at itigil 'yong usapan nila. Edi sino ang hulog na hulog sa amin ngayon?

Ayaw pa nga raw ng brotherhood, lalo na ni Leo dahil gustong-gusto no'n makaganti sa akin. They wanted me gone at hindi na raw alam ni Mark ang gagawin niya noon.

Napag-initan pa nga raw siya sa brotherhood nila dahil mas inuuna pa raw niya ako kaysa sa mga brothers niya doon. Gustong-gusto na raw niyang sabihin sa akin ang lahat, balak na nga raw niyang gawin 'yon noon pero mukhang nalaman 'yon ni Nathan at inunahan siya.

Pero napatawad na naman namin sila though 'di namin makakalimutan 'yon. Taska wala na kasi dapat lugar ang galit sa mga puso namin kung gusto namin ang payapang buhay. Iniisip na lang rin namin na, siguro'y may rason talaga kung bakit nangyari pa 'yong aksidente.

Maybe it happened to really strengthen our relationship with God in between. It also taught us to appreciate what we have now because no one really knows what will happen in the future.

Dati nga ay gigil na gigil ako sa kaniya noon, ngayon naman ay magkakaanak na kami at kambal pa. Tadhana nga naman talaga.

“In love ka na talaga sa akin noon.”

  “Eh? Ikaw nga ang lumuhod pa sa harapan ko nu'n sa gymnasium. Sinundan mo pa ako sa U.S.!”

Ginaya ko pa ang mga sinabi niya noong nanghihingi siya ng second chance.

Wala siyang maisagot kaya napangiti ako, “I won, wala kang masabi 'no? Kasi totoo–“

  “Totoo nga. Hulog na hulog ako sa'yo.” Pag amin niya.

Kahit ilang beses ko na namang narinig iyon ay natahimik pa rin ako, parang gusto kong umiyak kasi feeling ko ang sincere ng pagkakasabi niya noon.

“Oh, wala ka masabi?” aniya.

     Hinampas ko siya at pinahid ko ang luha ko sa likod ng aking braso.

    “Huy, bakit?” alalang tanong niya.

“Ikaw kasi!” Fuck, naiiyak ako! Baka hormones ko lang ito kaya ako nagkakaganito.

         “Siya, sige na! Ikaw na ang panalo, talo na ako.”

Umurong ang luha ko bigla at unti-unti ng umangat ang labi ko dahil sa nakakatawang reaksyon niya.

       “Bobo! Hindi naman iyon e.”

“Tsk. Grabe ang mood swings ni buntis.” Umiling-iling siya tapos pinangilgigilan akong yakapin at halikan sa pisngi ko na medyo malaman ngayon dahil sa pagbubuntis ko.

Before I met him, I also played around
I was afraid to fall in love,
I used to think that it's called luck when people find someone to have
To hold, and take care of their heart

Loving someone scares me, I fear the idea of having someone to depend on and then when things gets complicated
He would leave like what my father did

I hated men but when he came, he made me forget,
He proved that he's different,
when I'm jealous he would assure,
When he's wrong he would apologize,

He would apologize even with the slightest inconvenience,
When everything gets complicated, he compromises
He's sweet, he is true and he knows how to appreciate

I was scared but now I am terrified
I am terrified but brave to take the risk
Because I am inlove, Mark Daniel Chu Reyes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon