Chapter 9

11.5K 146 4
                                    

Sinalubong kaagad kami ng napakalamig na hangin pagbaba namin sa kotse, kani-kaniyang yakap kami sa sarili dahil wala naman kaming dinalang blazers or jackets for ourselves.

Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa entrance ng club, hindi pa kami nakakapasok ay naririnig ko na ang mga hiyawan at malakas na music na nanggagaling doon.

May malaking bouncer sa may pinto and he is checking some I.Ds. Bawal kasi talagang pumasok d'yan ang mga 17 years old and below.

But itong club naman ay pagmamay-ari ng family friend ni Sam kaya napakiusapan na nilang mapapasok ako. I am the youngest among them kasi nag eighteen na silang lahat this year. I would be turning to that age, nextyear pa.

"Buti nalang talaga 'your cousin owns this club." Masigla pa ring saad ni Lovie kay Sam.

"Perks of being a Montenegro." Sam shrugged her shoulders.

We were about to enter pero biglang may pumigil sa akin at humawak sa braso ko. Hinila ako nito palayo at nagsunuran naman ang mga kaibigan ko sa amin habang binubungangaan siya.

"Mark ano ba?" galit na sabi ni Margaux.

"She's underaged!" Umigting ang panga ni Mark at mas hinila pa ako sa tabi niya. Nakita ko na rin ang nakaparada niyang kotse dito sa tabi namin.

"Nagawan na naman namin ng paraan. Puwede na siyang pumasok,"pagmamalaki naman ni Sam.

Hahawakan na sana ako nito pero hinarang ni Mark ang sarili niya. "Wala akong pakialam, hindi siya papasok diyan."

Hinubad niya 'yong itim niyang jacket at ibinigay sa akin. "Isuot mo 'to."

"No!"

"Huwag ka ngang makulit!"

"Ikaw ang huwag makulit!" Galit na sabi ko sa kaniya at hinampas sa dibdib niya 'yong jacket na ibinigay niya. Ang kapal naman ng mukha niyang pigilan ako sa mga gusto kong gawin! Ni hindi pa nga kami official tapos ganito na siya possessive sa akin?!

"Ayokong umuwi!"

"Edi hindi kita iuuwi!" He looked frustrated, "Isasama nalang kita."

"Ayoko nga... S-Saan ba?" Naglipat ng tingin sa mga kaibigan ko at sa kaniya.

"Tutugtog ba kayo ngayon?" biglang nagsalita si Clarisse.

Tumango naman si Mark at ibinalik sa akin 'yong jacket niya. Nagsusumamo siyang tumitig sa akin at nagkusa na siyang buksan iyong pinto ng sasakyan niya. "Please?"

Sumakay na ako sa sports car niya, napagpasyahan rin nila Margaux na sumama nalang sa amin. Doon silang apat at kami lang rito ni Mark.

Hindi ko siya kinakausap because I am actually offended na pinasuot niya ako ng jacket. Wala siyang karapatan na diktahan ang dapat kong suotin, my body, my rules.

"Bakit ka galit? Gusto mo ba talagang pumunta doon sa club?"

I scoffed then rolled my eyes, "Pinapakialaman mo kasi ako sa dapat kong isuot-"

"Hindi kita pinapakialaman."

"Eh, bakit pinasuot mo ako ng jacket?! Si Mama nga hindi nagalit sa akin nang makita niyang ito ang suot ko, tapos ikaw?"

"Diyos ko naman Miracle! Binigyan kita ng jacket kasi nangingig ka na sa lamig. Wala akong pakialam sa gusto mong isuot, ayaw ko lang namagkasakit ka." Nakatutok sa kalsada ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon.

Lumubog ang katawan ko sa upuan dahil sa pagkapahiyang nararamdaman, akala ko kasi talaga... "S-Sorry, Mark."

"Wala kang kasalanan."

Dinala ako ni Mark rito sa isang resto bar. It looks formal and the arrangement of the lights looks so romantic, may mga tables sa labas at loob nito. It really looks like a great and comfortable hangout place.

Kasama ko na rin sila Margaux ngayon at pinaupo kami ni Mark dito sa table na malapit sa stage kung saan sila tutugtog ng banda niya.

This place is really relaxing kahit maraming tao. The people here are chill kahit halatang humahanga sila sa banda, 'di katulad noong mga schoolgirls sa gymnasium.

Mukhang magugustuhan ko ang lugar na ito at talagang hahanap-hanapin. Ngayon pa't napag-alaman kong madalas tumugtog rito sila Mark at ang banda niya.

We ordered a few drinks while listening to Zone Zero's music.

"I'm kinda disappointed na hindi natuloy 'yung plano ko." Tinungga ni Lovie 'yong bote ng sanmig.

"It's maganda naman here, tsaka nandito naman ang Zone Zero." Kanina pa pinagmamasdan ni Sam ang kinaroroonan ni Niccolo. "He's really cute, oh my god."

Matapos tumugtog ng banda nila'y bumaba na sila sa stage at sumalo na rin sa amin rito sa table. Katabi ko si Mark at kaharap ko naman ang ex kong si Nathaniel.

"Mira, anong ginagawa mo rito?"

Mark snaked his arms around my neck, "Isinama ko siya, may problema ka ba 'don?"

"Guys." May halong pagsasaway na sabi ni Xian, 'yung bassist na may asul na buhok.

"You did great."

Sabay kaming napatingin ni Mark kay Clarisse, kinurot ko ang likod niya noong makita kong napalunok siya.

"Ah, salamat."

"Si Mark lang ang pupuriin mo?" tanong ni Niccolo sa kaniya ng may himig ng pagtatampo.

Clarisse smiled cheerfully, "Of course, magaling kayong lahat!"

My insecurities are slapping me habang tinititigan ko ng tinititigan si Clarisse, gorgeous is an understatement. Lahat ng mga lalaki dito ay napapatingin sa kaniya kahit may mga kasama nila ang mg girlfriends nila.

Hindi na ako magtataka kung bakit minsan siyang nagustuhan ni Mark. Baka nga gusto pa rin siya nito. No choice nalang kaya ako ang pinili?

"Kanina ka pa tahimik, galit ka pa rin ba sa akin?" bulong ni Mark sa may tainga ko habang nakaakbay pa rin sa akin.

Itinago ko ang mga kamay ko sa loob ng sleeves ng jacket niya't humilig sa braso niya. "Inaantok lang siguro ako."

"Gusto mo na bang umuwi? Hindi naman ako uminom para maihatid kita."

Napangiti ako dahil sa pag-aalala niya, "Sure."

"Uuwi na kayo? Hindi ka na ba babalik Mark?" Tanong ni Clarisse matapos magpaalam ni Mark sa kanila na ihahatid na ako nito.

"Hindi na siguro, may gagawin pa kasi ako bukas."

"Ingat ka, sis!" ani Lovie.

Inalalayan ako ni Mark hanggang sa makarating kami roon sa ssakyan niya. He was so gentle and caring, I like the way he treats me.

Tumitig ako sa kaniya matapos kong maikabit ang seatbelt ko. "Thank you, Mark."

"Maliit na bagay lang naman 'tong ginagawa ko." A dazzling, breathtaking smile was plastered on his handsome face.

"Thank you for making me feel this way, I think I'm falling for you."

Nawala ang mga ngiti sa labi niya at kitang-kita ko ang ginawa niyang paglunok. "Miracle..."

"What is it?" Nagsalubong ang kilay ko habang hinihintay ang kadugsong noong sasabihin niya, but it never came.

"Wala." Mark had inserted the key to the car's ignition to make the engine start.

Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba rin siya sa sasakyan. He kissed my forehead tapos siya na mismo ang pumindot noong doorbell sa may gate namin para sa akin.

"Gusto kong makilala ang Mama mo, sayang wala akong dala ngayon." Nakangiting sabi ni Mark sa akin at muling umakbay. Natulala ako sa kaniya at kumabog na naman ng pagkalakas-lakas itong puso ko.

Halos lahat ng naging boyfriend ko ay takot kay Mama, dahil na rin siguro mukha talaga iyong masungit. She looks really intimidating too, even in the pictures.

Marinig pa nga lang nilang sabihin ko ang salitang "Mama" ay nanginginig na sila. Tapos itong si Mark, siya pa talaga ang nagprisinta na makilala ang Mama ko.

"Okay lang naman 'di ba?"

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon