Chapter 30

11.6K 133 17
                                    

"Kawawa naman pala si Chrishelle kung ganoon."

Narinig ko pa ang saya sa tinig ni Clarisse, mukhang natutuwa pa siya sa narinig niyang mga rebelasyon mula kay Nathan.

Hindi ko na mapigilan itong nararamdaman ko kaya nilakasan ko na ang loob ko at hinarap silang dalawa, natigilan si Nathan at napaharap naman si Clarisse sa akin. She had a huge  annoying smile drawn across her face.

   "Nathan, what is this bullshit?" napapaos na tanong ko. My heart is aching and my vision was becoming blurry.

"Mira..."

       "Hindi mo ba narinig? Pinapaikot ka lang ni Mark kasi gusto ka niyang mawala sa school! Hindi ka talaga niya mahal!"

"Clarisse." Inawat siya ni Nathan.

Umiling ako at pinilit ang sarili na ngumiti. 

 "Puwede bang tigilan niyo na kami? Tanggapin niyo nalang na nagmamahalan kami!" I begged. 

   "Please? Nathan, sabihin mong hindi totoo lahat nu'ng narinig ko please?" Kulang na nga lang ay lumuhod pa ako sa harapan nila. Kasi nagbabakasakali ako na plano na naman nilang dalawa ito para sirain kami ni Mark.

Maraming dumaraan na tao ang napatingin sa banda namin and their judging eyes darted at me. Maybe I looked desperate pero masyado akong nasasaktaktan at naguguluhan ngayon para ikahiya pa ang sarili ko.

     "Totoo lahat 'yon, Miracle." Mahinahon niyang sagot.

"Tanggapin mo nalang kasi ang totoo!" Para akong sinampal dahil sa tinuran na iyon ni Clarisse.

Dali-dali ko silang nilagpasan at diretso ang lakad papunta sa exit, tinawag pa ako ni Nathan at hinabol pero hindi ko na siya pinansin. Napasinghap ako nang nakita ko na ang naghihintay na si Mark, malawak ang ngiti niya at kumaway pa sa akin.

      "Mark totoo ba?" Tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Basag na ang boses ko dahil pinipigilan ko nalang ang umiyak.

I want hear him out, I want him to tell me na hindi totoo ang lahat ng sinasabi ni Nathan kay Clarisse. Please, Mark... don't break my trust.

Napatitig siya sa may likuran ko kung nasaan si Nathan at Clarisse, napailing siya at nagtiim ang mga panga niya. Kumuyom ang kaniyang mga kamao at mukhang handa na siyang sugurin si Nathan pero ihinarang ko ang sarili ko.

     "Narinig niya lahat..." si Nathan.

"Mark, please sabihin mo na hindi totoo 'yun? 'Di ba hindi naman totoo 'yun?" My voice broke.

   Nagbaling siya ng tingin sa akin at pumatak ang luha sa kaniyang pisngi.

"Miracle, I'm sorry..."

Lumuhod si Mark sa harapan ko, bahagya akong napaatras. Napakagat nalang ako sa aking labi at paulit-ulit na umiling habang pinipigilan pa rin ang luha. Para ako sinasakal ngayon dahil sa sikip ng dibdib ko.

     "T-Totoo ba?"

           "Hayaan mo akong magpaliwanag, Miracle."

"Mark, sagutin mo 'yung tanong ko!" Isinigaw ko iyon at halos magasgas na ang lalamunan ko dahil sa lakas noon, at sa pagkakataong ito ay tumango na si Mark. Nagtuloy-tuloy na ang pagkawala ng mga luha ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

 Hindi, hindi ko kaya.

    "Mark minahal kita, ayon pala niloloko mo lang ako? Gusto mo lang palang gumanti?! Kaya pala pinili mo ako? Kaya pala sinasabi mo sa'kin na mahal mo ko kahit naramdaman ko na noon na hindi 'yon totoo!"

I was so stupid! Alam ko na e! Naramdaman ko nang hindi ako 'yung totoong mahal niya pero anong ginawa ko? Nagpaloko pa rin ako sa kaniya at nagpadala sa matatamis niyang mga pangako! Dapat noong una pa lang ay umiwas na ako, dapat hindi ko na pinilit linawin kung ano man ang meron kami. Ang tanga-tanga ko!

  "Ano masaya ka na bang nakaganti ka? Masaya ka na nakiki-kita akong umiiyak? Masaya ka na kasi napahiya mo ko? Ano pang kailangan mo putangina?!" garagal na ang tinig ko.

Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit pero pilit akong kumawala doon at pinaghahampas ang dibdib niya. Nang makalaya ako sakaniya at lumabas kaagad ako sa mall at tumawid sa highway, not looking back. 

He betrayed me, I was once again betrayed by the person whom I trusted the most.

I can hear him calling my name pero dire-diretso lang ako sa pagtawid. Tumigil lang ang pagtawag niya sa akin noong may marinig akong isang malakas na pagsalpok, napatili ang mga tao sa malapit kaya napalingon na ako.

Doon ko nakita si Mark na nakahandusay na sa kalsada na puno ng dugo and katawan. Mark was hit by a van and he was immediately unconscious. Sobrang ingay ng paligid, natataranta ang lahat at sabay-sabay ang tunog ng mga sasakyan at mga busina nito.

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at nawala ang lahat ng ingay sa paligid, ang nakikita ko lang ay ang walang malay na katawan ni Mark. Napaluhod ako at humawak sa aking dibdib. Gusto kong lumapit doon pero nawalan na ako ng lakas, hindi na ako makakilos at hindi ko na rin alam pa ang gagawin ko.

    Nakatulala lamang ako hanggang sa marating namin ang hospital, hinatid ako ni Nathan rito kasunod ang ambulansya kung saan naroon si Mark at Clarisse. Pagpasok ko sa loob ay sinampal kaagad ako ni Clarisse, sasabunutan pa niya sana ang buhok ko kung hindi lang siya pinigilan ni Nathan.

 Kung tutuusin naman ay wala na kong pakialam kahit anong gawin niyang pananakit sa akin. I just feel empty and shocked, hindi ko alam kung ano bang dapat reaksyon ng katawan ko ngayon.

   "Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo kung bakit nag-aagaw buhay ngayon si Mark!"

Kasalanan ko? Hindi ba't ako ang pinaikot ni Mark? Paano ko naging kasalan kung nasaktan lang rin naman ako at hindi ko naman ginusto na mangyari 'to sa kaniya?

     "Anong nangyari sa kapatid mo?! Bakit mo siya pinabayaan?" bungad ng ama ni Mark at kinuwelyuhan si Nathan. Pero dali-dali naman itong sumilip sa emergency room kung nasaan si Mark. Napahilamos siya sa kaniyang mga palad at sandaling napatingin sa akin, namumula ang mga mata nito at bakas ang pag-aalala doon.

Nadala na sa presinto ang nakabangga kay Mark at iniimbestigahan na ito ng mga pulisya. Ilang oras na ang dumaan pero hanggang ngayon ay wala pa ring update tungkol sa lagay ni Mark. Narito kami ngayon nila Tito labas ng emergency room niya, hindi siya makausap at nanatili lang rin na tahimik. Si Nathan naman ay nakagitna sa amin, habang si Clarisse ay pinauwi muna para makapagpahinga dahil kanina pa ito humahagulgol.

     Pagkatapos ng ilan pang minuto ay lumabas na ang doktor at kinausap si Tito, ipinaliwanag niya na malala ang tama ni Mark sa ulo at mukhang matatagalan pa bago ito maka-recover at magising. Mark is in a coma right now at puwedeng ilang buwan pa ang abutin bago siya magising, puwede rin daw na hindi na 'yon mangyari.

      "A prayer could really help right now... tatagan niyo po ang loob niyo dahil lumalaban siya." sabi pa ng doktor.

    Nang payagan kaming pumasok sa private room ay pinagsuot kami ng visitor gown at mask, doon bumungad sa akin ang tunog ng mga aparato na nakakabit sa walang malay na si Mark. He had a bandage on his head and a cast on his neck. Naluluha akong makita siya sa ganitong kalagayan... malayong-malayo sa kilala kong makulit na Mark Dan Reyes.

   "Gumising ka para sa akin, Mark... gumising ka para pagbayaran mo lahat ng ginawa mo sa aking panloloko. Gumising ka, Please?"

Oo nga't galit ako sa kaniya, pero hindi ko maipagkakaila sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Gusto kong mabuhay siya, kahit hindi na kami hanggang dulo basta buhay siya ay ayos na.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon