Chapter 8

11.8K 142 5
                                    

Sobrang higpit ng pagkakayakap ni Clarisse kay Mark, akala mo'y hindi sila nagkita sa loob ng ilang taon samantalang magkasama lang naman sila kahapon. Tsaka lang siya tumigil noong tumikhim na ako.

   “I know him, Sam!” Clarisse said almost as joyful like kid na nabigyan ng magandang laruan. “He's my best friend!”

“Talaga?” 'di makapaniwalang tanong naman nito.

     “Yeah, we're super close! He even confessed that he likes me.”

“He likes you?”

“Mark wanted to date me but we both have partners at that time,” pagpapaliwanag pa ni Clarisse.

Sinabi talaga iyon ni Mark sa kaniya? Kung gano'n, ano pala ang ginagawa nitong pag-aalala kuno? Is this all just for show?

Nag-iinit ang ulo ko.

I suddenly feet an urge to hurt someone again. Good thing narito kami ngayon at may nurse na nakaantabay. Should I start now?

  “Matagal na 'yon,” biglang sabi ni Mark. Magkasalubong ang kilay niya na tumitig sa akin.

Inirapan ko naman siya then I looked at Clarisse. Napansin ko na nawala ng sandali ang ngiti niya pero bumalik naman kaagad iyon.

    “Yeah, that was before. Before he met you, Miracle.”

Teka bakit parang kasalanan ko?

It kinda felt awkward dahil wala ng nagsalita sa amin pagkatapos noon. Tumabi nalang rin si Lovie sa akin at pasimpleng hinagod ang likod ko. Maybe she thought na susugurin ko ang Clarisse na 'yan in any minute now.

Minutes passed ay nagpaalam na rin sila para pumasok sa susunod na klase. Hindi na ako nakaattend sa mga 'yon dahil nagpahinga nalang ako rito. Nagbasa-bsa nalang ako ng ilang magazines at umidlip sandali.

Pabor din naman sa akin kasi ang pangit magturo noong teacher namin sa Empowerment Technology. But it's getting boring na kasi two hours na ang ginugol ko dito. Pagkatapos natutulog pa iyong nurse doon sa may desk niya kaya wala rin akong makausap.

Umalis ako sa kama at dahan-dahang humakbang papunta sa may pintuan, hawak ko na ang door knob at bubuksan na sana itong pinto pero biglang narinig ko ang boses ni Clarrise at Mark.

  “Clarisse huwag ka ngang sumigaw, baka marinig ka ni Miracle!”

  “Totoo naman 'yon ah? Sinabi mong mahal mo ako! Bakit ka nagagalit na parang nagsisinungaling ako?”

Idinikit ko ang tainga ko sa likod ng pinto upang mas marinig pa ang pinagtatalunan nilang dalawa.

      “Oo, mahal nga kita!” mahinahong sabi ni Mark.

Nagsalubong ang kilay ko at napamura sa hangin. I fucking knew it! Hindi lang pala talaga ako nagpapaka-paranoid rito, kasi totoong may namamagitan sa dalawang 'to.

“See!”

    “Mahal kita bilang kaibigan, Clarisse. Kaya please, tigilan mo ang pagsasabi ng kung anu-ano sa harapan ni Miracle dahil ayokong pag-awayan pa namin 'yon.”

My heart melted upon hearing those words coming from Mark. Hindi ko napigilang mapangiti ng mag-isa habang nakalapat pa rin ang tainga dito sa likod ng pinto. Fuck, mukha na siguro akong baliw dito!

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon