Chapter 31

28.1K 267 11
                                    

   "I love you Xian!"

"We love you Zone Zero!"

          "Niccolo ang galing mong pumalo!" rinig kong sigaw ng isang babae sa video na pinanonood ko rito sa phone. It was sent by Lovie, matagal na ito pero ngayon ko lang pinanood.


 Tinanggal ko ang earphones ko bago pa makumpleto ang pangalan ng bawat miyembro ng bandang 'to. I feel uneasy already by just hearing the name at mukhang hindi magandang ideya na marinig ko iyon, lalo pa ngayon at may jetlag ako.

    "Shit... I'm really back," bulong ko sa sarili habang nililibot ang mata sa busy at malawak na airport. 

I had goosebumps.

It has been seven years since I returned to the Philippines. Sa States ko na kasi ipinagpatuloy ang pag-aaral ko ng kolehiyo at doon na rin nagtrabaho ng dalawang taon bilang manager ng isang papasikat na sanang recording artist, kaso lang nasangkot ang isang iyon sa isang drug scandal at nakulong.

Kaya heto, napagpasyahan ko nalang bumalik sa Pilipinas. Baka kasi wala doon ang suwerte ko at narito talaga?

Teka nga... Sino bang niloloko ko? Anong suwerte dito? Eh, puro kamalasan nga ang nangyari sa akin dito at partida ay highschool pa lang ako no'n.

Humalukipkip ako habang naghihintay sa luggage ko dito sa conveyor, kukuhanin ko na sana 'yong kulay pula kong maleta ngunit may babaeng nauna sa akin.

"Excuse me," aniya pa.

  "Uhm Miss... I think you're mistaken, that luggage is mine." I smiled at her politely.

Bata pa ang isang ito at mukhang nasa mid 20's lang rin. She had a long straight hair at medyo chinita katulad ko, medyo magkasing-tangkad rin kami.

     "Ay akin 'to, may name tag-" she insisted.

"Yeah! It has a name tag that says my name, Chrishelle Alvarez..." Tinuro ko 'yong isang maleta na katulad ng disenyo nitong sa akin. "Maybe that one is yours." 

Napahawak siya sa batok at paulit-ulit na nanghingi ng sorry sa akin.

   "Sorry talaga, Miss! Akala ko kasi talaga akin, nagmamadali na rin kasi ako nag-aabang na 'yung boyfriend ko!"

"It's okay, I understand."

     "Three months na kasi kaming hindi nagkita kaya excited na ako."

Tumango-tango ako habang sabay kaming naglalakad palabas dito sa airport.

   "Oh my gosh! Sorry, oversharing na naman ako!"

Imbes na mainis ay natutuwa pa ako sa pagkukuwento niya. It's because I felt that I'm really back again. Nakakatuwa ang pagka-friendly ng mga kababayan ko, she reminds me of Lovie. Kamusta na kaya ang isang iyon? Ganito pa rin kaya kadaldal? Sila Sam and Margaux kaya?

  "It's alright, nice to meet you." Tumango ako.

"I'm Katrina, but my friends call me Trina. Nice to meet you too! Sorry sa confusion kanina!" Nilahad niya ang kamay niya.

        "Chrishelle."

We shook hands and I felt something strange but it was immediately set aside when Lovie called me.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon