Chapter 39

10.8K 126 7
                                    

Pagkatapos ko silang mapatawad noong isang linggo ay naging sunud-sunod na ang paglabas namin ni Sabrina. We'd go to different cafes and talk. Marami-rami rin kaming napag-usapan at na i-kwento sa isa't-isa, ilang taon ba naman kaming walang pansinan, e.

Napabuntong hininga siya at biglang nawala ang ngiti, “I really regret leaving you.”

    “Matagal na 'yon, tsaka naiintindihan ko kasi mga bata pa naman tayo noon.” Inipit ko ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya at pinatingala siya sa akin.

“Kahit na, kapatid kita. Hindi dapat ako nagalit sa'yo kasi tinanggap mo ako–“

    “I know that you acted that way because of anger.” I gave her a gentle smile.

Hindi pa rin siya makatingin nang diretso sa akin. Kinagat niya ang labi niya at umiling, “I'm really sorry, Chrishelle.”

“Palagi ka na lang ganiyan sa tuwing magkikita tayo. Pinapatawad na nga kita. Gusto mo yatang magalit ako ulit?” I joked.

     Nilibot ko ang paningin ko sa buong cafe. Ito rin 'yung cafe kung saan kami nag-meet nila Daddy, pero mas kaunti ang tao ngayon kumpara noon dahil siguro weekdays ngayon. Sa pagsuri ko sa paligid ay biglang namilog ang mga mata ko dahil biglang pumasok sa pinto si Clarisse.

Tumingin siya sa relos niya at naglibot rin nang tingin, nagtama ang mga titig namin. I frowned at her and then I saw her swallow. Natigilan siya doon sa kinatatayuan niya sa harap ng pinto kaya nadanggi siya ng isang customer.

     “May problema ba?” Nilingon ni Sabrina ang kung saang direksyon nakalapat ang mata ko. “Gusto mo umalis na tayo dito?”

Tumango ako at sabay kaming tumayo, handa na sana kaming umalis ngunit ihinarang ni Clarisse ang sarili niya sa daraanan namin. Napasinghap ako at napairap.

     “Chrishelle,  can we talk?” aniya.

“No.”

     “Please? I think you deserves to know the truth.”

“Mommy!”

Lalong nagsalubong ang kilay ko nang biglang may lumapit na bata sa amin at humawak sa kamay niya. Sa tantiya ko'y limang taong gulang lamang iyon. My teeth clenched then looked at Clarisse again. Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo akong nainis sa kaniya.

     “Mariz doon ka muna kay tita, may kakausapin lang si Mommy.”

“Pero Mommy!”

        “Sige na baby, darating na rin naman si Daddy.”

Sa huli ay pumayag na rin 'yong bata.

“Please, Chrishelle.”

Hindi ko siya pinansin at nilampasan lamang pero hinawakan niya ako sa braso. “Kahit saglit lang.”

“Pagbigyan mo na siya,” ani Sabrina.

I clenched my teeth again, then looked at her sharply. “Fine, bilisan mo.”
     
Napili namin nag mag-usap na lamang sa parking lot. Nauna si Sabrina sa loob ng sasakyan niya at naiwan kami ni Clarisse sa labas nito.

    Nagbuntong hininga si Clarisse at nagpasalamat dahil pumayag akong kausapin siya.

“Ano ba kasi 'yon?” What the fuck is this all this about?

       “This is about Mark.”

“Oh, then I don't care”

   “Hindi ka talaga niya niloko.”

Naikom ko ang mga kamao ko at umapaw na naman ang galit sa puso ko dahil naalala ko ulit ang araw na iyon.

     “Clarisse, sinadya niyang mahulog ako sa kaniya para paalisin ako sa school kapalit ng pagbalik niya sa banda na 'yon! He fucking manipulated me into thinking that he also loves me! Sa inyo na nga mismo ni Nathan nanggaling 'yon 'di ba?Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na hindi niya ako niloko? Ano ka diyos?”

     “Noong una totoong kalokohan lang ang lahat, pero umamin siya sa akin noon na mahal ka na talaga niya. Umalis siya sa banda at balak pang umalis rin sa brotherhood noon para sa'yo. Hindi ko 'yon matanggap noon, galit na galit ako kaya sinubukan namin na sirain ang relasyon niyo.”

I don't know what to react. I feel like there's something stuck in my throat.

   “Akala ko kasi kapag nagkahiwalay kayo ay magiging akin na ulit ang atensyon niya. Pagkatapos nong aksidente ay inalagaan ko siya, pero nang magising siya ay wala siyang pakialam sa akin. May hinahanap raw ang puso niya at hindi niya maramdaman sa akin 'yon.”

So she's saying that Nathaniel knew about this? Isa pa palang gago ang isang 'yon? Tangina, I don't know what to believe anymore because all of them are fucking liars!

     “Bakit ngayon mo lang sinasabi lahat 'yan? May plano na naman ba kayo ha?” I was furious.

“Gusto ko lang sabihin 'to dahil ayaw kong balikan ng karma ang anak ko sa future. Napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa inyo. And you don't deserve that, lalo ka na.”

   Hindi ako sumagot. I don't think I'm ready to forgive her just because she told me those things. Hindi no'n mababawi ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon katulad ng kila Daddy at Sabrina na pwede pa naming ayusin.

Sumakay ako sasakyan at sinabi kay Sabrina na umalis na kami doon, hindi na rin naman siya nagtanong. I was feeling numb. Sumilip ako sa bintana at pilit na binabalikan ang mga sinabi ni Clarisse.

    Nakalabas na sa parking ang sasakyan ni Sabrina nang biglang natigilan, mukhang may napansin siya kaya lumingon rin ako doon.

     “Mark.” Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.  Bigla kong naalala 'yong anak ni Clarisse 'yong sinabi niya sa bata na paratingna rin naman ang Daddy nito.

Pinaharurot ni Sabrina ang sasakyan palayo doon, tumigil siya sa isang tabi at tumingin sa akin.

    “Ayos ka lang?”

Napalabi ako at umiling,  unti-unti na rin na nag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa panggigilid ng luha. “Hindi.”

Hindi ko na kayang magpanggap na ayos lang ako. The truth is I still haven't move on from him and from everything. Lalo lang bumabalik ang lahat ng iyon kapag nakikita ko siya.

   Naramdaman ko ang paghaplos ni Sabrina sa likod ko habang patuloy ako sa paghagulgol. It felt so relieving, mas masarap talaga sa pakiramdam kapag hindi pinipigilan ang luha at hinayaan lang.

Habang nagda-drama ako ay biglang tumunog ang phone ko. Si Mark 'yong tumatawag kaya sinagot ko iyon,  handa ko na sana siyang murahin pero nauna siyang magsalita sa akin.

  “Nasaan ka? Bakit wala ka rito sa cafe? Damn, Is this locator innacurate?” Galit ang tono niya na parang ako pa ang may kasalanan.

“You're following me?! At bakit? ”

      “Dahil hindi ka nagpapakita sa akin, manager kita dapat inaalagaan mo ako.”

Napasinghap ako, dahil sa kakapalan ng mukha ng isang ito.

“Well I quit.” I ended the call bago pa siya makapagreklamo ulit. I've decided, babalik na lang ako sa US.

“Si Mark ba 'yon?”

      “Oo.”

“Anong sinabi niya? Nakita niya ba tayo doon?”

     “Alam mo Sabrina, kahambugan lang naman ang nanggagaling sa bunganga ng isang 'yon.”

“Hindi ka pa rin nagbabago.” Nakangiti siyang nagmamaneho habang umiiling.

    I raised my brow, “What do you mean?”

“You're still a hater, ganiyan na ganiyan ka rin noon sa banda nila.”

     Oonga 'no? Inis na inis na ako sa kanila noon, lalo na kay Mark. It's funny because nahulog pa rin ako sa patibong niya.

The Playboy's ContractWo Geschichten leben. Entdecke jetzt