Chapter 2

23.3K 226 6
                                    

Kasama ko ang mga kaibigan ko rito sa field ng ONU. Nakaupo kami rito sa bench sa ilalim ng isang malaking puno. Nakaharap ito sa pathway na papasok sa building ng senior high school. Malawak na eskwelahan itong Old Nation University at maraming buildings, kumpleto rin sa facilities kaya may kamahalan ang tuition fee.

Suot ko ulit ang earphones ko, because I prefer listening to music than talking to these three na walang ginawa kundi magtanong ng tungkol kay Mark Daniel at sa banda niya.

Sina Margaux, Sammie at Lovie ay ibang-iba kay Sabrina. Kasi buti pa si Sab, hindi ganito kasipsip. That Beast is my only true friend, and sister. Asan na nga kaya 'yon ngayon?

Tumayo ako at sumunod naman 'yong tatlo, humilera sila sa gilid at pinaggitnaan kami ni Margaux. Lahat ng makakasalubong namin ay kusang tumatabi. I don't know why though? Hindi naman kami mean girls!

   “Hey! Let go off me!” pagpupumiglas ko.

Hinila na naman kasi ako ng lalaking ito sa braso palayo sa mga kaibigan ko. Maraming napatingin sa amin na estudyante at pagkatapos may nabulungan pa. Nakakahiya dahil parang kinakaladkad lang ako nito. The nerve!

Tinanggal ko ang earphones ko at lumingon-lingon sa pinagdalhan niya sa akin. Narito kami sa likod ng building na wala masyadong students, puro basura lang at may mga graffiti pa sa dirty and flaky na dingding. Dito pa talaga niya napili? Ang dugyot!

     “Ano na naman ba Mister Black E–”

“Tumigil ka na nga!” Pagalit na sabi niya.

He pinned me against the wall tapos tinampal niya ng malakas 'yong palad niya sa dingding. Napapikit ako ng kaunti dahil doon, because I thought that he's going to hit me.

“Miss...” Namumula na ang mukha niya. Parang napapaso na ako sa mga tingin niya kahit may suot siyang shades.

   “I-I'm not doing anything!” I pushed him tapos tinuhod ko ang pag-aari niya.

“Ahh!!”

Dali-dali akong umalis doon at iniwan siyang iniinda ang sakit. I never looked back. Tatawa-tawa pa akong naglakad sa hallway.

     “Beast!” I shouted when I saw her.

Wala akong pakialam kung lalo pang mapatingin sa akin ang lahat. Pakialam ko ba? Mag-isa lang ang best friend ko doon sa may mga locker at may inaayos ito. Lumapit naman kaagad ako sa kaniya at niyakap siya while a smile was plastered in my face.

   “Why are you absent yesterday?” I asked.

Sinarado niya ang kaniyang locker bago bumaling sa akin. Nanginginig niyang inayos ang makapal niyang salamin at napalabi.

    “Bakit hindi mo sinabi sa akin, Chrishelle?”

Nangunot ang noo ko dahil sa ikinikilos niya. “What are you talking about?”

“Sana sinabi mo na gusto mo si Mark.” she sounded like she's in the verge of crying and that hurt me. I don't really want to see anyone crying, especially if that person is dear to me. Masyadong malambot ang puso ko para sa mga ganito.

        “No, Beast.” How can I explain?

“Pinahiya ako ng mga ka banda niya Issa! Binigyan ko si Mark ng love letter at umamin ako doon. Pagkatapos tsaka nila ako pinagtawanan at sinabing magpaganda raw muna ako katulad mo.”

   “Ginawa nila 'yon?” Unti-unti ng nag-init ang dugo ko.

“Isinigaw nila sa buong field na mukha mo raw akong alalay! Mukha akong alalay ng bestfriend kong dyosa!”

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon