Chapter 45

14.9K 217 33
                                    

“Hindi ko kaya,” aniya.

Tumawa ako ng labas sa ilong at nginitian siya na puno ng sarkasmo. “Ayos lang, hindi ka naman kasi talaga marunong tumupad sa mga pangako mo.”

      “Sorry.”

“Next time kasi, don't make promises kung hindi mo kayang tuparin.” Humalukipkip ako at umirap kahit hindi niya naman kita 'yon dahil sa suot kong shades.

     “Gusto ko lang naman sanang itanong kung wala na ba talagang pag-asa–”

“Paulit-ulit nalang ba tayo, Mark? We're just going on circles. Alam na naman nating dalawa ang sagot diyan 'di ba?We're just going to hurt each other kung ipipilit pa natin.”

At kung totoo man na pinili niya ako noon ay nakaraan na 'yon. I think it's easier for both of us to just stay away from each other. Kahit nga tadhana ay parang tutol pa sa aming dalawa.

Ano namang magagawa ng pagmamahal namin sa isa't-isa kung puro problema at pagsubok lang rin naman ang darating sa amin?

       “'Di ba mas mapapadali sa ating dalawa kung titigil na tayo? Hindi ko na maaalala 'yong sakit ng ginawa mo sa akin, tapos ikaw 'di mo na rin kailangang alalahanin pa lahat. Huwag na tayong magpaka-kumplikado pa.”

Noong araw na iyon ay iniwasan ko na siya pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iyon, nagkulong ako sa kwarto at nagkusa na lamang siyang umalis. Nagpaalam pa siya noon pero hindi ko siya pinagbuksan ng pinto, tsaka ko lang binuksan iyon nang masigurado kong umalis na talaga siya.

Ngayon ay bumalik na ako sa city upang ayusin ang mga natitirang commitments ko sa trabaho. Sinubukan ko ring buksan ang social media accounts ko at nakakagulat dahil may mga nangbabash pa rin pala sa akin at sinisisi ako sa pag-quit ni Mark.

I didn't fucking ask him to choose between me and his career, he did that on his own will. Wala akong magagawa kung ayaw niya na talagang ipagpatuloy pa iyon. Nakakainis talaga! Kaya naman imbes na pumatol pa ako ay nag-deactivate nalang ulit ako, mgwa wala rin namang kwenta 'yon.

      “Let's go na?”

Tumango ako at sumakay sa sasakyan niya. Si Lovie ang kasama ko at ngayon lang ulit kami nagkita matapos mangyari 'yong issue. Hinintay niya ako kanina sa labas ng agency at nag-usap kami sa isang cafe.

Sinabi naman niya na naiintindihan niya at hindi niya na ipipilit pa 'yong collab na gusto niya. Makakamit rin naman ni Xian 'yong fame ang recognition kung talento lang rin ang pag-uusapan. He wouldn't be a part of Silent Zone Zero before for nothing.

Oo, inaamin ko na ngayon na hindi lang naman talaga puro pa-pogi ang banda na iyon. Talented talaga sila at magaganda ang mga original songs nila, nakikipagsabayan iyon sa mga iilan cover songs nila.

   “Uh, may lakad ka ba mamaya?” Tanong nito habang nagmamaneho.

“Wala naman, bakit?”

Nakatitig lamang ako sa kaniya habang naka-focus ang mga mata niya sa kalsada. Napangiti ako. I am really thankful dahil sobrang swerte ko kasi naging kaibigan ko si Lovie. Imagine? High school pa lang kami ay nandiyan na siya palagi para sa akin.

  “Magpapasama sana ako mamaya, maliit na get together lang.” Nauutal-utal siya sa pagsasalita at parang may iba sa kaniya kanina pa pero hindi ko nalang pinansin 'yon.

Baka kasi may problema lang siya at hindi pa siya handang i-kwento 'yon.

   “Sige lang.”

Gabi na noong niyaya ulit ako ni Lovie para magpasama. Sabi niya'y casual lang naman na get together 'yon kaya nagsuot na lamang ako ng isang puting t-shirt at fitted na faded ripped jeans.

      “U-Uhm, tara na ba?”

I smiled at her, hindi ko nalang ulit pinansin ang ka-eirdohan niya dahil hindi pa rin naman siya nag-open up o nag-rant.

Kinunutan ko siya ng noo nang mapansin ko na ang dinaraanan niyang ruta ay pamilyar. Papunta ito sa School namin dati noong high school na Old Nation University.

      “Sa ONU ba ang get together?” I asked.

She just nodded.

Hindi pa kami nakakalapit ay tanaw ko na ang malaking arko na may silver na pangalan ng eskwelahan sa taas. Diyan ako madalas naghihintay noon sa sundo ko tuwing uwian, d'yan sa tapat ng malaki kulay krema na gate na 'yan.

     “It's a bit nostalgic.” Ang dami ko ring alaala rito, halos buong teenage years ko kasi ay diyan ko ginugol sa eskwelahan na 'yan.

Itinigil ni Lovie ang sasakyan niya sa tapat mismo ng gate at doon ko nakita na nag-aabang pala si Sabrina sa akin, kasama niya rin sina Sam at Margaux.

     “Beast!” ani Sabrina.

“Chrishelle!” si Sam at Margaux na malawak ang ngiti.

Natawa ako ng bahagya at nilingon si Lovie na kabababa lang rin ng sasakyan tulad ko. Did she plan this? Ito ba ang maliit na get together na sinasabi niya?

    “Anong pakulo 'to, Lovie?”

Ngumiti siya, “Hindi ako.”

      “Nako tara na nga, magsisimula na 'yong concert doon sa gymnasium!” Hinawakan ni Sabrina ang kamay ko at nagmamadaling hinila patungo sa loob ng school.

“Teka, anong concert?”

Hindi nila pinansin ang tanong ko, sige lang sila sa pagkaladkad sa akin kaya napamasid nalang ako sa paligid. Halos walang pinagbago 'yong field dito, pati 'yong hallway at lockers ay mukhang na maintain talaga.

Para tuloy kaming bumalik sa nakaraan dahil may mga estudyante rin dito na halos kapareha pa rin ng uniporme namin noon.

    “Magsisimula na nga!”

Pagdating namin sa Gymnasium ay sinalubong kami ng ingay at ng mga tilian ng babaeng estudyante, nakakasilaw rin ang malilikot na ilaw na nakatutok sa stage na sinasabayan ng instrumental.

       “Xian!” Tili ni Lovie.

“We love you Zone Zero!” si Sabrina naman iyon.

Kusang nahati ang crowd at pinadaan kaming magkakaibigan, parang sinadya nilang lahat na mapunta kami sa pinakaharapan ng stage. Pagdating namin sa puwesto na iyon ay biglang tumugtog na ang isang mabagal na musika, tumigil ang pagsasayaw ng mga ilaw at pumirmi sa isang puwesto.

Then I heared his voice, he slowly walked on the center of the stage while singing the song “I'd rather”.

Our eyes exactly met when he got to sing the part that said, “I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself.”

Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin, nanginginig ang mga kamay ko habang naririnig ko ang patuloy na pagkanta niya.

      “U-Uwi na ako, uuwi na ako Sab, Lovie tara na.” Natatarantang sabi ko sa mga kaibigan ko, nanggigilid na ang luha sa mga mata ko pero pilit ko 'yong pinipigilan.

Bakas ang gulat sa mga mukha nila pero hindi na rin naman nila ako pinigilan noong ako na mismo ang gumawa ng paraan para makaalpas sa crowd. I pushed everyone makadaan lang ako, wala na akong pakialam kung makasakit na ako.

Natigil ang pagkanta ni Mark at nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng kung ano, sinundan iyon ng nakakarinding at matinis na tunog ng pag-static ng microphone. Napalingon ako roon at nakita ko kung paano siya walang pag-aatubili na iniwanan ang pagkanta niya masundan lang ako.

      “Miracle,” hinawakan niya kaagad ang braso ko nang maabutan niya ako.

He then pulled me in and leaned into a kiss. Hinalikan niya ako sa gitna ng malaking crowd ng audience at narinig ko kung paano napasinghap at napatili ang iba dahil sa ginawa niya.

      “Please, give me another chance?” he pleaded after the kiss.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon