Chapter 34

10.8K 144 22
                                    

"Oonga 'no? Mas type ko rin ang ganda mo kaysa kay Katrina." Tumatangong sabi nitong babaeng empleyado ni Ryan.

Nakahalukipkip ang mga kamay niya at pinagmamasdan sina Katrina sa kabilang side nitong recording studio. Nakalimutan yata nilang salamin na clear lang ang harang dito.

Lumapit ako doon sa lalaking nag-mimix ng audio, nakakamangha kasi kita iyon sa monitor. Pero hindi ko mapigilang mapatingin sa couple na naglalampungan, she looks so happy doing things for Mark.

Inaasikaso ni Katrina si Mark ngayon, pinupunasan ng pawis at inaayusan ng buhok. May dala pa nga siyang ulam kanina, pero mukhang 'di naman masarap 'yon.

I scoffed because of my funny– or should I say mean thoughts?

"Ang sweet ng girlfriend ni Arkin," sabi nitong lalaki at natigil na rin sa ginagawa para panoorin 'yung dalawa.

Hindi ko maalala kung nagawa ko ba kay Mark 'yan noong highschool kami. I remember that I used to bake cookies for him... Teka nga? Why am I reminiscing?

It's not that I miss our moments! Sinaktan ako ng lalaking 'yan at ni wala akong narinig na "sorry" galing sa kaniya.

Tapos ngayon hindi niya ako maalala, he don't even remember that we used to go to the same school.

Bakit ang suwerte naman yata ng lalaking ito at nakatakas pa siya sa konsensiya dahil hindi niya maalala ang mga atraso niya sa akin? Natulungan pa yata siya ng selective amnesia niyang putangina siya.

'Yung mga sunud-sunod na pananakit pala sa akin ng mga "fangirls" niya noong high school, lahat 'yon ay arranged by their brotherhood para mapaalis ako sa eskwelahan. They basically bullied me. Hindi ko pa malalaman kung hindi sinabi sa akin ni Nathan lahat.

I was so heart broken, my trust was shattered. Fuck them.

"Ang landi nga," ani ko at tinaasan ng kilay itong lalaki nang mapatingin siya sa akin.

"Bakit ang bitter mo?" He flashed a playful smirk and I knew exactly what he was trying to do.

"How'd you know? Hindi mo pa naman ako natitikman." I flirted back.

Kumislap ang mga mata nito at lalong lumawak ang mga ngiti sa labi.

"At hindi rin naman kita hahayaang matikman ako," I added at nawala ang ngiti sa labi niya.

Alam na alam ko na ang hilatsa ng mga lalaking 'to, sanay na sanay na ako. May mga mas matitindi pa nga diyan noong nsa States pa ako.

"Hooh! Ang inet ha?" Sabat noong emplayada ni Ryan.

I faked my laugh then excused myself. Lumabas muna ako sa studio because I kinda feel suffocated in that room, lumapit ako roon sa vending machine at pinili ang bubble gum.

"Uhm... Hey."

Umayos ako ng tayo nang makuha ko na 'yung gum, pagkatapos hinarap ko na kaagad si Mark.

"Oh, tapos na ba kayo?" Tinanaw ko ang pinto ng studio sa likod niya bago tumitig sa kaniya, casually.

He tilted his head and furrowed his brows, "O-Oo, paano mo nalaman?"

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon