Chapter 3

14.7K 178 8
                                    

I enjoyed being with him.

    “Goodnight, I had a great time.”

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Hindi siya natakot na maabutan kami ni Mama, willing pa raw siya magpakilala kung gugustuhin ko na. And that was a major turn on because I like brave guys. Iyong mga tipo ng lalaki na kaya akong ipaglaban.

Sayang nga lang at gusto siya ni Sabrina, kaya kailangan ko ng pigilan ang sarili ko wala pa man akong nararamdaman. Mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin ni Sabrina, kumpara sa iba.

I will apologize to Beast at kung kailangan kong lumayo kay Mark gagawin ko para lang hindi masira ang friendship namin. Isa pa'y casual date lang naman ang ginawa namin kanina, it's nothing romantic.

The next morning, nakita ko kaagad si Sabrina. She looked different because she's not wearing her thick eye glasses na halos sumakop na sa buong mukha niya. She wasn't wearing her usual outfit too. Note, the turtle neck and the pang manang na palda.

Nakasuot siya ngayon ng napakaikling kulay black na skirt at off the shoulder na kulay itim rin. Dahil doon ay litaw na litaw ang kaniyang makinis at maputing balat. Narinig ko pa nga ang ibang nagtatanong kung transferee daw ba ito.

      "B-Beast."

Napalingon siya sa akin ngunit nilagpasan niya ako, hindi man lang siya ngumiti o kung ano. Sinundan ko siya dahil gusto talaga siyang makausap ngayon. I miss my friend and my sister.

   "Baby!"

Napapikit ako nang marinig ang boses na iyon, maging si Sabrina ay napatingin na rin dito sa direksyon ko. Sakto naman na nakalapit na sa akin si Mark at niyakap ako. Nalukot ang mukha ni Sabrina at tumakbo siya palayo sa amin.

   "Bitawan mo ako!" Inis na sabi ko sa kay Mark at pilit na kumakawala sa pagkakayakap niya.

"Ayos na tayo 'di ba?"

        "Shut up!"

Nung nakawala na ako sa kaniya ay sinundan ko si Beasty pero hindi ko siya makita kaya nagtanong-tanong nalang ako sa ibang mga estudyante. I really need to talk to her! Lalo pa ngayon, baka kung anong isipin niya dahil sa nakita niya!

   "Excuse me, nakita nyo ba si Sab?" tanong ko nung makita ko ang ilan sa mga dating kaklase namin.

   "Oo, doon oh!" Turo nung isa sa Cr, kaya dali-dali akong pumunta doon.

Nakita ko si Sabrina na nakaharap sa salamin habang umiiyak, hinilamosan niya 'yong mukha niya doon sa may sink.

   "Beast... pakinggan mo ako."

Hindi niya ako pinansin at dinaan nya lang ako para lumabas sa pinto pero hinawakan ko siya sa braso. "B-beast mali ang pagkakaintindi mo."

 "Please lang, h'wag mo nga akong tawagin ng ganyan? Tsaka naiintindihan ko ang lahat kaya h'wag mo akong turuan! Kitang-kita ko na nga e!”

Napaatras ako ng kaunti dahil sa ginawa niyang pagsigaw. This is the first time na pagtaasan niya ako ng boses! She was always good to me...

“Naiintindihan ko naman kasi na malandi ka katulad ng Mama mo, peke kang kaibigan. I hate being your sister!”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay hindi ko na napigilan ang sarili ko't nasampal siya, hindi narin kasi ako nakapag-isip ng maayos dahil gigil na gigil na ako.

"Sa tingin mo hindi kita tinuturing na kaibigan at kapatid?! Kung tutuusin, ako nga ang dapat na magalit sa inyo kasi iniwan kami ni Daddy para sa inyo! Kung may malandi man rito ay iyon ang mommy mo!” Masakit para sa aking sabihin 'to kay Sabrina pero sumosobra na kasi siya.

Kaya ko naman kasing tanggapin lahat ng masasakit na salitang bibitawan niya. Huwag lang niyang idadamay ang Mama ko!

Because this is all my father's fault. Kung sana kasi nakuntento siya sa isa'y masaya sana ang pamilya namin ngayon! But no, he's a fucking cheater, a player.

Kasal siya kay Mama pero nakabuntis pa rin siya ng ibang babae! Nabuntis niya ang kabit niya, at iyon ang ina ni Sabrina. Tapos sila pa ang pinili ng magaling kong ama.

I was just a kid when my father decided to leave us and ruin our family. My father was the first man to break my heart! And sabrina may be my half sister but I still loved her wholeheartedly. I made her my best friend even if it hurts!

Tapos ngayon isusumbat niya sa akin ang lahat? She fucking had our father for christmas, new years, birthdays, and father's day but I didn't say a word.

Ayaw pa nga ni Mama na lumalapit ako sa kaniya. She doesn't want me to associate with the family who broke ours, but isinantabi ko iyon dahil mahal ko siya bilang kapatid ko!

Nauna na akong lumabas sa comfort room at pinahid ko nalang ang mga luha ko sa likod ng palad. Ang sikip ng dibdib ko. This fucking hurts. Siya na nga lang 'yong nakakaintindi sa akin ng totoo. Siya na nga lang 'yong tumanggap sa ugali ko! Tapos ngayon wala na rin siya.

Bakit ba kasi lagi akong iniiwan ng mga taong minamahal ko?

     "Are you alright?" Sumikip lalo ang dibdib ko nang marinig ang tanong na iyon mula sa kaniya.

“Please, leave me alone.”

Lumakad ako ng mabilis para makalayo sa kaniya. Pumunta ako sa likod ng building ng senior high school para doon umiyak. Kasi doon ay walang makakakita sa akin. I'm tough, they shouldn't see my cry.

   Umupo ako sa semento doon at inginudngod ang mukha sa dalawa kong palad. I cried like a kid, I've let it all out. Ngayon nalang kasi ako nakaiyak ng ganito. Palagi ko itong pinipigilan. Palagi kong pinapakita sa lahat na matapang ako, na maldita ako at masya lang pero ang hindi nila alam ay nahihirapan rin ako.

     “Tapang-tapang mo, iyakin ka naman pala."

     “Wala kang alam!”

  “Alam ko, kasi narinig ko lahat. Medyo napalakas kasi ang batuhan niyo ng linya. Ang lakas ng mga bars mo do'n, hindi siya naka-rebutt, e!"

“Hindi ako nagbibiro.” Tumunghay ako at sinamaan siya ng tingin.

      “Sa'yo ko ibibigay ang puntos para sa unang laban.”

Hinampas ko siya at itinulak. Kitang-kita kasi na nagda-drama ako dito ay kung anu-ano naman ang sinasabi niya! “Umalis ka na nga dito!”


     "Sorry na, pinapatawa lang naman kita! Pero ang lakas naman ng loob niyang magalit sa'yo ha?"

"Ikaw kaya 'yung dahilan kung bakit siya galit sa akin ngayon!"

     “Ako lang ba talaga?” makahulugang tanong niya.

“What do you mean?”

"Alam mo base sa mga narinig ko, hindi ka naman tinuturing na kaibigan no'n. Parang matagal na siyang inggit sa'yo." Inakbayan niya ako ngunit inalis ko naman kaagad iyon.

     “You don't know her, siya lang ang nakakaintindi sa akin. She's the only person na hindi ako pinaplastic–“

“Nandito naman ako, willing akong intindihin ka Chrishelle Miracle Alvarez.”

Tumitig na naman siya sa akin and then my face heated.

"Bigyan mo lang ako ng pagkakataon at patutunayan ko sayo na gusto talaga kita,” saad niya't hinawakan ang mukha ko, pinahid niya ang luha ko sa pisngi gamit ang mga hinlalaki niya.

Umiwas ako at tumingin sa mga basura sa tabi pero hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman kong naghuhurumentado na naman ang puso ko. "Nandito lang ako, baby."

This place isn't the most romantic place to confess to someone. Madumi rito, maraming tambak ng basura, nagtutuklapan na ang pintura sa mga dingding at medyo mapanghi pa nga.

But I am simply amazed on how he managed to make me feel this way. Am I falling for him? Oh God, please no.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon