Chapter 7

12.7K 156 2
                                    

Naglalakad kami ngayon dito sa corridor at kasama namin si Clarisse kahit hindi pa ako ganoon ka comfortable sa kaniya. Pinsan pala kasi siya ni Margaux and she just transferred here in our school.

Galing raw siya sa California at napagpasyahan niyang dito mag-aral ng Grade 12. Like, how dumb is that reason? Baka naman kasi may gusto lang siyang makasama kaya siya pumunta dito.

   “Si Sabrina.” Nagtawanan 'yong tatlo nang makita nila ang kapatid ko na mag-isa. Simula noong lumayo siya sa amin ay hindi ko pa siya nakikitang may mga bagong kaibigan.

“She's alone again,” anas ni Lovie.

   “Duh? Who will want to befriend a snake?” si Sam naman iyon.

Binilisan ni Sabrina ang lakad niya para makalayo sa amin. Siguro nasasaktan na rin siya sa mga pinagsasabi nitong mga 'to. Wala kasing preno ang mga bunganga nila, they're kinda mean.

“Tumigil na nga kayo kakaparinig kay Sabrina.”

   “Your evil sis deserves it,” sagot naman ni Margaux at hinawi ang maikli niyang buhok.

     “Sino ba iyon?”

“Clarisse that's Sabrina. Ang babaeng 'yon ay may lahing ahas kaya lumayo-layo ka sa kaniya if I were you. Half sister siya nitong si Issa, nagalit siya kasi hindi siya ang gusto ni Mark.” Tumawa si Margaux matapos magpaliwanag.

“Mark is Zone Zero's vocalist!” Sabat naman ni Sam na parang hindi pa alam ng lahat iyon.

No, Sabrina is not mad at me because of Mark. Galit siya kasi tingin niya'y nalalamangan ko siya, galit siya sa akin kasi pagod na raw siyang maging anino ko. Pagod na siyang maliitin ng iba.

“Maganda siya ha? Pero baka naman kasi hindi mga ganoon ang tipo ni Mark.” parang may laman ang tinuran ni Clarisse.

Nag-agree 'yong tatlo tapos ako'y napatingin lang sa kaniya. Kilalang-kilala pala talaga niya si Mark, huh?

Pasimple kong sinuri ang kabuuan niya.
I envy her skin color because I am pale just like my sister Sabrina. Clarisse is pretty, morena, balingkinitan ang katawan at medyo matangkad lang sa akin ng kaunti.

I wonder, ano kaya ang ideal type ni Mark?

    “Mauna na kayo sa classroom.”

“Are you sure, Issa?” tanong ni Lovie.

Tumango ako at lumayo na sa kanila. “Yeah.”

   “Okay, bye! See you later!” pagpapaalam naman ni Sam.

I was planning na pumunta roon sa studio room nila Mark. Wala lang. Gusto ko lang siyang makita, gusto ko muna siyang makausap bago simulan itong araw ko sa school. I don't want to admit it, pero parang hinahanap-hanap ko na ang presensiya niya.

“Fuck!”

May bumato ng kung ano sa may likod ng ulo ko, pagkatapos ay napuno ang katawan ko ng kulay puting pulbos. Someone just threw a flour on me!

Napalingon ako nang biglang may sumigaw ng "takbo", nadapa 'yong isa na nakasuot ng surgical mask kaya naman sinunggaban ko siya.

Hindi nila ako puwedeng takasan ng gano'n lang!

Dinaganan ko ang babae at sinubukan kong tanggaling ang mask niya, pero nahawakan niya 'yong buhok kong at sinabunutan iyon. Naglaglagan ang mga harina sa buhok ko kaya napapikit ako at napaubo.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon