Chapter 17

11.7K 124 14
                                    

Hindi ko man lang magawang sagutin ang simpleng tanong ng professor ko tungkol dito sa report na ginawa ko. I look stupid infront of my classmates.

"Ano Miss Alvarez? How sure are you na tatangkilikin 'yang product na ginawa niyo? What's so special about it?" humalukipkip pa ang striktang prof. namin habang tinatanong iyon.

Nanginginig ako habang nakakagat sa labi, pagkatapos sumasakit pa itong sikmura ko pati na ang dibdib. Wala akong ibang nagawa kundi ibukas-sara nalang ang bibig ko na parang isda dahil sa naghahalong hiya at kaba sa sistema ko ngayon. "A-Ano..."

   "Ako na po ang sasagot," pagpiprisinta ng ka-groupmate ko at umabante sa harapan.

Tumalikod ako sa kanilang lahat at sinubsob ang mukha ko sa aking mga palad. I feel like I'm gonna cry, I inhaled sharply at mukhang napansin iyon ng mga kaklase ko.

Natigilan rin sa pagsagot itong kagrupo ko at hinagod ang likod ko. "Ayos ka lang?"

  "Miss Alvarez?" may halong pag-aalala na rin tanong ni Prof. Diosdado. Napatayo na siya at sinuri ang mga susunod na galaw ko, lumaoit siya sa akin at hinawi ang buhok na tumatabon sa mukha ko.

Ngunit imbes na sumagot sa kanila'y kinuha ko ang bag ko then I stormed out the classroom habang sapo ang dibdib kong naninikip. It felt so painful, parang may naiipit na ugat dito, nagdidilim na rin ang paningin ko.

   "Fuck!" Napasandal ako sa dingding at napaupo, nalamukos na ang uniform ko sa tindi ng pagkakapit ko dito. Pinilit kong tumayo at lumakad papunta sa comfort room.

Then I saw my messy uniform and my pale reflection looking back at me. Pagkatapos noon ay bumigay ang mga tuhod ko at napahiga ako sa malamig na sahig nitong banyo. It hurts so bad.

Tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko at nagpalamon sa kadiliman. Nang sumunod na magmulat ako'y naroon pa rin ako sa banyo. Kitang kita ko ang malumot na ilalim nitong lababo dahil sa posisyon ko ngayon.

Mukhang kawawa ako sa lagay ko ngayon, wala man lang nakapansin na halos nag-aagaw buhay na ako. Paano nalang kung natuluyan akong atakihin sa puso? Magugulat na lang sila na nakahandusay ako dito sa sahig ng banyo.

Hinilamusan ko muna ang mukha ko bago lumabas dito. Pupunta ako sa room kung saan nagpa-practice ang Zone Zero. I need to talk to him, hindi kasi ako mapakali kaya ako nagkakaganito ngayon.

Sobrang naguguluhan ako at hindi ko matanggap ang ginawang pag-iwan sa akin ni Mark, siya itong pinagpalit ako pero ako ang sinisisi niya na parang ako pa ang naging loko-loko sa relasyon namin.

Ayokong niloloko ako pero parang mas maloloka ako kapag hindi ko narinig ang paliwanag niya. Bakit niya sinabing 'laro' ko?!

  "Crishelle!" Tumigil si Niccolo sa pagpalo sa drum at hinawi ang mahaba niyang buhok.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong room but I failed to see Mark. "Nasaan si Mark?"

"Hindi namin alam." Ibinaba na rin ni Xian 'yong bass niya at umupo sa isa sa desk ng mga armchair doon.

"Wala na si Mark dito, hindi na siya vocalist ng Zone Zero."

Napanganga ako dahil sa tinuran ni Nathan. Bakit naman bigla siyang umalis sa banda? "Wait, why?"

"Hindi rin namin alam. Ikaw, baka gusto mong mag-apply na bagong vocalist?"

Hindi ko pinansin ang pag-alok ni Niccolo. I walked out the room and surveyed every corner na madaraanan ko, baka sakaling makita ko siya. Pero bigo akong magawa iyon, kaya nagpunta na lang ako sa mga susunod ko pang klase.

ISANG LINGGO kong hindi nakita si Mark, sa ilang araw na iyon ay palagi ko siyang hinahagilap pero sadya siyang mailap. At ngayong araw nga'y nakita ko na siya, pero may mga katabi siyang babae doon sa table niya.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon