Chapter 25

9.9K 123 14
                                    

Kahapon ay nagkulong na kaagad ako sa kwarto, hindi na ako nag-lunch at nag-dinmer. I cried myself to sleep last night at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lumalabas kahit tinatawag na ako ni Mama.

Walang puwedeng makaalam na umiiyak ako ngayon dahil kay Mark. I don't want them to think na niloko lang niya ako. I don't want to taint his image to anyone... playboy na nga ang bansag sa kaniya, pagkatapos dadagdagan ko pa?

Biglang nag-ring ang cellphone ko at sinagot ko naman kaagad iyon. It was Lovie who called.

      “Kumusta ang party?”

Hindi ko napigilan ang mapahikbi.

   “Are you alright?! Anong nangyari? Umiiyak ka ba?” Tarantang tanong ni Lovie.

Lalo naman akong napaiyak dahil doon sa naging reaksyon niya. I didn't realize of how good of a friend Lovie was, until now. Akala ko wala na akong kakampi nang mawala si Sabrina sa akin.

    "Ano ba yan?! Pupuntahan kita diyan sa inyo! Alam ba 'yan ni tita ha?" Pagdadabog ni Lovie. I even heared her heavy footsteps in the other line.

   "E, kasi naman..." sabi ko kasabay ng paghikbi.

Dumating si Lovie dito sa bahay nang naka-uniform pa. Lunes kasi ngayon at hindi na ako nakapasok sa school, galing pa raw nga siya doon at nag-break time kaya nakatawag siya sa'kin kanina.

    “Bakit ka ba kasi umiiyak ng ganiyan?”

Tanggap ko naman na talaga pero masakit pa rin kasi... Bakit ganu'n? Lalo pang lumakas ang pag-iyak ko dahil sa thoughts na pumapasok sa akin.

"Ano ba kasi talagang nangyari?” Hinagod ni Lovie ang likod ko ko habang hawak niya 'yong box ng tissue.

   "K-Kasi naman..."

"Kairita ka! Puro ka 'kasi naman', tinatanong kita ng maayos e. Kapag wala ng natira dito, kukunin ko na yung toilet paper sa banyo. Kahit gamit na, at yun ang ipapagamit ko sa'yo, kaya tumigil ka na diyan!"

Umiyak parin ako kahit ano pang sinasabi niya.

"Nakipaghiwalay na ba si Mark sa'yo?" Tanong niya habang hinahagod pa rin ang likod ko.

     "Hindi pa...”

Hindi pa kami nagkakaroon ng closure, pero alam ko naman na doon na rin kami hahantong. Malinaw na naman lahat e, kahit nga hindi na niya sabihin na hiwalay na kami ay alam ko na 'yon dahil sa mga inakto niya kahapon!

   "Kung makapag-emote ka diyan, para kang namatayan!" Pinalo niya sa ulo ko ang box ng tissue.

"Doon rin naman pupunta yon?!" saad ko.

    "Wait, may tumatawag sa akin." Umalis muna siya sa tabi ko at sinagot 'yon. “Hello, Xian?”

Kalahating oras rin ako nag iiyak, tumigil na ako kasi na pagod na ako at parang natuyo na yung lalamunan ko sa kakangawa. Maka katulog na nga sana ako nang biglang may tumawag sa akin.

    "Miracle!"

"Mark?"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako, pagkatapos hinalikan niya ako sa noo.

    "I'm sorry, I think nagkaroon tayo ng misunderstanding kahapon."

“Bakit ka nandito?” Naglipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Lovie.

    “Sorry, nasabi ko yata sa kaniya na binabaha ka na ng luha dito?” Kumamot siya sa batok bago nag peace sign pa.

“Lovie, naman!” Ang pasaway na ito, naabutan pa tuloy ni Mark na ganito ang hitsura ko. Baka isipin niya'y patay na patay talaga ako sa kaniya.

        “Miracle, bakit ba kasi umiiyak ka nang ganiyan?” saad naman ni Mark upang kuhanin ang atensiyon ko.

“Ano bang pakialam mo? Why don't you go and court Clarisse like what you always wanted? Tanggap ko na ngang hindi ako 'di ba? Magpapaubaya na nga–“

     “Sino ba kasing nagsabi na magpaubaya ka?” Umigting ang panga niya at ang talim ng titig niya, parang nagpipigil na siyang sumigaw.

    “'Di ba nganaguguluhan ka na nga sa akin?”

“Miracle, hindi mo ba maintindihan?” He facepalmed.

    “A-Ano ba kasi 'yun?”

“Nako ang gulo niyong dalawa!” Biglang singit naman ni Lovie.

     “Siya kasi!” Sabay naming sisi ni Mark sa isa't-isa.

“Anong ako?!” Sabay ulit na angal namin.

     “Sige ako nalang ang magulo,” si Lovie.

“Tara na nga, sumama ka sa akin. Mag-usap tayo.” Hinila ako ni Mark palabas sa kuwarto ko, sumunod rin naman si Lovie sa amin.

“Saan mo na naman ba ako dadalhin?”

      “Salamat sa pagsabi sa akin ng kalagayan niya kanina, Lovie. Aalis muna kami ha?"

“Sige lang, sumasakit na ulo ko sa inyong dalawa.” ani Lovie at kinindatan pa ako, tinulungan pa niya ang maid na magsara at magbukas ng gate nang makalabas kami sa bahay. Hinigit naman ako ni Mark palapit sa corvette.

    “Mark, where?!”

Nagtataka akong bumaba sa sasakyan niya, narito kami ngayon sa bahay nila at hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala. Mag-uusap lang naman daw kami, puwede naman gawin iyon sa bahay kanina.

     “Bakit dito pa sa bahay niyo?”

Hindi siya sumagot, hinawakan niya ulit ang kamay ko at iginiya papasok doon sa bahay. Bumati sila Manang pero hindi ako naka-greet kasi nagmamadaling pumanhik  ito papunta sa isang kwarto sa taas.

    Mas maliit itong kuwarto at puno ng random na gamit, tapos napansin ko ang isang medium sized na picture frame na may letrato ng isang magandang babae. May katabi itong kulay asul na ceramic urn at nakapatong ang mga iyon sa isang long table na kahoy.

   "Ma, kamusta ka? 'Di ba pangako ko dati, ipakikilala ko 'yung babaeng mahal ko? Kahit dito... Kahit dito lang sa mga abo mo."

Tumingin ako sa kanya, pero hindi siya lumingon. "Si Clarisse... akala ko nga si Clarisse ang dadalhin ko dito."

Pagkatapos niya sabihin yun ay tumingin siya sa akin kaya nagtama ang mga titig namin, bago bumalik ang tingin niya sa frame.

"Mommy siya si Miracle, yung taong nagpapasaya sa akin...” Nanginginig ang boses niya. "She's the one I love, mom. Siya na ang babaeng gusto magkasama habang buhay..."

Naluha ako nang makita kong tumulo na rin ang luha niya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya mula sa likuran.

    “Mom, alam kong naging pasaway ako. Alam kong pinapanood mo ako sa langit at napapailing ka na lang dahil sa mga pinaggagawa ko... Pero isa lang ang hihilingin ko ngayon... Please, let this girl realize how much I love her. Please help me pray for her and protect her.”

I've never imagined that I will be able to see Mark's vulnerability. This makes my heart ache in a good way but I don't know if I can handle this.

Umalis siya sa yakap ko at may kinuhang box sa bulsa niya, humarap siya at ipinakita ang laman noon sa akin. May dalawang silver ring na naroon.

    “This is a promise ring,” kinuha niya ang isa't yong kanang kamay ko.

“May initials ko itong sa'yo sa loob para maalala mo ako palagi kahit magkalayo tayo. With this ring, I promise to do everything that I can to save you from this cruel world.” Isinuot niya sa akin iyong singsing.

Kinuha ko naman iyong isa at ang kanang kamay niya rin, “This is really hard form me to do... because you know that I got my trust issues. Pero Mark, pinapangako ko ngayon sa'yo ang buong pagtitiwala ko.”

   Humalik siya sa labi ko pagkatapos noon.

It was different, I swear I felt and saw sparks with my eyes closed when his soft lips met mine. Para akong lumilipad dahil sa gaan ng pakiramdam ko. Kasabay nito ang pagpatak ng luha ko habang nakapikit at dinadama ang mabagal at masuyong halik niya. Fuck, I don't even know why I'm crying... siguro dahil sobrang saya ng puso ko ngayon.

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon